TAYONG DALAWA (HULING YUGTO)

400 19 6
                                    

ANG HULING KABANATA

"Maraming salamat po, Doc. Sana'y mas marami pa kayong magabayang kabataan," sambit ko.

Kasalukuyan akong nasa isang special care institution para sa mga kabataang napariwara ang buhay. Simula nang muntik ko ng isuko ang buhay ko, inilapit ako ni Manang Bel sa Panginoon. Natutunan kong huwag katakutan ang liwanag, napag-aralan kong muling ibalik ang pagkatao ko at higit sa lahat, napaglabanan kong iwaksi sa aking isipan ang madilim na nakaraan.

Ang lahat ay dahil sa pagmamahal ni Manang Bel. Utang ko sa kanila ng Panginoon ang buhay ko, ang panibagong buhay ko ngayon.

"Salamat din Ms. Ara, labis-labis ang donasyong natatanggap namin sa 'yo. Sana'y pagpalain ka pa ng Poong Maykapal," wika ni Doc Cris.

Nagpaalam na ako sa kanya at muling sumakay sa sasakyan. Limang taon na ang nakalipas, madami na rin akong natulungang mga institution na tumutulong sa mga kabataan, normal man o may sakit sa pag-iisip. Ayokong mawalan sila ng pag-asa, hanggat maaari ay hinihikayat ko silang lumaban, kalabanin ang sakit na pinagdadaanan nila.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Pagtingin ko sa orasan ay bigla akong nabalisa. Ayokong ma-late sa pupuntahan ko. Importante ito!

Pagdating ko sa isang restaurant ay ipinarada ko na agad ang aking sasakyan sa parking area. Bumaba ako at tumakbo papunta sa loob ng kainan. Hinahapo kong hinanap ko si Manang Bel kung saan siya nakauwesto, ngunit hindi ko siya mahagilap. Hawak ko ang isang malaking regalo para sa kanya. Kaarawan niya ngayon at ang alam ko ay sa restaurant na ito kami magkikita.

Umikot ang aking paningin sa kabuuan ng kainan subalit hindi ko siya mahanap. Naglakad ako at nagpunta sa bawat lamesa. May mga kumakaing ibang tao sa paligid na nakuha ko pa ata ang atensyon nila kaya mga nakatingin sila sa akin.

Yumuko akong naglakad palabas. Baka kasi sa labas ako hinihintay ni Manang kaya sisilipin ko muna roon. Nang hawakan ko ang pinto palabas ay biglang may narinig akong tunog sa likuran. Tunog na nagmumula sa gitara.

Lumingon ako sa likod at nakita ko ang isa pang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Tumutugtog habang kumakanta si Vincent ng Marry Me. Napapangiti ako dahil may angking galing talaga sa pagkanta ang kasintahan ko. Nakatayo lang ako sa kanyang harapan at nakikinig sa masayang musikang pinaparinig niya sa aming lahat.

Mayamaya'y lumuhod sa harap ko si Vincent. Inilabas niya sa kanyang likuran ang tatlong puting rosas.

"Mahal, sa tatlong taon nating pagsasama, alam na alam ko nang ikaw lamang ang ihaharap ko sa Panginoon. Ikaw lamang ang mamahalin ko panghabang buhay, ang babaeng hinding-hindi ko ipagpapalit kahit kanino at ang babaeng sasamahan ko at mamahalin hanggang sa kabilang mundo. Mahal kong Ara, will you be my wife?"

Naluluha akong napangiti sa kanyang tanong. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang saya at pagkagulat. Hindi ko ito inaasahan. Mukhang kinasabwat niya pa si Manang Bel. Napansin ko si Manang na nakaupo sa likod ni Vincent. Ngiting-ngiti siya sa amin. Alam kong masaya talaga siya, apo niya kasi si Vincent. Ang lalaking palihim na may gusto sa akin noon nang lumipat kami ng bahay ni Manang.

Ang lalaking tumulong para maka-move-on ako sa madilim na nakaraan. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila lalong-lalo na sa Panginoon. Hindi ako binitawan ng mga tulad nila na nakita na may pag-asa pa rin ako.

Inilabas ni Vincent ang isang singsing at matamis na ngumiti sa akin.

"Yes, Mahal!" sigaw ko. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Basta, masaya ako at kuntento ako buhay ko ngayon!

Madami akong pinagdaanan sa buhay. Hindi naging madali ang lahat, pero kapag nagtiwala ka at kumapit sa Panginoon, walang imposible. Malalagpasan ang lahat ng pagsubok kung hindi Siya pagdududahan, kung hindi Siya sisisihin kung bakit nangyayari ang mga bagay na ayaw natin,  kung ilalaan lang natin ang ating puso at butong tiwala sa Kanya, makakamit natin ang tunay na kalayaan.

May rason ang lahat ng nangyayari sa buhay natin. Hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok na alam Niyang hindi natin makakayanan. Nasa atin lang talaga kung makikinig tayo sa Kanya o sa mga bulong ng kadiliman. Napapariwara lang tayo kapag nakinig at nagtiwala tayo sa maling panig.

Maligaw man tayo sa mabato at madilim na daan, gagabayan tayo ng Panginoon patungo sa patag at maliwanag na daan papunta sa kalooban Niya. Tiwala lang, kaya natin malagpasana ng lahat. Aja!


*****

Please drop down your comment, hit like and share this story.

Maraming salamat sa pagsuporta. Luv yah!

-Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Tayong Dalawa (Complete)Where stories live. Discover now