Chapter 15

725 13 1
                                    

"Saan mo gustong kumain?" tanong ng binata sa kanya. Nasa daan sila ng binata nasa passenger seat nakaupo.

"Ewan ko. Pero wag mong sabihin sakin na ako ang magluluto pagod ako."

Bumaling na nakangisi si Daniel sa kanya.

"Edi kain na lang tayo sa labas. Tamang tama oh ayan." sabi nito sabay turo ng isang restaurant sa di kalayuan.

"Ano ka ba! Wala namang okasyon ah. Bakit doon pa? Jollibee na lang kaya tayo?"

"Bakit Kung walang okasyon di na ba pwedeng kumain sa restaurant? At isa pa malayo na ang jollibee. Doon na lang."

Kumibitbalikat na lang siya

"Bahala ka na nga. Basta ha ikaw ang magbabayad."

"Bakit kailan pa kita pinabayad?"

"Okay."

Pinark na ni Daniel ang sasakyan at bumaba na sila.

Inakbayan siya ng binata at tinanong.

"How's your day?"

"Okay lang,naman tahimik ang bakeshop ko dahil wala ang ang madaldal mong kapatid."

"Sinong madaldal na kapatid?"

Oo nga pala dalawa ang ang madaldal nitong kapatid. Si Daniel lang yata ang normal sa kanilang tatlo eh.

Oh well nagpapasalamat pa rin siya na late ng dumating si Rence sa bakeshop niya kanina.

"Si Rence."

"Oh right. By the way may balita na ko sa magnanakaw mo."

"Ows? Nakaklimutan ko yun eh. So ano yung news?"

"He's you're stalker."

Bigla siya natapilok.

"Stalker? Stalker ko? May stalker ako? Talaga?"

Tumango lang ang binata.

"Yup."

"Eh bakit laptop ko ang kinuha niya? Sana bra at pant---"

"Ano naman ang gagawi niya sa underwear mo?" agad na singgit ng binata.

"Aba remembrance."

"Seriously,Nikki dapat maging seryoso ka. Stalker mo ang pinag-uusapan dito."

"Fine. Eh ano ba ang habol niya sa laptop ko ha?"

"Baka pictures. I don't know hindi pa ko sigurado."

"So Kilala mo na ang stalker ko?"

"Yes."

"Gwapo ba?"

"No."

"Hot?"

"No."

"Cute?"

"God! No. Ang pangit ng stalker mo parang fi-nace wrap ang mukha."

Sumimangot siya.

"Paano mo nalaman? Sabi ng Pulis?"

"No.I hired a private investigator."

Napa Ahhh lang siya. Pinagbuksan siya ng binata ng pintuan papasok sa Restaurant. Nang makapasok sila ay ko-konti lang ng mga tao.

Kumapit siya sa braso ng binat takang tiningnan naman siya nito.

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Where stories live. Discover now