"Pre, tinitingnan ko lang kung may mga nakatago bang kamera rito. Sabay seryoso siyang tumingin sa amin. Sigurado ba kayong wala tayo sa isang reality show? Sabay tumingin uli sa paligid. Big Brother! Ikaw ba iyan? Sorry Big Brother, pero over qualified na ang kagwapuhan ko para sa pag-aartista!"

Natawa na lang ako sa itsura niya. Binato naman siya ni Paul ng throw pillow na nasa sofa pero nasalo niya.

"Kahit kailan ka talaga." Inis na sabi ni Paul.

"Pasensya lang! Ang hirap naman kasing i-digest lahat ng mga narinig ko kanina."

Tahimik na dumating naman si Manang Pilar dala ang meryenda.

Halata rin ang pagkailang niya. Siguro kagaya rin ni Kael, gulat pa rin siya sa mga nalaman niya.

Naiintindihan ko rin naman sila.




Nichole's POV

"Alam na ni Nichole lahat ng nangyari noon, Sylvia."

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Mommy si Daddy na parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

And with that reaction, I know everything is already confirmed.

Kahit hindi na niya direkta pang sagutin ang kanina ko pang tanong sa kanya. Tuluy-tuloy na rin ang pagtulo ng mga luha sa mata ko kahit pigilan ko pa man.

"Okay. So ano pa pala ang dapat kong sabihin ngayon dito? Eh mukhang napagkaisahan niyo na naman akong mag-ama."

"Pwede ba, Sylvia."

She just chuckled.

Then, she looked at me.

"No matter what I'll say now, you will not believe it, right? So what's the point of this conversation, huh?"

"But why did you do that, Mommy? Why did you have to reach the point na kailangang i-risk pati ang buhay nila?"

She looked again to Dad.

"So Anthony, ano pa ba ang hindi mo pa nasasabi sa anak ko?"

"No, Mom. Dad didn't tell me. I heard them..."

"Them? Who?"

"I accidentally heard Dad and Sherlyn's conversation."

Napanganga si Mommy sa sinabi ko, but she immediately recovered from it. She raised her right eyebrow saka lumapit kay Daddy.

"So nagkita na pala kayo ng anak mo sa labas? How's the reunion?"

Sabay pa kaming nagulat ni Daddy sa sinabi ni Mommy.

"Matagal mo na palang alam? Kailan pa, Sylvia? Kailan pa!"

Mas lalo akong nagulat because for the first time in my life, narinig ko si Daddy na sumigaw. Nakita ko rin ang pagkabigla sa mukha ni Mommy. Parang hindi ko na kakayanin ang mga nakikita at naririnig ko.

"Just recently. How 'bout you, Anthony? Kailan mo pa alam?"

"Huwag mo siyang papakialaman!"

Then she smiled.

Kinilabutan ako nang makita ko ang ngiting iyon ni Mommy.

I remember when I was a kid; if she wants to stop me from something in front of her friends, she will give me that smile as her warning. At kahit tumigil na ako, kapag dalawa na lang kami ay saka niya ako papaluin nang papaluin. Pagkatapos ay isesave ako ni Daddy.

The last time I saw that smile is when I asked her about James. Then the next day, nasa hospital na si James.

Kaya until now, I got scared kapag ginagawa niya iyon.

I know she will do something.

"Do you think, Anthony, basta-basta ko na lang hahayaang makapasok sa buhay natin ang bastarda mo?!"

Mahigpit na hinawakan ni Dad ang magkabilang balikat niya.

"What do you mean? What did you do?!"

"Too late honey."

I knew it!

Nakita ko kung paano nasampal ni Daddy si Mommy sa unang pagkakataon and I know that ito rin ang unang pagkakataong ginawa niya iyon.

Nasasaktan man ako pero Mom deserves more than that.

"Dad, tatawagan ko si Paul. Stay with Mom."

Agad kong dinampot ang bag ko na nasa table at dali-daling lumabas ng conference room.

Damn it!



I hate you, Mom!

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon