TAYONG DALAWA (7)

277 17 2
                                    

KABANATA PITO

"Ara, lights on or lights off?" tanong ni Kuya.

Nanginginig ang mga kamay ko. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko dapat pagkatiwalaan ang pangako ni Kuya na hindi niya ako sasaktan. Kailangan kong ihanda ang sarili ko kung ano man ang mangayri mamaya.

"Lights on. Gusto kong makita kung gaano ka ka-sexy Kuya. Balita ko, laman ka raw ng gym sa States," biro ko. Ang totoo ay nalaman ko 'yun sa kamag-anak namin na nandoon.

Mukha raw na may pinaghahandaan si Kuya dahil ganadong-ganado magpaganda ng katawan. Kung hindi ako nagkakamali, para siguro sa akin 'yun.

"Yes, nagpaganda talaga ako ng katawan para sa 'yo," tugon niya. Sabi ko na nga ba. Ano bang nnapakain ko sa taong ito? Grabe!

Naupo na sa kama si Kuya. Hinubad niya na agad ang mga damit niya mula taas hanggang sa baba. Ako naman ito, nanlaki ang aking mga mata. First time kong makakita ng ganito sa talang buhay ko. Never ako tumingin sa lalaking naghuhubad. Kahit sa internet lang o palabas, hindi ko talaga iyon ginawa. Pero ngayon, wala akong magawa. Talagang makikita ko ang katawan niya.

Napapikit ako at sandaling nanalangin. Diyos ko po, tulungan mo ako. Iligtas mo po ako!

Naupo na ako at tumabi kay Kuya sa kama. "Kuya, pwede bang tumalikod ka muna? Maghuhubad lang ako sandali. Medyo nahihiya kasi ako," pakiusap ko. Ayokong makita niya ang patalim na nakatago sa panty ko at siyempre ayokong makita niya ang buo kong katawan, kahit na alam kong useless lang 'yun dahil makikita niya naman talaga ito mamaya.

"Sure, your wish is granted!" Tumalikod na sa akin si Kuya.

Nagsimula na rin siyang kumanta. Maganda ang boses niya. Nasabihan ko pa nga siya noon na sumali sa mga singing contest dahil bukod sa may itsura siyang maipagmamalaki ay may talent din siyang taglay sa pagkanta. Pero imbes na ma-amaze ako sa boses niya ngayon, lalo akong kinilabutan nang kantahin niya ang careless whisper.

Umiling na lang ako. Kung pwede lang takpan ang tainga ko, ginawa ko na! Inilabas ko na ang patalim na tinago ko at itinago sa gilid ng kama. Sinigurado kong hindi niya iyon makikita at inilagay sa puwestong madali kong maaabot mamaya. Hinubad ko na rin ang bestidang suot ko. Pero hindi ko tinanggal ang undies ko.

"Pwede ka ng tumingin Kuya," nag-aalangang sabi ko.

Humarap siya sa akin na nakangiti. Agad niya akong itinulak sa kama at dinaganan. Sa sobrang pagkabigla ay napasigaw ako nang hindi ko namalayan.

"Don't shout. I will make it gentle later," bulong ni Kuya.

Mabilis niyang natanggal ang bra ko at lumabas ang tinatago kong dibdib. Sobrang likot ng kamay ni Kuya, nakakapanggigil.

Kitang-kita ko na nanlaki ang kanyang mga mata kaya nairita ako lalo. Kamanyakan talaga, bwisit! Sinimulan niya na akong halikan mula ulo papunta sa aking dibdib. Ibang-iba ang aking pakiramdam, diring-diri ako! Gusto kong masuka sa ginagawa niya sa akin.

Mayamaya ay kinapa-kapa ko na ang kutsilyo sa gilid habang busy si Kuyang pinaglalaruan ang aking dibdib. Masyado na kasi siyang napapasarap. Kailangan ko nang gumawa ng aksiyon. Subalit...

"Ang busy ng kamay mo, Ara. Ano'ng kinakapa mo r'yan?" Pigil-hininga akong natigilan sa aking ginagawa. Shocks! Napansin niya ang ginagawa ko. Saan ba kasi nagpunta ang kutsilyo, ang hirap hanapin!

"Ito ba ang hinahanap mo?" biglang tanong ni Kuya na nagpasikip sa dibdib ko. Parang kakapusin ako ng hininga anumang oras!

"Ah, Kuya..." Wala akong masabi. Lagot na! Ano'ng gagawin ko?

"Wala sa usapan natin 'to, Ara! Bakit nagdala ka pa ng patalim dito ha? Ano'ng plano mo?" pasigaw na tanong niya. Bigla niyang itinapat sa aking leeg ang kutsilyo.

Bahagya akong gumilid pero hinawakan niya ang balikat ko at pinalapit muli sa kanya ang katawan ko. Pinagpapawisan na ako nang sobra. Pakiramdam ko ay napakalagkit ko na. Naghalo na ang matinding takot at kaba. Nabablangko ako, ano ba ang dapat kong gawin?

Presence of Mind Ara, please! "Hindi Kuya, mali ka ng iniisip," depensa ko.

"Ikaw, balak mo pa akong patayin!" wika niya. Naramdaman kong bahagyang nakatusok na sa leeg ko ang dulo ng kutsilyo.

"Hindi totoo 'yan! Hindi kita papatayin Kuya. Hinanda ko lang 'yan incase na kailanganin ko. Ah, kasi... tama, may hahatiin akong tela, hindi ko kasi makita ang gunting sa baba. Gusto kong paiksiin ang suot kong bestida para mas maging kaakit-akit ako sa paningin mo. Alam mo naman Kuya na ayoko ng may kaagaw sa 'yo," mahabang alibi ko.

Hinaplos ko pa ang pisngi niya at dahan-dahang ibinababa ang ulo niya para makalapit sa ulo ko. "Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, Kuya. Honeymoon natin 'to, dapat walang sagabal 'di ba?"

Hindi pa rin nagsasalita si Kuya Vin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Hindi na ba umiepekto ang pagkukunwari ko sa kanya? Katakatakang wala man lang siyang reaksyon.

Kahit ayaw ko ay umakto akong hahalikan siya. Naramdaman kong inilayo niya na ang kutsilyo sa aking leeg, ngunit may sinabi siya na nagpabilis ulit sa pintig ng puso ko.

"Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa pagpapanggap mo, Ara?"

Naalerto ako, bago pa siya tuluyang makagawa ng susunod na hakbang ay buong lakas kong tinuhod ang pagkalalaki niya.

Narinig ko ang malakas niyang daing at nabitawan ang hawak na kutsilyo nang hawakan niya ang kanyang pagkalalaki. Mabilis kong pinulot ang kutsilyo at agad na tumakbo palabas ng kuwarto. Bumaba agad ako sa sala at pinuntahan ang kusina namin.

Kahit nadidiri ako ay sinikap kong hilahin ang mga guwardiya namin para maitabi ko sila sa gilid at makadaan ako sa pinto na hinarangan nila. Ang bibigat nila, pero nagawa ko pa rin silang itabi dahil sa pagmamadali ko at ito ang kailangan kong gawin para makalabas na ng bahay!

Paghawak ko ng doorknob ay bigla akong nakalanghap ng pag-asa. Pag-asang makakalabas na ako ng bahay. Subalit pagbukas ko ng pinto ay biglang may humila sa aking buhok.

"Saan ka pupunta, Ara!" sigaw na tanong ni Kuya. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding galit, galit na galit siya sa akin. "Balak mo pa akong takasan ha!"

Sinampal niya ako nang malakas. Hindi ako nakailag kasi mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa buo kong katawan para hindi ako makawala. Sa taglay niyang lakas, mahihirapan na naman akong makatakas.

"May honeymoon pa tayo! Bumalik na tayo sa taas!" Kinagat ko ang magkabila niyang braso. Bigla niya akong nabitawan subalit nahigit din niya ang buhok ko!

"Sabi nang huwag ka tumakas e!" Kinaladkad niya ako papasok. Nagpabigat ako ng katawan para hindi niya ako mahila nang mabilis. Itinaas ko ang aking kamay nang magkaroon ng pagkakataong maihanda ang kutsilyong hawak ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa, sinaksak ko na ng kutsilyo ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Shit! Ano ba Ara!" gulat na sigaw niya sabay bitaw sa buhok ko.

Mabilisan kong sinaksak ang kanyang balikat pagkatayo ko. Sandali siyang natigilan, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makatakbo ulit at bumalik sa pinto ng kusina.

Nakahinga na ako nang maayos nang tuluyan naakong nakalabas ng bahay. Patakbo akong nagpunta sa gate namin. Ngunit maluha-luha nanaman akong naging balisa dahil nakapadlock ang gate!

Ang susi ay nakalagay samay kusina! Kaso ayoko nang bumalik pa sa loob, paniguradong hindi na akomakakalabas pa ng buhay!


*****

Please drop down your comment, hit like and share this story.

Maraming salamat sa pagsuporta. Luv yah!

-Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Tayong Dalawa (Complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu