Chapter I

16.8K 489 62
                                    

Chapter I

Madaliang pinaglalagay ko ang mga gamit ko sa duffel bag na hinanda ko sa kama. Mga mahahalagang gamit lang ang pinili kong dalin. At ang mga hindi mabibili agad. Laptop, hard drives, iPad, phones, IDs, school documents, personal papers, papers ng kotse at motor, at ilang damit lang.

Nang maisara ko na ang bag ay binuksan ko na ang bintana. Swerte naman na tapat ng garahe ang kwarto ko. Inilaglag ko na ang bag ko sa bintana. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko sa drawer at ipinasok ko na ang laptop at ilang gadgets ko sa isa pang bag saka ako lumabas ng kwarto.

Buti nalang at nahiram ni Sherwin ang motor ko. Hindi ko na po-problemahin kung paano ko maipupuslit.

"Dad, where's Nanay Fina?" malamig kong tanong kay Daddy na nakaupo sa sofa.

S'ya lang ang nasa sala. At s'ya lang din ang nakita ko sa paligid.

"She's out buying groceries" he said while reading a book.

Parang walang nangyari kanina kung maka-akto s'ya.

I felt relief knowing that Ivy was just lying about throwing Nanay Fina out of the house.

"Saan ka pupunta, Kiel?" tanong ni Ivy habang pababa ng hagdan.

Hinarap ko s'ya. "Mag-iinuman kami nila Sherwin" matabang na sagot ko.

"At may dala ka pang bag?" taas ang kilay na tanong n'ya.

"Ano bang pakielam mo?" pabalang na sagot ko.

"Kiel!" Dad warningly called.

I just ignored them.

Kukuha sana ako ng kahit ilang damit ni Pia, but I don't want to risk it.

Lumabas na ako at tumungo sa garahe. Luminga muna ako sa paligid bago ko pinulot ang duffel bag ko. Itinapon ko nalang 'yon sa backseat ng kotse ko. Ibinaba ko na din ang bag ng laptop at saka umikot para sa driver's side.

Malakas ang tambol ng puso ko habang palabas ako ng gate.

Pia, I'm sorry.

Alam ko na nasaktan ko s'ya sa mga nasabi ko. But I have to do that. It's for our own good.

Hindi naman kami mapapakain ng puro pagmamahal lang. I have to do that to buy some time. Kailangan ko dumiskarte para hindi kami mahirapan.

Mabilis ang takbo ko pero masinsinan kong sinusuyod ang mga nadadaanan ko.

Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang makita ko s'ya na naglalakad sa gilid ng daan. Hindi pa naman s'ya masyadong nakakalayo. Yakap n'ya ang sarili n'ya at halata na umiiyak s'ya.

Parang may sumuntok sa sikmura ko.

Did I overdo it? Sumobra ba ang mga nasabi ko?

But all was just an act!

I hurriedly went out of my car. I run at her side and tightly hug her from behind.

"I'm so sorry, babe. I don't mean those words. I love you" I hurriedly said.

If I have to beg her to believe me, I will.

"Let me explain, please" I begged

Naramdaman ko ang pagkalas n'ya ng mga braso ko.

"Tama na, Kiel" nakikiusap na sabi n'ya.

I felt a tight squeeze on my chest.

"Kung pinaglalaruan mo na naman ako, please tama na" humagulgol s'ya. "Ang sakit na kasi"

Always for YouWhere stories live. Discover now