PLAN

8.9K 163 2
                                    

Bea's POV

Umaga. Panibagong araw, panibagong sakit ng katawan para sa training pero kailangan para din naman sa amin to kung mananalo kami at yun talaga ang gusto namin. Kakadating ko lang dito sa BEG, galing kasi akong Quiapo Church. Ako lang magisa hindi ko sinama si Jho kasi busy naman siya kanina kaya hindi ko na triny na yayain.

Nandun na si Jho, nagtitraining. Siya at si coach Tai palang, pinapa spike ng pinapa spike ni coach yung bola. Pinapahirapan na naman si Jho tapos si Gizelle taga receive. Pumunta naman ako kayla ate Aly.

"Uyy bey, saan ka na naman galing?" tanong ni ate Aly

"Quiapo church po"

"Weh? Nakita ka nga namin may kasama kang babae"

"Ha? Wala ah"

"Sus. Kaya nga tingnan mo si Jho, nakasimangot ang lakas ng mga spike kawawa na nga si Gi eh. Binubuhos ni Jho sa bola yung galit niya sayo" sabi ni ate Aly. Dumaan din kasi ako sa bahay bago pumunta sa Quiapo church at nandun yung pinsan kong babae si Mikee.

Papunta na si Jho dito. Tapos na siya, si ate Aly naman sunod. Makalapit nga kay Jho

"Beh, ang galing mo" sabi ko sabay yakap sa kanya pero tinulak lang niya ako at nagstart magreceive sa spike ni ate Aly

"Babaero ka kasi Bey" sabi ni Jia

"Hindi naman ako nang ba-babae eh. Si Jho lang babae ko"

"Nakita ka nga namin may kasamang babae. Sabi kasi ni Jho sundan ka namin tapos may babae kang kasama"

"Pinsan ko yun si Mikee, dumaan muna kasi ako sa bahay eh tapos naabutan ko siya dun. Gusto niya daw kasi ako makasama kasi kakauwi lang niya galing ibang bansa" sabi ko

"Hiningan ko nga ng chocolates eh para bigyan ko kayo kaso na mis interpret niyo pala" sabi ko

"Nasaan ang chocolate? Nasaan? Ilabas mo de Leon!" sabi ni ate Ella. Nandito pa din sila ni ate Den, tinutulungan kami mag training. Sweet nila no?

"Ate Ella, wag ka namang sumigaw nasa dorm baka matunaw pag dinala ko dito" sabi ko

Umupo muna ako. Si Jho pabalik na dito kakausapin ko muna siya

"Jho?"

Hindi niya ako pinapansin

"Beh, inom ka muna oh" sabay abot ng gatorade. Di niya kinuha yung sa akin pero kinuha niya yung inabot ni Jia.

"May chocolate ako para sayo beh, kaso nasa dorm pa eh. Baka kasi matunaw pag dinala ko dito" sabi ko. Magsasalita na sana siya kaso

"Beeeeeaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw nung pinsan kong si Mikee, bakit siya nandito? Hindi pa nga kami okay ni Jho sumulpot naman to.

Si Jho nawala sa tabi ko, nandun sa court kasama si Deanna nagpapapractice mag spike. Nilalabas na naman niya galit niya. Pero this time nakaharap siya sakin so kaya yung bola papunta dito sa side ko

"Huy Beaaaaa!" sabi ni Mikee sabay yakap sakin. Niyakap ko din naman siya, wala namang malisya eh. Pinsan ko naman siya

*Blaaaaaaaag*

Ang lakas ng spike ni Jho. Talagang galit na galit

"Hey Bea? Who's that girl? She's my Idol now, she plays good" sabay turo kay Jho

"She is Jhoana Maraguinot. My one and only" sabi ko

"Kyaaaaaaaah! Is she your girlfriend? I wanna know her Bea" sabi niya sakin habang hinahampas hampas ako

"Not yet Mikee. I'm still courting her" sabi ko sabay biglang sumimangot tong abno kong pinsan

"Why not yet? She doesn't like you ba?"

Lucky (JhoBea)Where stories live. Discover now