Chapter19

645 8 0
                                    

It's been weeks and Daniel is being Sweet as ever.Parati siya nitong dinadalawa sa bakeshop minsan sabay silang maglunch minsan tumutulong rin ito sa kanya mag bake pero sympre hindi magawang hindi maging makalat ito. Everyday na magkasama sila walang araw na hindi siya nito sinusopresa at pinapasaya. Yep,she love the guy and maybe it's time to cut the courtship and proceed to the real deal. Kasalukuyan siyang nagsho-shopping ng Nail Polish sa Nail Polish Haven. Kaibigan niya ang may ari nito pero mukhang wala ito. Nag upisa siyang tumungo sa Pastel Colors na Column na nagsimulang tumunog ang call ringtone niya.

"Hello?"

"Hey."

Kahit sa cellphone lang ang swabe talaga ng boses ni Daniel.

"Oh Daniel napatawag ka?"

"Nasaan ka,Nik? Pinuntahan kita sa bakeshop wala ka. Sa apartment niyo walang sumasagot---"

"Daniel kalma nasa Nail Polish Haven ako."

"Good. Wait for me there."

"Wait. Wala ka bang meeting or something? Okay lang naman ako eh."

"Wala na kong meeting and besides I need to talk to you."

"Hindi ba makapaghintay yan? I'm having my girl moment here." reklamo niya.

Narinig niyang napatawa si Daniel sa kabilang linya.

"Don't worry. Hindi ako magrereklamo. Be there in 10 minutes. Love you!"

"Lo---" ngunit bago pa niya napatapos ang sasabihin pinutol na nita ang tawag. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o maaasar. Hinihintay niyang i-open up ni Daniel ang panliligaw nito pero weeks na magkasama sila walang lumabas sa bibig nito na panliligaw.Parang pareho lang sa dati ang tuturingan nila ang nagkaiba lang parati na siya nitong binibisita sa Bakeshop at kung tinatanong sila ng parents ng binata kung kailan ang kasal tinatawanan lang nila. Sinabi nila noon na hindo totoo ang kanilang "relasyon" na nililigawan pa lang siya ng binata pero hindi naniwala ang mga magulang nito at ngayon kinukulit silakung kailan ang kasal.

Kinuha niya ang Hot Pink na nail polish ng may nagsalita sa tabi niya.

"You can use my nails if you want." agad siyang napangiti at tiningnan ito. And she's right it's Daniel wearing his polo ang slacks. So formal as ever.

"Pwede ba? Baka magrereklamo ka na naman diyan ah."

"Of course not diba may acetone naman? You'll erase them after right?"

Ngumiti siya rito at umiling.

"Wag na may lista na ko ng bibilhin ko."

"Okay. Nakapaglunch ka na ba?" tanong ng binata habang sumu-sunod sa kanya papunta sa kabilang Column.

"Yep. Ikaw?"

"Wala."

"Oh ? Bakit hindi ka kumain?"

Kumibitbalikat ito at kumuha ng isang Nail Polish at inikspeksyon na parang kakainin.

"Oy Daniel bakit ka hindi kumain?"

"Gusto sana kitang sumabay kumain."

Hinarap na niya ito.

"Daniel,Pwede ka namang kumain mag-isa ah? At isa pa kumakain ka naman noon na hindi ako kasama ah."

"Well noon eh kasi pinipigilan ko ang sarili ko na hindi pumunta sayo ngayon hindi na kailangan dahil alam mo na ang nararamdaman ko.Kaya bakit ko pa tataguin?"

Dinuro niya ang noo nito.

"Ikaw puro ka kalokohan." aniya sa binatang ngiting ngiti sa kanya. Isang oras sila sa Nail Polish Haven. Bumili siya ng limang bail polish at sa isang oras na iyon may Nail Polish nga ang kamay ni Daniel. Sa umpisa wala talaga siyang balak na gawing tester ang malinus na kuko ng binata ngunit may Nail Polish na ang kamay niya and Daniel Insist so she did it. Kaya ng lumabas sila ng Nail Polish Haven na iba't iba ang kulay sa kuko nito.

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Where stories live. Discover now