Chapter 4

892 20 0
                                    

"Okay okay. Tama na yan." awat sa kanila ni William.

Humiwalay siya sa halik ng binata.

Oh God! Anong ginawa niya?

Malapit pa rin ang mukha nila sa isa't isa and their breathing heavily.

"Let's go." Sabi ni William.

"Man! I only said 30 seconds not one minute." aniya pa nito at tuluyan na silang pumasok sa elevator.

No I can't blush I can't!

"Wag kang mahiya,Nikki. Trust me marami na kong nakita na mas grabe sa inyo maghalikan at isa pa you guys look good together."

Parang gusto niyang sumigaw! Nakakahiya! Ramdam na ramdam pa rin niya ang mga labi ng binata parang gusto niyang sabunutan ang binata the list is endless !

Ding.

Salamat naman di na niya kailangan pang magsalita.

Naunang lumabas si William hinapit siya sa beywang ni Daniel Inilapit nito ang labi sa tenga niya.

"You really kiss good,Nik."

dumampi ng mga ilang segundo sa earlobe niya.

Nanindig ang balahibo niya.

Siniko niya ang binata.

"Buset ka. Last na pagpapangap na toh,Daniel."

"No.Di ka pwedeng umatras. Ikakasal na tayo."

"WHAT?!

Nagsitinginan ang mga tao sa building pati na rin si William,

Well She don't care!

Napamulsa lang si Daniel at ngumiti sa mga tumingin sa kanila.

"Pasensya na sa istorbo." sabi nito sa madla.

Inakbayan siya nito.

"Ito kasing girlfriend ko inalok kong magpakasal and she was shock."

Babawiin niya sana ang sinabi ni Daniel ng nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Tumingala siya kay Daniel ngiting ngiti ito na tila parang nanalo sa lotto.

at siya naman parang ninakawan ng bahay.

Biglang lumapit si Wiliam sa kanya.

"Sinagot mo pa ba alok niya,Nikki?" nakangitng tanong nito.

"Ahh Ano Ahhh."

Kinuha ni Daniel ang pagkakaakbay nito at sa laking gulat niya ay lumuhod sa harapan niiya ang binata.

May kung anong kinuha sa bulsa nito.

Ah lintik bumili pa ng singsing!

"Nikki My love , my honey , my sweet my-----"

"Pare tanungin mo na lang kasi andami mo pang satsat eh" saway ni William

Tumango ito.

"Right. Babe,Marry me?"

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon