Chapter 14

736 9 1
                                    

"Alis na ko,Nik!" paalam ng binata nilingon niya ito. Inaayos niya kasi ang buhok niya sa harapan ng salamin

"Ha? Aalis ka na? Oy wait! Ba't ang aga?"

Lumapit ang binata at nasa likuran na niya ito. Naka three piece suit ito ngayon.

"May breakfast meeting ako eh." sagot nito habang inaayos ng mabuti ang necktie nito.

Tumayo siya sa pagkakaupo at siya na mismo ang nag ayos ng necktie nito. Nakangiting tiningnan lang siya ng binata. One week ng naging 'normal' si Daniel wala ng lantaran ng katawan tuwing umaga. Back to normal naman ang turingan nila okay na okay sa kanya iyon dahil normal na rin ang pagdaloyng dugo sa utak niya at hindi na buhol buhol brain cells niya.

"Yan. Okay na. Sige good luck sa meeting mo." sabi niya at umatras ng kaunti

"Thanks." sabi nito at hinalikan siya noo. Super duper balik na sila sa normal. Thank you Lord.

Naglakad na ito palabas ng kwarto niya ng bumalik agad.

"By the way, gusto mo sunduin kita mamaya?" nakangiting tanong nito.

"Uhmm baka busy ka."

"Nah. I'll pick you up later at 7pm. Okay? Bye."

"Bye. Ingat."

Napabuntong hininga siya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok niya.

NANG makarating si Nikki sa bakeshop niya ay ngiti ang sinalubong ng mga empleyado niya. "Good Morning,Ma'am." chorus ng mga ito.

Kumunot ang noo niya.

"Good Morning din sainyo. Mukhang maganda ang mga gising niyo ah."

"Hindi naman masyado Ma'am. Siyangapala Ma'am may nagpadala po ng bulaklak sa inyo."

Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi ni Rita.

"Sinong may bigay?" tanong ko sa kanila.

Nakangiting umiling lang ang empleyado niya.

"So alam niyo kung sino ang may bigay?"

"Hindi po,Ma'am ah. Nakita ko lang kanina sa harapan ng pintuan natin Ma'am baka po

secret admirer niyo."

"Uyyy si Ma'am nagdadalaga na."

"Paincrease naman ng sweldo Ma'am."

"Makaka boyfriend na si Ma'am.Yehey!"

"Heh! Magsitahimik kayo riyan. Babawasan ko ang sweldo niyo sige kayo." yan ang parati kong threat sa mga empleyado ko. Pero alam naman ng mga ito na biro lang iyon at isa pa hindi siya ang magpapasweldo sa mga empleyado niya this year.

"Joke lang Ma'am."

"Eto naman si Ma'am highblood."

"Just joking Ma'am boto pa rin kami kay Sir Daniel. Walang kukupas."

Sumimangot na siya. Hanggang ngayon Tatak Daniel ang mga ito kahit paulit ulit niyang sinasabi sa mga ito na magbestfriends lag sila ni Daniel wala pa ring epekto.

"Hay naku tatanda ako sa inyo ng sampong taon." sabi na lang niya at pumasok na ng office niya.

Nagsimula siyang magtrabaho at napangiti sa kinikita nila ngayon. Maganda ang kita at mukhang magkakaron sila ng One year celebration at isa pa wala siyang gagastusin maliban sa needs ng Bakeshop niya wala na dahil libre ang tira niya sa condo ni Daniel libre pagkain minsan libre din ang fair at higit sa lahat si Daniel rin ang magpapasweldo sa mga tauhan niya. Oh well tama nga ang horoscope niya it will her best year.

Mga ilang oras rin si Nikki sa kanyang office luma-labas naman siya minsan para

tumulong din na mag serve pagkatapos babalik naman siya ng office niya o kaya pupunta siya ng kitchen para tululong sa baker. Alas sais na niyang pinagdesisyunan na lumabas.

"Misha naman sa dinami dami ng gusto mong i-date bakit kalahi pa ni Rence? Tapos kapatid pa niya ikaw hindi ka na natuto sa pinagdaanan ko. Kaloka!"

Nadatnan niya Si Argie Lyn ang dakilang tambay sa bakeshop niya nakaupo sa isang table for two. Well exception naman ito kasi bumibili ito tapos minsan tumulong na rin sa kanila na i-serve ang mga order. Kasama nito ang pinsan nito na si Misha.

"Eh Ate naman. Ano naman ang masama sa isang date lang?"

"Ano ka ba! Kung may first date tiyak may second may third may fourth and so on and so forth date alam mo ba iyon? Bakit kasi hindi mo na lang tinanggihan!"

"He's so cute kaya. Hindi ko kaya iyon um-oo na ko at isa pa kung tatanggihan ko iyon ko iyon kululitin lang ako ng kukulitin.And Ate nagpakipot naman ako ng 3 days tapos pumayag na ko.It's my time to shine bright like a diamond!"

"Shine bright like a diamond ka riyan! Ah basta! I-cancel mo ang date niyo."

"Ayaw."

"Ano na naman ba yan? Ang ingay ingay niyo na." saway niya sa mga ito at napaupo na

rin.

"Ate Nikki oh. Yang bestfriend niyo oh. Pinagbabawalan akong makipagdate kay Cash."

She rolled her eyes.

"Hay naku,Amisha wag mo ng pansinin yang pinsan mo. Bitter pa yan kay Rence magkipagdate ka kay Cash mabait naman iyon at safe na safe ka basta walang first kiss sa date ha?"

Napatayo si Argie lyn.

"That's it! Sasama ako sa date niyo!"

Nagtitinginan na ang mga customes niya kay Argie Lyn pasalamt na lang

"Hindi ako papayag na sirain mo ang Date ni Misha at ng kapatid ko."

Napalingon sila sa nagsalita si Rence kasama nito si Daniel. Tiningnan niya si Daniel kumibit balikat lang ito.

"Hindi ko naman sisirain eh for your information! Babantayan ko lang ang kapatid mo baka may gawin kasi siya sa inosente kong pinsan."

Kung nakakamatay ang titig siguro dumudugo na ang ilong ng dalawang toh.

"Sasama rin ako." sabi naman ni Rence.

"Fine."

"Fine."

"Alright."

"Super duper alright."

Suminggit na siya.

"So okay na? Dalawa na kayo sasama. Klaro na iyon kaya pwede ba wag niyong gawing battlefield tong bakeshop ko pinagtitingnan na kayo dito eh." tinangnan ko si Misha nangiting ngiti.

"Misha okay lang sayo na sasama ang dalawang toh?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman Ate Nikki mabuti nga yan eh double date."

"Anong double date?!" sabay na sabi ni Rence at Argie Lyn.

"Ano ba yan ang tatanda niyo na hindi niyo alam ang double date. Diyan na nga kayo." sabi ni Amisha at iniwan ang dalawa siya naman bumalik sa office niya.

"Ready to go?" tanong ni Daniel sa kanya.

"Ah Oo teka lang kukunin ko lang bag ko sa office."

"Okay. I'll be waiting for you."

"Ayieee."

"Naks si Sir Daniel bumabanat!"

"Ikaw na Sir."

"Gumagamyan ka na Sir. Bilib na talaga ako sainyo."

"Sssh Children quiet hindi kayo makakatikim ng libre sakin sige kayo." saway ng binata sa mga empleyado niya. Napangiti na lang siya ng tumahimik na ang mga ito.

Yun naman pala eh.

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Where stories live. Discover now