TAYONG DALAWA (5)

288 19 9
                                    

KABANATA LIMA

Hindi ako makapaniwalang kaya itong gawin ng Kuya ko sa akin! Matagumpay niyang natanggal ang suot kong blusa. Napansin kong napatitig pa siya sa aking dibdib nang magpakita iyon sa kanya. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na abala niyang tinatanggal ang suot kong short. Mabilis ko siyang tinuhod sa tiyan, lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya nakawala ako.

Pigil-hininga akong tumakbo palabas ng kuwarto. Papunta na ako sa may hagdanan namin pababa nang marinig ko ang malakas na tawag niya sa akin.

"Ara!"

Napatalon ang puso ko. Mababakas sa kanyang tinig ang isang lalaking galit na galit. Hindi ko alam kung ano ang kaya niya pang gawin, pero isa lang ang dapat kong masiguro, kailangan kong lumabas ng buhay sa bahay na ito!

"Saan ka pupunta?"

Nanlaki ang aking mga mata nang matanaw ko siya sa labas ng kuwarto. Mabilis kong tinahak ang hagdanan. Pagbaba ko ay nagtungo agad ako sa pinto ng bahay namin.

Ilang beses kong inikot at pinindot ang doorknob namin, pero bakit gano'n? Hindi ko siya mabuksan! "Tulong! Tulungan ninyo ako!" paulit-ulit kong sigaw. Kailangang may makarinig sa aking ibang tao! "Tulong po!"

"Aha! May gana ka pang humingi ng tulong sa labas? Hindi ka nila maririnig. Malayo ang gate natin baby Ara at magkakalayo ang mga bahay sa village na 'to! Don't waste your time," sambit ni Kuya habang bumababa siya ng hagdan.

"No! Hindi puwede 'to!"

Tumakbo ako papunta sa may kusina. May isa pa kaming pintuan do'n palabas ng bahay. Nang marating ko na iyon ay bigla akong naistatwa sa aking kinatatayuan.

Nakaupo sa may pinto ang tatlo naming guwardiya. Madali lang naman sana silang alisin kaso mukhang hindi ko sila kayang hawakan sa itsura nila ngayon. Nangangatal ako nang dahan-dahan akong lumapit sa kanila.

Hinipo ko ang kanilang pulsuhan. Pare-parehas silang wala ng buhay. Nakakalungkot lang dahil sa isang iglap ay napatay ni Kuya ang mga taong nagsilbi sa amin. Sina Manong guard ang nagbabantay sa amin araw-araw. Nasubaybayan nila ang paglaki namin ni Kuya Vin. Napamahal na rin kami sa kanila, sa tagal ng kanilang tapat na serbisyo ay tinuring na rin namin silang kapamilya.

Susubukan ko sana silang hilain dahil nakaharang sila sa pinto para makalabas na ako, subalit biglang umikot ang aking tiyan at napasuka ako. Puno kasi sila ng saksak sa mukha at hiwa-hiwa ang kanilang mga pisngi. Para bang konting galaw na lang ay matatanggal na ang kanilang balat sa mukha. Nasukahan ko tuloy ang katawan nila, nandiri kasi ako.

Mas hindi ko nakayanang tignan ang lumuwang mata ni Manong George at ang dalawa ay dilat na dilat pa. Para tuloy silang nakatingin sa akin at gustong iparating na demonyo ang Kuya Vin ko.

"Huli ka!"

Napatalon ako nang marinig ang boses ni Kuya sa likod. "Ahhhh!"

Muli na naman akong tumakbo pero this time, dumaan muna ako sa hapagkainan namin. Hindi ko inaasahan na mas kalunos-lunos ang makikita ko rito. Napatakip ako sa aking bibig at kusang kumawala ang mga luha ko. Ang sakit! Sobrang sakit sa dibdib na makita ang mga mahal ko sa buhay!

"Mama! Papa!" Humagulgol ako ng iyak.

Nakaupo sila sa silya ng hapagkainan. May nakatusok na kutsilyo sa ulo ni Papa at may nakatarak din sa leeg ni Mama. Para bang pinanggigilan ng demonyo ang kanilang mga mukha! Wasak na wasak masyado.

Nanginginig ang aking mga kamay nang kapain ko ang pulsuhan ni Mama. Umaasa pa rin ako na sa kanilang sitwasyon ay may himala akong makukuha. Subalit wala na, wala na talaga siya! Agad akong lumapit kay Papa at kinapa rin ang kanyang pulso. Ngunit tulad ni Mama, wala na rin akong naramdaman pang pintig.

Mahal ko ang aking mga magulang. Kahit hindi naging maganda ang samahan namin, mahal ko sila. Kahit ampon lang nila ako ay utang ko sa kanila ang buhay ko ngayon.

Ang tunay kong mga magulang ay wala na rin sa mundo dahil maaga nila akong iniwan. Sa naganap na vehicle accident noon sa highway ay kasama ang mga magulang ko sa nasawi. Ako ang naiwang buhay sa naganap na trahedya noon.

Dalawang taon pa lang daw ako no'n. Tapos ang nagligtas sa akin ay si Papa. Siya lamang ang naglakas loob na kuhanin ako sa loob ng napiping sasakyan. Naging matagal daw kasi ang pagresponde ng mga pulis at ambulansya nang mga panahon na iyon. Awang-awa raw sina Papa sa malakas kong pag-iyak no'n. Sakto naman na wala pa silang anak kaya inampon na lang nila ako.

Napaluhod ako habang hawak sa magkabilang kamay ang mga kamay ng aking mga magulang. Napakahayop ni Kuya Vin! Napakagago niya!

"Ara, may surpresa ako sa 'yo!" masayang sabi ni Kuya. May gana pa siyang maging masaya! Baliw na demonyo talaga!

"Ano?" tanong ko. Binitawan ko na muna ang kamay nila Mama at tumayo.

"Ito!" Pinakita niya sa akin ang isang bestida. Kulay puti iyon pero naging damit ng baliw ang itsura dahil nalagyan ng mga dugo.

"Ano'ng gagawin ko r'yan?" buong tapang na tanong ko. Hanggat maaari, hindi ko kailangang ipakita na natatakot ako sa kanya. Nandito sina Mama sa tabi ko, alam kong gagabayan nila ako.

"Suotin mo! Engagement party natin ngayon. Ayan sina Papa, nakaupo na sa lamesa. Makikinig sila sa pakiusap kong magpapakasal na tayong dalawa," sambit niya. Nakabungisngis pa siya na parang timang!

Itinaas ko ang aking kamay at kunwaring gusto kong kuhanin ang damit na pinapasuot niya sa akin.

"Ito, magbihis ka na," utos niya. Inabot niya sa akin ang damit.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya pagkakuha. Kung baliw siya, kailangan ko ring magpanggap na baliw. Kahit sobrang nasusuklam na ako sa malademonyo niyang mukha, kailangan kong ipakita na natutuwa ako sa inaasta niya.

Harap-harapan kong sinuot ang damit. Hayagan ko ring pinakita sa kanya ang paghubad ko ng short. Para siyang asong ulol nang makita niya ang undies ko.

Gusto niya ng ganitong laro, pwes pagbibigyan ko siya!


*****

Please drop down your comment, hit like and share this story.

Maraming salamat sa pagsuporta. Luv yah!

-Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Tayong Dalawa (Complete)Where stories live. Discover now