Help

6.1K 180 12
                                    

Jho's POV

Hindi pa din ako kumakain hanggang ngayon. Pero gutom na ako, paano ba naman ako kakain eh nakatali tong kamay ko? Napaka bobo naman ni Marci. Iniisip ko pa din kung paano ako makakatakas dito, nalibot na ng paningin ko yung buong lugar pero walang ibang daanan maliban sa pinto.

"Jhoana" Sabi ni Marci na pumasok dito.

"Pakawalan mo na ako" Sabi ko, naiiyak na naman ako. Bakit ba ganito nangyayari?

"Sige, pero papatayin ko si Bea"

"Wag Marci. Wag"

"Nga pala, tumawag si Bea. Sinagot ko, sabi ko magpapakasal na tayo hahaha" Sabi ni Marci. Napaka walang hiya talaga nito. Akala ko tapos na siya sa amin ni Bea pero bakit nandito na naman siya?

"Gago ka!" Sabi ko.

"Aba nagmumura na pala ang isang Jhoana Maraguinot. Hahaha. Nagbibiro lang ako" Sabi niya at biglang nag ring cellphone ko.

"Hello? Oh Bea ikaw pala yan! Sakto nandito yung fiance ko haha!" Sabi ni Marci at nilapit sa tenga ko yung cellphone

"B-bea. Umuwi ka na, tulungan mo ako" Sabi ko habang umiiyak. Pinandilatan naman ako ni Marci na parang sinasabi na wag sabihin kung anong kalagayan ko ngayon

"Bakit Jho nasaan ka ba at bakit mo kasama si Marci?" Tanong ni Bea

"N-nandito ako kayla Marci"

"ANO?! ANONG GINAGAWA MO DYAN? JHOANA! NAWALA LANG AKO PANGALAWANG ARAW KO PA LANG DITO SA US, MAY KASAMA KA NANG IBA?!" Sigaw ni Bea.

"B-bea hindi ganun, magpapaliwanag ako"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Madami pa akong kailangang ayusin, pagusapan natin to paguwi ko" Sabi ni Bea at binaba na yung tawag.

"M-masaya ka na? Galit na sa akin si Bea! Masaya ka na Marci ha?!" Sabi ko, puro galit nararamdaman ko kay Marci. Lumapit naman siya sakin at tinanggal yung tali ko sa kamay.

"Ayan, para makakain ka, ikaw bahala kun gusto mong tanggalin yung tali mo sa paa pero ako na nagsasabi sayo na hindi mo kayang tanggalin yan" Sabi ni Marci at tuluyang umalis.

Ngayon pa lang na nalaman ni Bea na magkasama kami galit na siya. Paano na lang kung malaman niya na ikakasal na ako kay Marci next week? Hayys, ang hirap ng sitwasyon ko. Dapat pala hindi na lang ako nag bar, dapat pala hindi na lang ako sumama kayla Maddie, eh di sana wala ako dito ngayon. Sana masaya ako ngayon at hindi nahihirapan ng ganito.

Marci's POV

Lumabas na ako ng bodega. Hindi ko kayang makita si Jhoana na nasa ganung kalagayan. Hindi ko pa pala naibaba tawag ni Bea

"Bea?"

"Oh ano Marci? Bukas na ang kasal"

"Ano? Bakit ang bilis akala ko ba next week pa?"

"Eh napabilis kami eh. Tumulong kasi yung daddy ni Jho sa pagaayos kaya ayun napabilis kami"

"Paano yung gown ni Jho?"

"On the way na dyan si Rex at Therese. Dadalhin nila gown ni Jho, itago mo yun at ingatan mo ha?"

"Syempre. Paano pala me-make upan yun?"

"Dun sa gown may gamot dun, pampatulog. Tinatanong ko naman sa doktor yun eh, hindi naman masama sa katawan. Halo mo lang sa juice yun, makakatulog yun. 8 hours epekto nun kay dapat maya maya painumin mo na"

"Okay. Noted"

"Takutin mo para hindi tumakas bukas. Marci umayos ka. Pag may sugat si Jho susugatan ko mukha mo"

"Oo. Takot ko sayo sige na. Nandito na sila Rex"

At binaba ko na.

"Marci!" Sigaw ni Rex

"Uyy wag kang maingay baka marining ka ni Jho" Sabi ko

"Ay oo nga pala. Pwede ba namin siyang tingnan?" Tanong ni Rex

"Kayo bahala. Basta wag niyong ipapaalam na may plano"

"Sige. Teka nasan na ba si Tey?" Tanong ni Rex

"Eto na. Tinago ko pa gown ni Jho. Nandun nakalagay sa cabinet. Pupunta naman ako bukas dito Marci, kasama ko yung magaayos kay Jho. Eto na yung gamot" Sabi ni Therese

"Pre, pasok muna kami. Timplahan mo na ng juice si Jho nang makatulog na"

"Sige pasok na" Sabi ko at binuksan ko yung pinto. Sakto naman na kumakain si Jhoana.

Jho's POV

Kumain na ako, nagutom na ako eh. Pero infairness mangidnap to si Marci, Bon Chon pa pinakain sa akin. Haha.

"Jho!" Sigaw ni Rex. Teka si Rex? Kasama si Therese? Teka, susunduin na ba nila ako? Itatakas na kaya nila ako dito? Sana.

"Rex! Tey!" Sigaw ko. Lumapit naman sa akin si Tey.

"Jho? Musta ka naman dito?" Tanong ni Therese. Bakit parang wala silang balak na itakas ako.

"Teka, bakit kayo nandito? Itatakas niyo ba ako?"

"Ha? Hindi Jho. Sorry, ayaw namin kay Bea para sayo. Mas makakabuti kung si Marci makakatuluyan mo" Sabi ni Rex. Bakit? T.T

"Sorry Jho. Pinakisamahan lang namin talaga si Bea" Sabi naman ni Tey. Wala na akong nagawa kundi umiyak. Pati ba naman mga kaibigan ko? Teka, kaibigan nga ba talaga sila? Hinawakan naman ako ni Rex pero inalis ko yun, galit ako galit.

"Wag mo akong hawakan Rex. Kung hindi niyo ako itatakas lumayas na kayo dito! Sana nanahimik na lang kayo! Sana hindi niyo na lang ako pinakialaman! Buhay ko to diba?! Bakit kayo ba ikakasal kay Bea? Ako diba?! Ako!" Sabi ko sa kanila. Nakita ko naman na natatawa si Rex, anong problema nitong itlog na to?

"Mas makakabuti sayo to Jho, sorry" Sabi ni Tey. Bumukas naman yung pinto, pumasok si Marci may dalang juice. Buti na lang may dalang inumin to. Kanina pa ako nauuhaw, magpapakain wala man lang tubig.

"Oy bakit niyo pinaiyak si Jho?" Sabi ni Marci

"Wala, wala naman kaming ginagawa eh" Sabi ni Rex

"Jho, bukas na pala kasal natin" Sabi ni Marci. Bukas? Paano si Bea? Hindi ko na ba talaga mapipigilan to? Next week pa balik niya eh. Bea please, bumalik ka na bukas. Itakas mo ako T.T

"Hanep ka talaga Marci! Kakasal agad walang propose propose!" Sabi ni Rex

"Ganun talaga. Para suhlehd" Sabi ni Marci na tumatawa tawa pa

"Ang bading mo Marci!" Sabi ni Tey

"Bading ka dyan. Kakasal na nga ako bukas eh" Sabi naman ni Marci

"Ay Jho, juice oh. Kumain ka na pala" Sabi ni Marci at inabot sa akin yung juice. Ininom ko naman agad yun. Kanina pa ako nauuhaw eh, buti nga di ako nabilaukan kanina.

"Jho goodluck bukas, sorry talaga" Sabi ni Rex. Feeling ko double meaning eh. Pero ang pakiramdam ko talaga ngayon ay nahihilo ako. As in sobrang hilo. Bakit anong meron? Wala naman akong sakit. Magsasalita pa sana ako and it all went blank.

Lucky (JhoBea)Место, где живут истории. Откройте их для себя