Gusto ko siyang tulungan, gusto kong lagi akong nandiyan para sa kaniya. At sana, maramdaman niya na lagi akong nasa tabi niya sa tuwing kailangan niya ng karamay at kakampi.

At dahil hindi ako makatulog. Ay napagpasiyahan ko na pumunta sa kwarto ni vhin, at gaya nga sa ilang mga araw, ay bukas ito.

Nagkaroon ako ng pagkakataon upang pumasok sa loob non.

Kita kong abala siya sa pagtitig sa kaniyang laptop at hindi ginagalaw ang kamay na nakapatong sa mouse ng laptop.

Nanatili ako roon sa tabi ng pintuan. Hindi ko binuksan ang ilaw at hindi ako lumapit sa kaniya. Pinagmamasdan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa.

Ilang sandali na lang ay bahagya siyang umayos ng upo sa kaniyang upuan at mariing tumitig sa screen ng laptop niya.

Ano kaya ang nakita niya? Sana ako nalang iyong screen para ako iyong titigan niya. Wala sa sariling kinurot ko ang aking braso dahil sa kalokohan na naisip.

“P-pangasinan? Where in pangasinan? In...bolinao, she was adopted by two people...isang mangingisda ang asawa ng babae...hmm her life is interesting huh? But i know someone na ganito rin ang pinagmulan niya.”

Libo-libong boltahe ang dumaloy sa katawan ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam pero bakit kinakabahan ako ngayon?

Alam kong wala naman akong kinalaman sa mga sinasabi niya pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

Posible kayang doon nanggaling iyong babaeng hinahanap niya ngayon? At posible rin kayang parehas kami ng lugar na pinagmulan?

Napatingin muli ako sa kaniya ng marinig ko siyang magsalitang muli.

“Yes, good evening Mr. Valdez, this is Vhin Drake Gonzales, yes...im the COO of Amoroso Enterprises...yes i’m the who assigned by Mr. Amoroso to find her daughter... yes, i just want you to investigate behind the past issue of Mr. Amoroso, her past Wife and Her mother. Yes, thank you...”

At bago pa maibaba ni vhin ang kaniyang cellphone at bago pa niya ako makita ay mabilis na akong lumabas roon at tinungo ang aking kwarto.

Sari-saring mga tanong nanaman ang nasa isip ko, at hindi ko alam kung paano pa ako nakatulog.

Maaga akong nagising at agad na tinungo ang kusina matapos kung ayusin ang aking sarili.

Mabilis akong nagluto ng almusal naming tatlo at saka naglagay ng note na idinikit ko naman ito sa may ref at nang makaligo na ako ay saka na ako lumabas para maghanap na nang trabaho.

Kulang ang pagpapaypay ko sa aking sarili habang nakaupo sa gilid nitong tindahan na napasukan ko. Mabilis naman nila akong tinanggap dahil nandito ang siyang may-ari ng tindahan.

Malaki ang loob nito at nasa pwesto ng palengke kaya marami ang bumibili ng mga kostumer.

Si ate Marina ang may-ari ng Grocery na kinaroroonan ko ngayon. Mabait siya at ganun rin ang ibang mga kasamahan ko.

“Ikaw seli? May nobyo ka naba? Pangurado meron dahil sa ganda mong iyan, sus! Tanga nalang ang lalaking hindi magugustuhan ka” ani rana habang ibinibigay nito ang sukli sa isang kostumer.

“Tama ka rana, naku ano seli? Meron ba? Dali tayo-tayo lang naman ang nakakaalam rito eh” sambit naman ni Leni habang inaayos ang mga paninda na nakasabit sa itaas.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. “Wala kaya, kayo naman, hindi porke may itsura na iyong tao ay kinakailangang may kasintahan na kaagad? Pwede rin namang hindi muna iyon ang hinaharap ko?” sagot ko at ibinigay ko kay leni ang huling mga pakete ng gatas at isinabit niya ito sa itaas na bahagi.

Mahigpit ko namang hinawakan ang upuan niya habang bumaba siya.

“Tama rin naman ang punto nitong si seli leni eh, at hindi siya kagaya mo noh, kaliwa’t-kaliwa ang mga nobyo” asar ni rana kay leni.

Nanlaki naman ang mata ko na tumingin kay leni. “Sus wag kang basta-basta maniniwala diyan kay rana, niloloko ka lang niya, iisa lang ang nobyo ko noh, mahal na mahal ko ‘yun” ngiting sagot sa akin ni leni. Ngumiti na lamang ako sa kaniya ng tipid.

“Tsk tsk tsk Pustahan tayo seli makalipas ang ilang linggo wala na sila nung nobyo niya, may bago na ulit siya “ humagalpak sa tawa si rana habang nakatingin kay leni na ngayon ay nakabusangot na.

Umiling-iling lang ako sa kanilang dalawa.

“Hay naku seli, bitter lang kasi iyang si rana, kaya ganyan kung makapang-asar sa akin, eh pano pinagpalit siya nung jowa niya dun sa pokpok na nakilala nung ex niya” sumunod naman na tumawa si leni at si rana naman ngayon ay siyang sumimangot.

Inirapan na lamang niya si leni at hindi na nagsalita pa.

“Oh tama na iyan, baka mag away-away pa kayong dalawa rito, dumarami na iyong mga kostumer natin oh” bilin ko sa kanila. Ngumiti na lamang sila at sabay na kaming bumalik sa aming trabaho.

Mabilis kong nakilala sina leni at rana, kahit ilan oras palang kaming nagkakakilala ay alam kong mababait itong dalawang ito.

At masaya rin ako dahil kahit papano ay nagkaroon rin ako ng mga taong maituturing kong kaibigan ko.

Kung may pagkakataon lang sana ako, sana habang-buhay ko nang makasama ang dalawang ‘to, dahil sa kanila kasi ay hindi ko nararamdaman na mag-isa ako na malungkot ako bagkus, sumasaya ako minu-minuto ‘pag sila ang kasama ko.

Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon