Wedding

7.9K 226 16
                                    

Jho's POV

Ugh. Sakit ng ulo ko. Nakatulog pala ako, ewan ko ba pero nahilo talaga ako sa inumin na binigay sa akin ni Marci. Nilibot ko tingin ko, wala na ako dun sa warehouse kung saan ako dinala ni Marci. Nandito ako sa isang kwarto, parang hotel ganun.

Tatayo na sana ako kaso iba pakiramdam ko, nakasuot pala ako ng gown. Shit, naalala ko ngayon pala kami ikakasal ni Marci. Nakakaiyak shit, Bea nasaan ka na ba? Tumayo naman ako at lumakad pa punta sa isang life size mirror.

Unang tiningnan ko ay yung gown, eto yung gown na pinili para sa akin ni Bea. Ang ganda niya, bagay na bagay sa akin. Pati yung ayos sa akin, maganda syempre dyosa ako or should I say JHOsa? Simple lang pagkakaayos sakin pero napaka ganda. Teka, sinong nagayos sa akin? Sinong nagpalit sa akin ng damit?

"Jhoana, you look beautiful" Sabi ni Marci pero inirapan ko lang siya

"Sungit. Don't worry hindi naman ako nagpalit sayo ng damit. Si Therese, let's go? Nagaantay na sila sa church" Hindi pala talaga nagbibiro si Marci even si Therese at Rex talagang ayaw nila kay Bea. Ano na lang sasabihin ko paguwi ni Bea? For sure pag nalaman niya to kasusuklaman niya ako.

"Marci ayoko. Si Bea mahal ko" Matigas na sabi ko.

"No, you're mine Jho. Let's go" Sabi niya at hihilahin niya na sana ako pero pumiglas ako.

"Ayoko nga!" Pero this time galit na siya. As in ang sama na ng tingin niya sa akin. May dinukot siya sa likod niya, nagulat naman ako at may baril siya. Itinutok niya sa akin yun.

"Sasama ka o papaputukin ko to sa ulo mo?" Sabi niya at hinila niya ako. Sumama na lang ako, ayokong mamatay ng hindi ko pa nakikita si Bea.

Nakarating na kami ni Marci dito sa kotse. Nakatutok pa din yung baril sa ulo ko, nanginginig na ako sa takot.

"Manong, sa simbahan po" Sabi ni Marci at pinaandar na nung driver yung kotse. Saglit lang ang binyahe namin at nakarating kami dito sa Lipa Church. So all the time nasa Batangas lang ako?

Tiningnan ko yung simbahan. May sunflower arrangement sa labas nito. Naalala ko yung mga plano namin ni Bea, etong eto yun eh. Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako. Bea sorry, kung kakayanin kong tumakbo mamaya tatakbo ako.

"Nagandahan ka ba?" Tanong ni Marci

"Paano mo nalaman to?" Tanong ko

"Simple lang Jho. Kinuha ko yung organizer niyo ni Bea at binayaran ng malaki para iorganize ang kasal NATIN" Nakaemphasize pa talaga yung salitang natin. No, di matutuloy to.

"Tumalikod ka dali" Sabi ni Marci, nakakatakot boses niya sobra. Tumalikod na lang ako at nilagyan ako ng blind fold. Para saan to?

"Subukan mong tumakbo mamaya, mamatay si De Leon" Natakot naman ako sa sinabi niya. Ayokong mamatay siya ng dahil sa akin. Sira na yung plano ko. Sirang sira na.

"Una na ako, dito ka lang. May aalalay naman sayo palakad sa altar. See you there future wife" Sabi niya at narinig ko na lang na bumukas at sumarado ang pinto.

Naramdaman ko naman na may umalalay sa akin, lalaki. Nagsimula na kaming maglakad.

"Iha, nandito na tayo. Dirediretso lang tayo sa altar ha?" Sabi nung lalaki. Parang nabobosesan ko siya pero hindi ko makilala kung sino eh.

Nagsimula na kaming maglakad, nagsimula naman tumugtog yung kanta.

What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

Lucky (JhoBea)Where stories live. Discover now