Chapter 5

922 15 0
                                    

Napatingin ako kay Daniel nakaluhod.

Ano ba plano ng lalaking toh?

Bakit kami umabot sa ganito?

"Babe?" untag ni Daniel sa kanya

Tiningnan ko siya mata. Nalilito ako kung ano ang ibig sabihin ng tingin na yun.

Tiningnan ko ang singsing ang ganda.

Having a gorgeous ring and a perfect man?

PERFECT na ang lahat.

Pero may problema.

Kaya ba niyang magsinungaling?

Kaya niyang magpanggap ?

at higit sa lahat kaya niya kayang masaktan ulit?

**********************THE PAST*********************

"Friend ang cute nung guy sa dulo oh." 

She rolled her eyes. Kahit kailan talaga wala magawa tong kaibigan niyang si Denise.

Kasalukuyang nasa library sila wala kasi siyang klase. Kumukuha siya ng accountancy nasa 3rd year na siya.

"Ewan ko sayo,Denise. Umalis ka na nga. Time mo na oh." sabi niya rito sabay tingin ng relong pambisig niya.

"Ano ka ba! Mamaya na noh! Bet ko pa ang view ko rito."

"Sinabi ko sayo bawal ma late sa klase ni Prof Chua major pa naman yun."

"Hayaan mo ang Chua na yun nakakasawa na yung pagmumukha niya at isa pa wala pa naman akong late sa klase niya."

"Present ka nga parati bagsak ka naman noong midterm." sabi ko

Napakamot ng batok si Denise.

"Naman o! O sige na nga! Oh siya paki bantay kay Honeybunch ko dyan ah." sabi nito kinuha ang mga gamit at umalis na.

Tinutok naman niya muli ang kanyang atensyon sa kanyang librong binabasa.

Mga ilang minuto ay nakaramdam siya ng may umupo tabi niya.

Napalingon siya sa tumabi sa kanya. Nagulat siya dahil ang kaninang pinagpapantasyahan ni Denise ay katabi na niya ngayon. At infairness gwapo nga siya

"Hi." bati nito at ngumiti sa kanya.

Tipid na ngumiti lang siya sa binata.

"Ako nga pala si Daniel new student. Ikaw?" tanong nito sa kanya at nilahad ang kamay.

"Nikki."

"Nice anong course mo at ano na rin year mo,Nikki?"

"Ah Accountancy 3rd year .Ikaw?"

"3rd year rin Engineering.Pasensya ka na kung naistorbo kita ah?"

"Ah wala yun.May kailangan ka ba?"

Napakamot ito sa batok.

"Oo sana eh. Kaso parang busy ka."

"Ah wala toh. Nagbabasa lang ako.Ano yun?"

"Alam mo ba kung saan ko pwedeng kunin yung ID ko?"

"Ah sa Admin building mo kunin."

"Umm nasaan yung admin building?Gawan mo naman ako ng directions oh. Ayaw kasing maniwala ng guard na hindi ko pa nakuha ID ko eh."

Kumuha siya ng papel at ginawan ng directions ang binata. Habang ginagawan niya ito di niya mapigilang mailang titig na titig kasi ito sa kanya.

May dumi ba siya sa mukha?

At bakit naiilang siya?

"Oh eto oh. Sana makatulong tong ginawa ko." sabi niya sabay bigay ng papel.

Kinuha naman nito at ngumiti sa kanya.

"Maraming salamat,Nikki ah? See you around." sabi nito at tumayo na at bago pa ito makalabas ng library ay kinindatan siya. Oh My ~~

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora