Chapter 10

846 14 0
                                    

Nagising si Nikki sa malakas ma katok sa kanyang pintuan.

Gumalaw siya at binuksan ang kanyang mga mata.

"What the--"

"Nikki,ang ingay." reklamo ni Daniel sa kanya. Yakap yakap siya nito pareho silang nakahiga sa sofa may blanket na nakapatong sa kanilang katawan.

Shit naman kasi! Bakit nakatulog siya kagabi. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa sobrang careless na pagde-desisyon niya kagabi.

Sinubukan niyang tumayo ngunit pinigilan siya ni Daniel at mas lalo hinigpitan nito ang yakap.

"Patahimikin mo siya,Nikki."

"Paano ko siya mapapatahimik eh yakap ka ng yakap sakin." sabi ko.

Parang napaso naman si Daniel at biglang napaupo.

Kinuha na niya ang opurtunidad na bumangon at binuksan ang early niyang visitor.

"Nikki!"

"Argie Lyn? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya rito.

Bestfriend niya si Argie Lyn kaso nga lang umalis at pumunta ng ibang bansa para magtrabaho hindi rin naman sila nawalan ng komunikasyon.

"Uhmm Hindi ba halata na binibisita ka? Hindi mo ba ko na-miss? Bakit yan ang mukha mo?" sunod sunod na tanog nito.

"Na-miss kita pero kausap lang kita last week. Akala ko ba sa Hawaii ka? At dahil kagigising ko lang."

"Ay anong oras na ba?" tiningnan nito ang relong pambisig.

"Ay 5:30 am pa lang. Naku! Ang aga ko yatang dumating. Sorry ha?"

5:30 pa lang? Ah seriously? So wala pang limang oras ang tulog niya? Tulog nila?

"Wag mong sabihin kadadating mo lang galing airport?"

"Actually tama ka. Anyways pwedeng papasok? Kasi ang dami ko dala oh?"

Hindi na hinintay ni Argie Lyn ang sagot niya dahil pumasok na ito sumunod naman siya.

"Argie Lyn----". Nadinig niyang napasinghap ito.Nang makarating siya sa sala ay nakita niya si Daniel na inaayos ang polo nito.

"Uhmm mukhang may na istorbo nga ako." nanunuksong nilingon ako ni Argie Lyn and she mouthed "Ang gwapo niya!"

I just rolled my eyes for her comment at lumapit ako kay Daniel at hinatak siya papuntang kwarto ko. Nadinig ko pang may sinabi si Argie Lyn.

"Ay may isa pang round?" hindi ko na siya pinansin.

Nang makararing kami sa kwarto ay isinirado ko at ni-lock.

"Bakit hindi ka nagtago?"

Umupo ito sa gilid ng kama niya.

"Bakit naman ako magtatago?"

"Dahil hindi ka dapat pwede dito!"

"Bakit naman eh? Wala naman tayong ginawang masama?"

Napakamot ako ng kilay sa inis.

"Eh ewan ko sayo. Diyan ka na!" aalis na sana ako ng pinigilan ako ni Daniel sa braso.Humarap ako sa kanya.

"Ano ba?!"

"Ipakilala mo kong Fiance mo."

"Ayoko ko nga."

"Nikki. We have a deal."

Huminga siya ng malalim.

"Fine!" sabi niya at sabay silang lumabas ng kwarto. Nadatnan nila si Argie Lyn na nakaupo sa sofa at may hawak hawak na kape. Ang bruha nakialam na sa kusina.

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Where stories live. Discover now