Chapter VII (2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Sobrang sakit na iiwan ko na itong lugar na 'to ngayon. Sobrang sakit na iiwan ko ang lalaking pinakamamahal ko. Pero alam ko na mas masakit kung mapapahamak s'ya, lalo na at dahil sakin.

Gusto kong itanong kung mahal ba ako ng Diyos. Bakit bibigyan N'ya ako ng lalaking mamahalin at magmamahal sakin pabalik, pero lagi ay kailangan kong talikuran ang pagmamahalan na iyon. Bakit ba ganito ang kapalaran ko sa pag-ibig?


Mabigat ang loob ko na humakbang palabas ng unit namin ni Kiel.

"Sophie..." tawag sakin ni Kier.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa kanya. Noong isang araw, pumunta s'ya dito at bigla nalang akong hinalikan. Inakala ko noong una na si Kiel s'ya. Hindi ko naman kasi inaasahan na magpapakita pa s'ya samin. Hinalikan ko s'ya pabalik. Pero nang maramdaman ko na iba ay naisip ko na hindi s'ya si Kiel. Tutulak ko palang s'ya palayo ay nahiwalay na s'ya sakin at bumulugta sa sahig.

Nakita ko noon si Kiel na galit na galit. Hindi ko s'ya nagwang pigilan.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Kier o maaawa.

"Ano'ng kailangan mo? Wala na tayong dapat pag-usapan, Kier. Matagal na tayong tapos. At kung sasabihin mo na nandito ka para sa pakikipag-kaibigan, hindi ako naniniwala. Walang nakikipagkaibigan na nanghahalik" malamig na sabi ko sa kanya at isinara na ang pinto ng unit namin ni Kiel. Humakbang na ako at nilampasan si Kier.

"Nasa ospital si Kiel, Sophie" maagap na sabi n'ya na nagpahinto sakin sa paglakad. Parang huminto sa pag-inog ang mundo ko. "Naisip ko lang na baka hindi na s'ya nakapag-sabi sa'yo. Nasa ospital si Daddy at pinapunta ko d'on si Kiel" naramdaman ko ang paghawak n'ya sa kamay ko. "I'm sorry for what I did. I know, you love him. And I'm sorry."

Nakaramdam ako ng relief na okay naman si Kiel.

Binawi ko ang kamay ko kay Kier at humakbang na paalis. Sa totoo lang ay ayoko na magkaroon ng kaugnayan sa kanya. Ang sama kong babae, pero ayoko kasi na may makagulo nang malala samin ni Kiel.

Magtatago ako ngayon, pero umaasa ako na kapag naayos na ang problema ng pamilya ko, magiging maayos pa kami ni Kiel. Mahal na mahal ko s'ya at hindi ko kayang i-let go ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko s'ya kayang talikuran tulad ng nagawa ko'ng pagtalikod noon sa pagmamahal ko kay Kier.

Mahal na mahal ko si Kiel, na sa tingin ko ang pagmamahal ko noon kau Kier ay naginh sukatan lang kung gaano ko kayang mahalin si Kiel. Kumbaga, si Kier ay level one lang at si Kiel ay level ten. Hindi ko kayang i-explain kung hanggang saan ang limitasyon ng pagmamahal ko kay Kiel. Mas mahal ko pa s'ya kaysa sa sarili kong buhay.

Parang may mga kadena sa paa ko na kailangan kong hilahin habang naglalakad ako paalis ng tower kung saan kami nakatira ni Kiel. Alam ko na nakasunod sakin si Kier pero hindi ko nalang s'ya pinapansin. Hanggang sa makalabas ako ng tower ay nakasunod pa din s'ya kaya patuloy lang ako sa paglakad. Maglalakad nalang ako hanggang sa sakayan ng mga jeep pa-Cubao.

Medyo guminhawa ang pakiramdam ko nang mawala na si Kier sa likod ko. Pero patuloy pa din ang paglakad ko. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Ni hindi ko magawang magpaalam kay Kiel. Alam ko kasi na hindi n'ya ko papayagan na mag-isa. Idadamay at idadamay n'ya ang sarili n'ya. At ayoko nang gan'on.

"Sumakay ka na, Sophie, ihahatid na kita kung saan ka man pupunta" sabi ni Kier mula sa loob ng sasakyan n'ya.

Pipihit palang ako paharap sa kanya para paalisin s'ya at tumanggi nang may kung ano na tumama sa dala kong maleta.

Always for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon