TAYONG DALAWA (4)

282 18 2
                                    

KABANATA APAT

Ilang minuto ang lumipas pero wala akong naramdamang presensya ni Troy. Wala ring nagbubukas ng aparador. Kaya naman minulat ko na ang aking mga mata at muling sumilip sa maliit na awang ng pinto.

Wala ng tao sa loob. Bukas na rin ang pintuan ng kuwarto ni Troy kaya mukhang lumabas na siya. Dahan-dahan kong tinulak ang pinto ng aparador para makalabas na. Paglabas ko ay sinalubong ako ng yakap ni Kuya Vin.

Natulala ako, para bang huminto ulit ang aking mundo. Bakit gano'n? Ano 'tong nararamdaman ko? Parang bigla kong pinagdudahan ang presenya ni Kuya?

Paanong nandito siya? Samantalang si Troy ang nakita ko kanina?

"Ligtas ka na, Ara," bulong ni Kuya Vin. Niyakap niya ako nang sobrang higpit.

Tumaas ang kilay ko. Hindi ko siya maintindihan. "Bakit, Kuya?"

"Wala nang sagabal Ara."

Kinilabutan ang buo kong katawan nang sabihin iyon ni Kuya. Ano'ng ibig niyang sabihin?

Tumingin ako sa paligid. Umagaw sa aking atensyon ang mga kulay pulang likidong nasa sahig. Nanuot ang lamig sa aking balat at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang maisip na mga dugo iyon! Agad akong kumawala sa yakap ni Kuya at sinundan ang mga dugo papuntang banyo.

Pagbukas ko ng banyo ay nakita ko ang katawan ni Troy na naliligo sa kanyang sariling dugo. Napahagulgol ako ng iyak at nagsisisigaw! Kinapa ko pa ang pulso ni Troy, napailing na lang ako at kusang tumulo ang aking mga luha. Buhay pa siya kanina lang e, pero ngayon ay wala na!

May nakatarak na kutsilyo sa kanyang dibdib. Nakadilat din ang mga mata niya at nakanganga ang bibig. Grabe! Hayop ang gumawa nito. Walang puso at walang kaluluwa!

Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng aking puso nang may pumasok sa banyo.

"Wala nang sagabal Ara," sambit ni Kuya. Ang mga tinig niya ay lalong nagpagulo sa isipan ko. Masasabi kong hindi ko na siya kilala simula nang magkahiwalay kaming dalawa.

Nanginginig akong tumayo at humarap sa kanya. Kung kanina ay puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata, ngayon ay mukhang nababalot na ng kasiyahan.

"Kuya, ano'ng kinalaman mo rito?" tanong ko agad.

"Tinulungan lang kitang tanggalin ang mga pinoproblema mo," nakangising tugon niya.

"Ikaw? Bakit mo siya pinatay?"

"Matagal mong pinoproblema si Troy 'di ba? Ayaw mong makasal sa kanya dahil hindi mo siya mahal. Pati si Jay, matagal mo na rin siyang pinoproblema dahil hindi kayo tanggap nila Papa. Kaya tumulong lang ako para mawalan na ng problema ang taong mahal ko."

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang mga narinig ko? Grabe, isa pa lang demonyo ang taong ito! Pinatay niya sina Jay at ngayon ay sasabihin niyang mahal niya ako?

"Hayop ka! Walang hiya ka! Pinatay mo ang boyfriend ko! Pinatay mo rin si Troy!"

Walang tigil ko siyang pinagsusuntok at sinisipa. Tiim-bagang kong sinampal nang paulit-ulit ang kanyang mukha! Wala akong paki kung masakit na ang kamay ko kakasampal sa kanya. Kulang pa ito sa dalawang buhay na kinuha niya!

Pinipigilan niya ang pagwawala ko at ngayon ay niyakap niya pa ako nang sobrang higpit. Halos hindi ako makawala dahil sa taglay niyang lakas.

"Mahal kita Ara, mahal na mahal! Gagawin ko ang lahat para sa ating dalawa!"

"Nahihibang ka na ba? Magkapatid tayo! Bitawan mo ako! Leche ka!"

Naalala ko ang nakaraan kung gaano ako alagaan ni Kuya Vin. Hindi niya ako hinahayaang masaktan at umiyak. No'ng mga bata pa kami ay inaaway niya ang mga kalaro namin na inaapi ako. No'ng nag-aral kami ng elementary at highschool ay lagi niya akong hinahatid at sundo. Hindi ko rin alam kung bakit magkahiwalay pa kami ng school na pinasukan noon. 

Hindi talaga ako makapaniwala. Akala ko ay kaya siya mabait sa akin noon at todo alaga ay dahil kapatid ang trato niya sa akin, mahal niya ang kapatid niya, subalit 'yun pala ay dahil may nararamdaman siya sa akin! Kaya pala hinarangan niya ang lahat ng manliligaw ko at inilayo niya ako sa mga lalaki. Kaya lumaki rin akong walang kaibigang lalaki bukod sa kanya.

Hindi ko sukat akalain na magagawa niyang pumatay dahil sa pagmamahal niya sa akin!

"Alam nating dalawa na ampon ka lang. May pag-asa pa tayo, Ara. Alam mo, umalis ako ng isang taon para kalimutan ka, ngunit hindi ko magawa hanggang sa lalong lumalim ang nararamdaman ko sa 'yo," bulong niya habang inaamoy-amoy ang leeg ko.

Kadiri! Nagpupumiglas ako subalit mahigpit talaga ang kapit niya sa akin.

"Kuya pakawalan mo ako!"

"Akala mo ba makakawala ka pa? Kung kailan tapos na ang misyon kong tanggalin sa mundo ang dalawang lalaking sagabal sa ating dalawa? Matagal kong pinaghandaan ito. Tatlong buwan na ako naririto sa bahay nang hindi mo nalalaman. Nagtatago lang ako sa maliit na kuwartong taguan natin noong mga bata pa tayo. Tatlong buwan kong pinagplanuhan ang lahat, Ara! Ayokong masayang 'to!"

Tatlong buwan? Manyak! Ang tagal niya na pala akong pinagmamasdan!

"Baliw ka na! Pakawalan mo ako!"

"Mahal kita at ito ang alam kong tama! Hindi ka na makakawala pa dahil tayo na lang ang nasa bahay na ito! Solo na nating dalawa," huling sabi niya bago tumawa nang sobrang lakas.

Ano? Dalawa na lang kami? Nasaan sina Mama at Papa? Wala na rin ba ang mga guwardiya namin? Kumirot bigla ang ulo ko. Too much information, samahan pa na may kasama akong psychopath. Hindi ito puwede!

"Hindi! Tulong! Tulungan ninyo ako!" walang tigil na sigaw at pagwawala ko. Umaasa pa rin akong may makakarinig at makakatulong sa akin!

"Wala nga sabing makakarinig sa 'yo. Solong-solo na kita ngayon, Ara. Magpakasaya na tayong dalawa!"

Ang paggalang ko kay Kuya ay kusang nawala na parang bula. Nakakatakot na siya ngayon! Ibang-iba na ang taong kaharap ko.

Bigla niya akong sinunggaban ng halik mula sa bibig hanggang sa dumampi ang mga labi niya sa aking tainga, leeg at braso. "Huwag Kuya! Ayoko na!"

Hindi niya ako pinansin. Para bang musika ang boses ko dahil kada sigaw ko ay napapangiti siya at kumikinang ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Naramdaman kong nagsimula nang gumapang ang kanyang mga kamay sa aking katawan at unti-unti niyang tinanggal ang suot kong damit.

"Parang awa mo na, Kuya Vin! Tama na!" Sunod-sunod ang mga luhang walang tigil na lumalabas sa aking mga mata.

Patuloy pa rin akong pumipiglas. Sinisipa ko siya at nagawa ko ring kagatin ang braso niya ngunit walang epekto ang lahat ng iyon. Hindi man lang siya nasasaktan!


*****

Please drop down your comment, hit like and share this story.

Maraming salamat sa pagsuporta. Luv yah!

-Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Tayong Dalawa (Complete)Where stories live. Discover now