Chapter XIV

12.7K 435 90
                                    

 
 

It’s the eighteenth day of October. And it’s a very special day.

 
Since the night Kiel and I let our hearts rule us, I am always happy being in love and being loved back. Kiel never miss a day without making me feel special. Kaya naman kahit na alam ko na hindi pa maayos ang lahat, hindi ko na maipaliwanag kung gaano ako kasaya.

 
Kahit na medyo Malabo pa, gusto kong maging masaya na may pag-asa akong maging masaya sa pagtanda ko kasama si Kiel. May tiwala naman ako sa kanya na magagawa n’yang ayusin ang lahat.
 

Kahit na may mga komplikasyon ang pagmamahalan namin ni Kiel, alam ko na hindi na ako bibitiw sa kanya. Gusto kong maging masaya at alam ko na kaya ko ding pasayahin si Kiel.
 

“Good morning, Mara” magiliw na bati ko sa kanya. Monday ngayon kaya wala akong pasok sa university.
 

Tatlong subjects nalang kasi ang kulag ko at every Wednesday at Saturday lang ang pasok ko. Kapag wala akong pasok sa university ay sa OJT naman ako pumapasok. Malapit na din akong matapos sa seven hundred eighty hours ko kaya medyo nalulungkot din ako. Last week ko na kasi ngayon at naging close na din naman ako sa mga kasama ko dito.

“Uy! Pia. Good morning” balik bati ni Mara.
 

Tinitigan ko s’ya. Nakangiti s’ya pero alam ko na malungkot s’ya.

“May problema ba?” tanong ko sa kanya saka ako umupo sa tabi n’ya.

Ngumiti s’ya sakin saka umiling.
 

Alam ko na wala ako sa posisyon kaya hindi na ako nangulit. Binalikan ko nalang ang mga naiwan kong trabaho noong Biyernes.

Nang mananghalian kami ay tahimik lang. Kaming tatlo lang nila Walter at Mara ang nasa opisina. Nasa site ang iba at tinututukan ang trabaho d’on.

Alam ko na wala si Kiel ngayon dahil pupuntahan n’ya si Ashley. Dalawang linggo na kasi n’yang hindi nahihiram si Icen. Iyon ang sinabi n’ya sakin pero alam ko na may mas malalim pa s’yang problema.

Nakasama ko na si Icen. At kilala naman n’ya ako. Apparently, pinakilala ako ni Kiel sa anak n’ya. Nang minsan na magawi ako sa condo ni Kiel, nakita ko na madami akong pictures doon. Kaya nang unang makita ako ni Icen ay kilala na agad n’ya ako. AT hanggang ngayon, babe ang tawag n’ya sakin.

Maayos naman kami ni Icen. Minsan na-a-awkward-an ako, pero dahil bata si Icen at wala s’yang pakielam sa issues ng mga matatanda, hindi na mahirap na mahalin s’ya.

Minsan nasabi ni Kiel na kinausap n’ya daw si Ashley. Sinabi n’ya na pwede naman silang maging mga magulang kay Icen kahit na hindi sila magkasama sa iisang bahay. Pwede naman s’yang maging mabuting ama sa anak nila kahit na sa akin s’ya uuwi.
 

Hindi nabanggit sakin ni Kiel ang napag-usapan nila. Kapag tinatanong ko s’ya, palagi n’ya lang sinabi na okay lang daw at ‘wag akong mag-alala. Pero sa palagay ko ay hindi maganda ang naging kinalabasan dahil mula nang mag-usap sila ay hindi na nahiram pa ni Kiel si Icen.

Napapaisip tuloy ako na mahal na ni Ashley si Kiel na higit sa isang kaibigan at ayaw n’ya na nandito ako. Na baka ginigipit n’ya si Kiel para iwan ako at piliin sila ng anak nila.

Maghapon ay si Kiel lang ang iniisip ko. Nag-te-text naman s’ya sakin para paalalahanan akong kumain at mag-ingat palagi. Sinasabi n’ya na hindi n’ya pa nakakausap si Ashley at iniintay n’ya pang umuwi.

Maghapon ay nagdaldalan lang kami ni Mara. Pero pansin ko na matamlay talaga s’ya ngayon. Napansin ko din na medyo matagal ko nang hindi nakikita si Quintin sa paligid. Gusto ko sanang tanungin si Mara pero nahiya naman ako.

Always for YouWhere stories live. Discover now