7 - First Night

524 8 1
                                    

It's official.

I am MRS. TALA LUNA  MONTOYA-LARUZAL.

Matapos ang pirmahan ng papeles sa opisina ni Judge Montoya, dumiretso na ang mag-anak sa private area nila sa Gazebo para sa dinner celebration. Sina Rick at Amy ang nagsilbing witnesses sa kasal. Wala naman masyadong nangyari. Akala mo merger lang ang nagaganap. Ni wala ngang "You may kiss the bride..." eh.. Haisst!

Hindi ganoong wedding ang pinangarap ni Lu! Ineexpect niya na mas bongga ang kasal niya sa naganap na debut niya. Sa pangarap niya, imbitado ang lahat ng kakilala ng buong angkan niya at mapapangasawa niya. Weak-long ang celebration. Magsusuot siya ng isang magarbong wedding gown at may hawak hawak siyang isang bouquet ng red and white roses. Sa cathedral sa bayan nila magaganap ang kasal. Pagtitinginan siya ng lahat ng tao habang naglalakad siya papunta sa altar kung saan naroroon ang lalaking makakasama niya habambuhay.

Ibang-iba ang naganap kanina. Nakasuot lamang siya ng simpleng puting sundress at light pink na flats. Ni wala siyang hawak na kahit isang pirasong bulaklak. Si Fin naman ay nakasuot ng matinong jeans at matinong puting polo shirt. (matino = tamang sukat sa katawan niya o hindi maluwag na maluwag o lawlaw na tulad ng lagi niyang suot) Combed back ang buhok niya na tila nilagyan ng gel o mousse. Parang ayos ng buhok niya nung debut ni Lu. Wala rin itong suot na salamin at walang dalang malaking backpack. Nagulat nga si Lu nang makita si Fin kanina. Parang nakita niya uli ang 18th rose niya.

Matapos ang onting pangangaral tungkol sa legal responsibilities ng isang mag-asawa, diretso pirmahan na agad. Wala na masyadong naganap na kung anumang seremonyas. Nagpasalamat sila kay Judge Mariano at inimbitahan  ito sa dinner. Maayos na tinanggihan ni Judge Mariano ang alok at sinabing mas mabuting sila-sila munang magpapamilya ang magcelebrate ngayong gabi.

"Lu, andito na tayo."

Lumipad na naman ang utak ni Lu kaya hindi niya namalayan na nakabalik na pala sila sa mansyon.

"H-ha?"

"Ang sabi ko, andito na tayo. Bumaba ka na sa sasakyan." Ulit ng mommy ni Lu.

"Oh.. ok. Hay... "

(_ _|||)

Napabuntung-hininga si Lu. Hindi rin ganito ang inaasahan niyang first wedding night. Sa pangarap niya, after ng kasal ay pupunta sila ng kanyang asawa sa isang 5 star hotel. Doon ay sosrpresahin siya ng asawa sa loob ng kanilang suite ng isang romantic na setting : may mga nakasinding kandila sa paligid ng kwarto at punung-puno ito ng rose petals. May tuumutugtug din na romatic background music...

(ღ˘⌣˘ღ)

Hndi kagaya ng nangyayari na matapos ang pirmahan at dinner at didiretso na siya sa kanyang kwarto para matulog. Sa bagay, baka paggising niya kinabukasan ay isang masamang panaginip lang ang lahat,

"San ka pupunta?"

"Ha? Aakyat na po ako sa kwarto ko..."

"Sino naman ang nagsabi na sa kwarto mo ka matutulog? May asawa ka na Lu." sabi ng mommy ni Lu.

"Ok po..." Yun na lang ang naisagot ni Lu sa mommy niya. Parang lutang na naman ang dalaga.

"Amy, Rick, samahan niyo na nga ang dalawang ito sa new wing nila." sabi ni Lucy

"Ok po tita." sagot ni Rick.

"Don't be rough ok, Fin. Be gentle with our baby..." Biglang sabi ni Raf.

(?_?)a

Don'r be rough?!?? Gentle??? Ano bang pinagsasasabi ni daddy?! Hindi niya ba nakikita na malungkot ako? I'm only doing this for you and for La Luz!

My Secret BrideWhere stories live. Discover now