TAYONG DALAWA (6)

287 18 2
                                    

KABANATA ANIM

Hinigit ko ang kanyang kamay nang makalapit siya kina Mama. "Kuya Vin, nandito na tayo sa tabi nila Papa. Ano'ng ipapaalam mo sa kanila?"

Napakamot sa ulo si Kuya. Para na naman siyang tanga. Akala ko ba may sasabihin siya? Bakit ngayon ay parang bigla siyang nablangko?

"A, e kasi..." Baliw na lalaki talaga! "Kasi, nakakahiya kina Mama at Papa. Baka hindi nila ako matanggap para sa 'yo?" parang batang sabi ni Kuya.

Napasapo ako sa noo. Parang pati ako ay mababaliw din habang nakikipag-usap sa kanya. "A gano'n ba. Pwede rin. Kasi naman Kuya, ano ba 'yang hawak mo? Bakit may kutsilyo ka pa? Iisipin nila papatayin mo ako. Hindi ba?" tanong ko agad.

Kapansin-pansin na bigla siyang nag-panic. Nabitawan niya agad ang kutsilyo at inayos ang sarili. "Naku hindi, hindi kita kayang patayin Ara. Parang nawala na rin ang mundo ko niyan kung wala ka na."

Bingo! So hindi niya ako kayang patayin. Alam ko na ang gagawin ko!

"Magpalit ka na lang ng damit Kuya Vin. Puro dugo na ang damit mo. Kailangan mong maging disente sa harap nila Papa, tama?" malambing na sabi ko.

Nagningning naman ang kanyang mga mata. Nadidiri ako dahil para talagang asong ulol ang Kuya Vin ko. Malayong-malayo sa itsura at inaasal niya noon. Ganito ba talaga kapag may sakit ka? Sa tinagal-tagal ko siyang nakasama, hindi ko man lang nakitaan ng sintomas na may ganyan pala siyang sakit. Sana'y naagapan pala noon. Sana'y hindi na umabot sa ganito.

Nauna akong naglakad papunta sa hagdanan. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin. Siyempre kailangang pang best actress ang galawan ko.

"Magbihis ka na muna Kuya, tara!" yaya ko.

Patakbo siyang sumunod sa akin. Tinignan ko agad ang magkabila niyang kamay, buti naman at wala na siyang hawak na kutsilyo.

Hindi pa ako nakakapasok sa kuwarto ni Kuya Vin kaya hinintay ko muna siyang mauna at magbukas ng kanyang kuwarto. Pagpasok namin sa loob, bigla akong napaatras. Napakadilim, wala akong makita na kahit na ano.

"Buksan mo ang ilaw, Kuya," utos ko.

Lumapit siya sa gilid at kinapa roon ang switch. Bumukas na ang ilaw at bumungad sa akin ang isa kong whole body image na nakadikit sa uluhan ng kanyang kama. Pinalaki niya ang larawan ko na para bang isa akong artista.

Gusto ko sanang matuwa dahil ang ganda ko sa poster na 'yun pero nasapawan ng galit ang aking nararamdaman. Napakuyom ang aking kamao nang makita ko sa kisame ang mga hubad kong larawan. Parang mga kuha ito sa dressing room ko. Gagong manyak talaga! Ang sarap gulpihin ng lalaking ito!

"Ano'ng susuotin ko rito?" biglang tanong ni Kuya. Nakatayo na siya sa kanyang aparador.

Pinakita niya sa akin ang kanyang dalawang polo na kulay puti at asul. Napangiti ako nang makita ang puting kulay. Saktong-sakto, kitang-kita ang dugo sa damit na 'yun.

"Mas guwapo ka sa white, Kuya!" sigaw ko. Parang timang na namang ngumiti nang sobrang laki ang demonyong ito.

Nagbihis na siya agad. Nagawa niya pang magsuklay at magpabango. Lalabas na sana ako ng kuwarto niya nang makita kong tapos na siya. Subalit bigla niyang hinigit ang kamay ko at idinikit ang aking katawan sa kanya.

"Hmmmm, ang bango mo talaga Ara. Hindi na ako makapaghintay sa honeymoon nating dalawa," bulong niya.

Halos masuka-suka ako sa aking narinig. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman sa leeg ko ang hanging lumalabas mula sa kanyang ilong.

Ano ba 'tong pinasok ko! Hinayaan ko pa siyang makahawak at makahalik na naman sa leeg ko!

"A, Kuya... mukhang naghihintay na sina Papa. Kailangan mo munang magpaalam sa kanila para pwede na tayong maghoneymoon mamaya," nakangiting sabi ko.

"Oo nga pala. Tara na," yaya niya.

Bumuntong hininga ako nang lumabas na siya sa kuwarto. Sa wakas, nakaiwas ako sa kamanyakan niya kahit papaano.

Sumunod na ako kay Kuya pababa. Ngayon ay nasa harap na ulit kami nila Mama at Papa.

"Pa, hihingiin ko sana ang kamay ni Ara. Mahal namin ang isa't isa at gusto na naming magpakasal," panimula niya. Napakaseryoso ni Kuya na tila buhay na buhay ang kausap niya. Hindi niya ba nakikitang patay na ang mga magulang namin? Tsk! Baliw nga kasi!

"Kuya Vin, parang pumapayag naman si Papa. E si Mama kaya?" tanong ko.

Kinuha niya ang kamay ni Mama at hinalikan. "Ma, pwede naman kaming magpakasal ni Ara, 'di ba? Pumapayag ka naman? Hindi ko po siya sasaktan at pahihirapan. Aalagaan ko siya tulad ng pag-aalaga ninyo sa amin."

Lihim akong napangiti, nakakasuklam ang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Ano bang nangyari sa 'yo Kuya? Bakit tuluyan ka na talagang nawala sa katinuan?

"Pumayag ba si Mama, Ara?" tanong ni Kuya.

Sumulyap ako kay Mama. Kung buhay lang siya ngayon, nasapok niya na si Kuya panigurado. Muli akong humarap kay Kuya at sinabing, "Oo raw. Basta sa isang kundisyon. Huwag mo raw ako sasaktan. Huwag mo raw ako paiiyakin at lalapatan ng mabigat na kamay. Itrato mo raw akong Prinsesa at maging sunod-sunuran ka raw sa akin," sambit ko.

Sana ipasok niya sa kanyang kukote ang mga sinabi ko. Mas magiging madali ang aking plano kung susunod siya at mapapaikot ko siya.

"Sus, ang simple lang ng gusto ni Mama. Kayang-kaya ko 'yang sundin. Thank you, Ma!" Hinalikan ni Kuya Vin sa noo si Mama. Muntik na naman akong mapasuka. Wasak kasi ang noo ni Mama pero nagawa niya pa ring halikan ang nakalabas na laman doon.

Pagharap sa akin ni Kuya ay bahagyang kumunot ang noo ko. Puno ng dugo ang nguso niya. Para tuloy siyang bampira sa itsura niya.

"So, honeymoon na?" nakangising tanong ni Kuya.

Umiral na naman ang kanyang kamanyakan. Tumango ako kay Kuya bilang pagsang-ayon. Nagulat ako sa naging reaction niya, tumalon pa kasi siya sa tuwa na pang nanalo sa laban.

"Yes! Tara na sa kuwarto ko, Ara," yaya niya.

Kinilabutan na naman ako. Pero kailangan ko munang magpaagos sa daloy hanggang sa makakuha ako ng magandang pagkakataon. Bago ko nilisan ang hapagkainan, may kinuha akong patalim at isiniksik sa gilid ng panty ko.

Sumunod na ako sa itaas. Kahit ang bigat sa dibdib, kailangan ko 'tong gawin. Dapat kong tandaan na kailangan kong mabuhay. Hindi ako handang mamatay sa kamay ng Kuya ko at gusto kong magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay!

Pagpasok ko sa loob ng kuwarto ay agad niyang sinarado ang pinto at ni-lock. Pinagmasdan ko ang buong kuwarto niya. Naghanap ako ng ibang mga bagay na pwede kong ipantira sa kanya mamaya namagkagulo kami. 'Yung bagay na tipong made-deads agad ang demonyong ito kapag inilapat ko sa kanya.


*****

Please drop down your comment, hit like and share this story.

Maraming salamat sa pagsuporta. Luv yah!

-Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Tayong Dalawa (Complete)Where stories live. Discover now