Chapter 7

916 15 0
                                    

-Present-

That day sobrang saya ko parang gusto kong yakapin ang mga taong kasalubong namin. Pero sympre hindi ko ginawa baka pagkamalan pa kong lokaret noh. So anyways kumain nga kami tapos niyaya niya kong mamasyal sa isang park kahit sandali lang pumayag ako kasi sympre gusto ko.

Sa kalagitnaan ng aming pagmamayal bigla na lang niya ko inakbayan sabay bulong na "Akbayan muna kita,nandyan kasi ex girlfriend ko." 

Ay parang gustong sabunutan si Daniel ng mga araw na yun! Grabe ang inis ko tinatak ko na nga sa isip ko na kunware nag de-date kami tapos biglang na lang sinabi niya yun sakin. Gumuho ang aking munting pangarap.

"Babe? Hello earth to Nikki. Nakaluhod pa rin ang pinakamamahal mong boyfriend. Sasagutin mo ba alok ko?"

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. I can just accept the ring. Hindi ako pwedeng makasal sa lalaking toh... Marami pa kong gusto gawin gusto ko pang maging milyonarya...

Hindi ito pwede pero sa gulat ko parang may sariling utak ang katawan ko dahil bigla na lang akong tumango. Shoot! Traidor talaga tong katawan ko.

Bilang tumayo si Daniel at niyakap ako ng mahigpit.Bumulong siya sakin ng Thank you. I don't get it. Bakit kailangan pa ng ganitong eksena? Akala girlfriend ang trabaho ko dito bakit kailangan pa ng ganito? Bakit may propasal pa?

Bihnuhat ako si Daniel at inikot ikot. Dinig na dinig ko ang tawa niya. Ang saya saya niya... parang totoo lang...

Akala ko noon kaya ko ng tangihan si Daniel sa mga ganito niyang plano... parang katulad rin ito ng nangyari noon.Pero ang pinagkaiba hindi ko alam ang plano niya na paselosin ako sa girlfriend.

Ano naman kaya ang dahilan ni Daniel ngayon? Dahil ba gusto niyang ipakita kay Jenny na ex girlfriend nito na naka move on na siya? 

Paano naman siya? Habang buhay naman ba siyang ganito?

Ang parating takbuhan ni Daniel tuwing may problema o may gustong taguan sa tunay nitong nararamdaman?

"Oy pare tama na yan! Nahihilo na Fiance mo." suway ni William na nakangisi sa kanila.

"Sorry." sabi naman ni Daniel at binaba siya. Hinalikan siya nito sa noo sa mata niya sa ilong...

"Thank you so much,Nikki." pagkasabi nito ay muling sinakop ng binata ang labi niya..

Ayon nawalan na naman siya sa tamang pag-iisip.. Parang May sariling mundo lang sila ni Daniel.. Mundo na silang dalawa lang ang nandoon walang problema walang feelings na nasasaktan. Once again she felt so real. Daniel is kissing her like he meant it like it was real...

"Did I just miss something?" biglang humiwalay ang labi ni Daniel sa labi niya.Ilang seconds pa siya lutang ng mga realize na si Tito Henry pala ang nagsalita. Oh my kalabaw!

"Hi Dad. Well not much. " inakbayan siya ni Daniel "This pretty woman here just agreed to be my wife and by the way anong ginagawa mo dito?"

"Katatapos ko lang i-meet ang kaibigan ko malapit dito sa mall."

*HENRY* 

Hindi mapigilan ni Henry mapangiti sa balita na sinabi ng anak niyang si Daniel. That's nice... His plan is perfectly doing fine. Hindi niya lang maintindihan ang kanyang anak bakit agad itong nagpropose..

Hindi niya alam kung bakit dahil ba sa gusto nitong ipakita sa kanila ng asawa niya na wala na siyang nararamdaman sa ex girlfriend nito na si Jenny o talaga mahal na nito si Nikki?

Pero nagdadalawang isip pa siya masyadong mabilis.. siguro nasa realizing stage pa lang ang anak. Siguro along the way of their engagement he'll finally know what he really feels.

And he's confident that Nikki is the perfect for his son.. Deep in his heart he knows whatever happens Nikki will never give up to Daniel.

"Wala ka man bang sasabihin Dad?" 

Nilapitan niya si Daniel and tap his shoulders.

"I'm so proud of you,son. You're Mom will be elated if she's here and thank you,Nikki. Thank you for not giving up."

*Nikki*

Hindi alam Nikki kung ano ang isasagot niya kay Tito Henry.

Thank you for not giving up.

Ano ba ang ibig sabihin nito? For not giving up?

Sinubukan niyang ngumiti.

"Thank you,Tito.". Niyakap siya nito at bumulong sa kanya.

"Really,Sweetie. Thank you so much."

"Ahhhh Dad she's mine." biro ni Daniel.

Pinakawalan na siya ni Tito Henry niya at tumawa sa komento ni Daniel.

"I know,son. I'm just thanking her for not giving up on you."

"Giving up on me? What's that even mean?"

"Samin na lang yun ng Fiance mo." sabi ni Tito Henry at kinindatan siya.

"Magdi-dinner tayo this coming sunday. You have to tell this to your Mom okay?"

Nakangising tumango lang si Daniel sa Ama nito. Mga ilang minuto ay umalis na si Tito Henry.

Ngayon niya lang na halata na halos lahat ng empleyado at tao sa Mall Daniel ay nakatambay paikot sa kanila. May kakilala rin siya roon ang katabi ng bakeshop niya na Fashion Boutique na si Mich.Naghihintay ng anong mangyayari pagkatapos..

"Daniel?" untag niya rito

"Yes hon?"

"Uhmm mga empleyado mo nakatingin satin. Sana nama naiilang ako noh?"

Biglang ito tumawa at hinalikan siya sa sentido.

"Oo nga pala noh? Hindi ka pala sanay na ikaw ang center of attention."

"Ay ngayon mo lang nahalata?" sarkastikong tanong niya rito.

Tumikhim si Daniel at nagsimulang magsalita.

"Okay people alam kong nagulat kayo sa scene ma ginawa ko. I'm sorry. Pwede niyo na pong ipagpatuloy ang mga trabaho at pagsho-shopping niyo. Sorry sa istorbo."

Hindi naman mapuknat ang mga ngiti ng mga tao habang naglalakad sila at pinagpatuloy ang mga naudlot nilang ginagawa. Lumabas na sila sa Mall at hindi pa rin kinukuha ni Daniel ang akbay nito sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung dalawa na lang kami ang magkasama. Aawayin ko ba siya? Sasakalin? Kakalbuhin? Hindi ko na talaga alam mix emotions ang nararamdaman ko. 

I felt overwhelemed,upset and most all I felt special.

Dahil ba sa gesture na binibigay sakin ni Daniel? Hindi ako pwedeng makaramdam na ganito. Muntik na kong mahulog sa kanya noon mabuti na lang naagapan ko ang nacontrol ang feelings ko. Pero ngayon kaya ko ba? Kaya kong controlin ang aking nararamdaman ngayon?

"So kailan ang kasalan?" untag ni William

Bigla tuloy siyang natapilok.

Leche talaga!

Agad agad?

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Where stories live. Discover now