Chapter VII (2)

8.7K 349 50
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali. Ano'ng oras na at alam ko na tapos na ang gig nila Kiel, pero wala pa rin s'ya at ni hindi s'ya nagpaparamdam. Kanina ko pa s'ya tinatawagan pero hindi naman n'ya nakukuhang sumagot. Alalang-alala na ako sa kanya. Kapag hindi kasi s'ya makakauwi agad ay mag-ti-text s'ya o kaya ay tatawag. Pero ngayon ay wala ni isa.

Ayokong mag-isip na may masamang nangyari sa kanya pero hindi ko maiwasan. Nang tawagan ko si Ashley ay sinabi n'ya na nakaalis na si Kiel kanina pa. Mas nadagdagan ang pangamba ko nang sabihin n'ya na si Kier ang kasama ni Kiel nang umalis.

Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Ang alam ko lang ay wala akong peace of mind sa ngayon.

Halos mapatalon ako mula sa kinauupuan kong sofa nang tumunog ang cellphone ko. Agad na sinagot ko 'yon.

"Kiel!" bungad ko sa tumawag.

"Piyang, si Nanay 'to"

Hindi ko alam kung bakit sobrang disappointment ang naramdaman ko.

Tumikhim na muna ako. "Bakit ho kayo napatawag, 'Nay?" tanong ko

"Wala pa sa inyo si Kiel? Gabi na a" may himig ng pagtataka si Nanay.

"May trabaho ho" sabi ko nalang dahil ayoko na mag-alala pa si Nanay tulad ko. "Bakit ho kayo napatawag, 'Nay? Kumusta naman ho kayo d'yan?" pag-iiba ko ng usapan.

Narinig ko ang malalim na paghugot ni Nanay ng hininga.

"Anak, may malaking problema tayo" bahagyang nanginig pa ang tinig ni Nanay. Alam ko na umiiyak na s'ya.

"Bakit ho, 'Nay? Ano ho ba'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ko.

Humikbi pa si Nanay. "Ang K-Kuya mo kasi..." nauwi na sa hagulgol ang iyak ni Nanay.

Hindi ko na alam kung gaano ko katagal narinig ang hagulgol ni Nanay bago n'ya unti-unting sinabi sakin ang problema.

Napasubo sa isang malaking sindikato si Kuya at ngayon ay hinahabol na s'ya. At binantaan s'ya na uubusin ang buong pamilya n'ya. Takot na takot na sila Nanay dahil kanina lang ay natagpuan ang bangkay ni Tiyo sa tabi ng ilog. Natatakot na sila ahil sa bulsa ng pantalon ni Tiyo ay may isang sulat. At sinabi doon na...

'Nauna na ang mabuting tiyuhin, susunod na ang magandang kapatid'

Hindi ko mailarawan kung gaano kalaki ang takot na nararamdaman ko sa ngayon.

Matagal pa kaming nag-usap ni Nanay. Sinabi n'ya kailangan ko nang doblehin ang pag-iingat ko.

Sobrang takot na ang bumabalot sakin sa ngayon. At ang unang nasa isip ko ay ang ilayo si Kiel sa kapahamakan. Ayoko na madamay pa s'ya sa gulo ng pamilya ko.

Gusto kong sumabatn si Kuya at sampalin s'ya dahil inilagay n'ya ang buong pamilya sa kapahamakan.

Habang nagsisilid ako ng ibang damit ko sa maleta ay iyak ako nang iyak. Ayoko na iwan si Kiel. Mahal na mahal ko s'ya, pero ayoko din naman na madamay s'ya sa gulo. Ayoko na mapahamak s'ya.

Nang matapos ako sa pagsilid ng ibang mga damit ko sa maleta ay ginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid namin.

Sa silid na ito, naging isang tunay na babae ako. Naramdaman ko na minamahal at iniingatan ako. Ito ang naging saksi na lubos na pagmamahalan namin ni Kiel. Na dito kami nagsama sa loob ng higit tatlong taon.

Always for YouWhere stories live. Discover now