TAYONG DALAWA (8)

262 15 2
                                    

KABANATA WALO



Ilang beses kong hinila-hila ang gate at lumikha ng ingay. Sumigaw din ako nang paulit-ulit para makahingi ng tulong. Baka sakaling may makarinig kahit ang lalayo ng mga kapit-bahay namin.

Napatingin ako sa aking katawan. Kitang-kita pala ang hubad kong itsura rito dahil ang gate naman namin ay walang pulidong harang, nakikita pa rin ang nasa loob. Nakakahiya pero sa sitwasyon ko ngayon ay hindi na kailangang mag-inarte pa. Wala na akong pakialam kahit sino pa ang makakita sa akin na ganito ang ayos ko, ang importante ay may makapansin sa akin ngayon!

"Ara!" rinig kong sigaw ni Kuya. Paglingon ko sa likod ay malapit na siya sa akin at may hawak na baril!

"Sinabi ko na sa 'yong huwag mo akong tatakasan hindi ba? Nagawa mo pa akong saksakin, akala ko ba hindi mo ako sasaktan?. Sa tingin mo ba ay matutuwa pa ako ng ganito ha? Duguan na ako Ara! Masakit na rin ang buo kong katawan dahil sa 'yo!"

Baliw na baliw si Kuya habang nagsasalita. Ang boses niyang nakakapangilabot ay nagbigay ng kakaibang lamig sa aking pakiramdam. Bakas sa kanyang mga mata ang nag-aapoy na galit ng isang demonyo.

"Ayoko na, Kuya Vin! Parang awa mo na, tama na 'to!" Pinilit ko pa ring magmakaawa sa kanya. Itinaas ko ang magkabila kong kamay para isipin niyang wala na akong gagawing hindi maganda.

"Hindi ako titigil hanggat hindi kita nakukuha, Ara! Hindi ka makakalabas dito!" dagdag niya. Narinig ko ang biglang pagkasa ni Kuya Vin ng baril.

Napaatras ako, isang bala lang ay paniguradong patay ako. Nagtangka akong tumakbo sa gilid, subalit bigla siyang nagpaputok malapit banda sa aking paa kaya bigla akong napatalon.

"Subukan mong gumalaw, ito ang hahalik sa mukha mo!" banta ni Kuya.

Para akong naistatwa. Nilalamig at nanginginig. Ayoko pang mamatay, sana ay may tumulong sa akin! Sana'y may makarinig ng pagputok ng baril ni Kuya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa buhok. Gigil na gigil ang aura ni Kuya! "Good mahal kong Ara. Marunong ka naman pa lang sumunod e. Pinahirapan mo pa ako," bulong niya.

Marahas niya akong hinalikan sa bibig habang nakatutok sa ulo ko ang kanyang baril. Nanginginig akong lumuluha. Parang anumang oras ay mahihimatay ako sa bawat halik niya. Nandidiri na rin ako sa sarili ko. Para akong hayop na pinagtitripan! Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang at tanggapin ang kababuyang ginagawa sa akin ni Kuya.

Diyos ko po, kailangan ko po ng tulong Mo! Please, help me!

"Tara na sa taas," sabi ni Kuya. Bigla akong nanlata at napahagulgol ako ng iyak. No! Ayoko nang pumasok sa impiyerong kuwarto ni Kuya!

"Ayoko na, Kuya. Maawa ka sa akin!" pakiusap ko ulit kahit alam kong hindi niya ako pakikinggan.

Walang nagawa ang pakiusap at bawat iyak ko. Nawala na talaga nang tuluyan ang kabaitan ng puso ni Kuya, tuluyan nang naglaho ang kapatid ko, ang nakilala kong Kuya noon na minahal ko.

Sapilitan niya akong hinigit papunta sa may pintuan ng bahay. Buong lakas akong nagwala kahit mahigpit ang kapit niya sa akin. Pinipilit kong umalpas sa mga bisig niya. Sinusubukan kong makawala sa kanya kahit naubos na ang lakas ko.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko ulit.

"Tumahimik ka nga!"

Isang sampal ang natamo ko kay Kuya. Kumawala na naman ang mga luha ko. Wala na atang pag-asang makakatakas pa ako sa kanya. Ito na ata ang kapalaran ko, ang mapaglaruan ng isang demonyo sa kanyang kaharian.

Bago kami tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay may narinig akong ingay mula sa labas. Gusto ko sanang silipin pero hindi na ako makakilos.

"Yuko!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Mabilis kong sinunod ang narinig ko at kasabay no'n ay ang malakas na pagputok ng baril. Nakita ko agad ang pagbagsak ni Kuya Vin sa sahig.

"Kuya?" Tinignan ko siya agad. Sumuka siya ng dugo at unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata. Naramdaman kong hinaplos niya ang aking pisngi. Nagkaroon pa rin siya ng lakas para mahawakan ang mukha ko.

Tumitig siya sa aking mga mata. Tumulo ang mga luha sa mata ni Kuya. Mababakas sa kanyang mga mata ang pagsisisi.

"Ara, mahal na ma—hal ki—t—a," paputol-putol na sabi niya. Iyon na rin pala ang huling pagkakataon niya sa mundong ito dahil nawalan na siya ng buhay.

Tumingin ako sa may gate namin. Nakita ko ang mga pulis at mga kapit-bahay na nakasilip sa gate.

Maraming salamat! Sabi ko sa Panginoon.

Ito ang pinakamasakit na araw sa buhay ko. Sa isang maling pagmamahal ay nawala sa isang iglap ang buo kong pamilya at kasintahan. Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay nito, pero isa lang ang kailangan kong siguraduhin sa sarili ko, hindi dapat ako mabaliw tulad ni Kuya Vin!

Hindi na ako nakatayo pa, parang unti-unting nilamon ng kadiliman ang aking paningin.


*****

Please drop down your comment, hit like and share this story.

Maraming salamat sa pagsuporta. Luv yah!

-Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Tayong Dalawa (Complete)Where stories live. Discover now