She's Mine

7.7K 178 6
                                    

Jho's POV

Ilang araw na nakakalipas matapos ang bonfire. Akala ko okay na kami ni Bea, hindi pa din pala. Medyo iwas siya sakin, hindi na siya ganun ka clingy, hindi na siya ganun ka sweet. Bakit kaya? Hindi na ba niya ako mahal? May iba na ba siya? Ang sakit sakit, hindi na siya ganun katulad dati. Miss na miss ko na siya

Bea's POV

Nandito ako sa dorm, umakyat ako sa room at binuksan ko yung pinto. Nakita ko si Jho, umiiyak na naman at nakatingin sa picture namin na wallpaper niya sa cellphone niya. Masakit na makita ko siya nagkakaganito, pero mas masakit yung nalaman ko

*flashback*

Nasa opisina ako at naabutan kong naguusap si dad at yung mommy ni Jho

"Mr. De Leon, may kumakalaban sa kompanya natin, ang Bacalla Corporations. Sila ang ikatlo sa pinakasikat na kompanya dito sa Pilipinas at lahat ng gusto nila nakukuha nila dahil takot sa kanilang lahat ang iba pang kompanya" sabi ng nanay ni Jho. Bacalla? Sounds familiar

"Ano ba gusto nila sa kompanya natin?" tanong naman ni papa

"Gusto nilang maipakasal sa anak ko, kay Jhoana" What? Kay Jho? Bakit siya pa? Bakit hindi na lang si Jaja?

"Si Jho? Eh paano si Bea? Paano ang anak ko? Tsaka mahal naman nila ang isa't isa diba?" tanong ni dad

"Oo pero kailangan magsakripisyo Elmer kung hindi papabagsakin nila tong kompanya natin at maaaring may masamang mangyari sa taong nakapaligid sa kompanya na to at tayo yun" No way. Hindi pwede, akin lang si Jho akin lang siya. Bakit kailangan nila mang black mail, ipaglalaban ko si Jho.

"Kausapin muna natin si Jho about dyan" sabi ni dad. Dad please no

"Paniguradong hindi papayag si Jho dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Bea"

"So, ibibigay mo si Jho kayla Mr. Bacalla?"

"Parang ganun na nga" What?! Wait! Ganun ganun na lang? Please no.

"Kanino ba ipapakasal si Jho?" tanong ni Dad

"Marci Jeune Bacalla"

What si Marci?! Agad akong lumabas ng company para hanapin si Marci. Alam naman niya na kami, aware siya dun at hindi kami aware ni Jho na may gusto pala si Marci kay Jho. Bakit si Jho pa? Ang dami dami namang babae dyan eh.

Nakarating ako dito sa Ateneo, sa BEG. Buti na lang nandito si Marci at magisa lang siya nanonood ng training ng men's basketball.

"Marci" tawag ko sa kanya

"Oh Bea? Haha. Alam mo na siguro?" sabi niya habang tumatawa

"Bakit si Jho pa? Bakit siya pa? Masaya kami Marci, sobrang saya namin. Bakit kailangan mo pang sirain yun?"

"Masaya? After what you did to her nung nasa Bonfire tayo? Bea, ginawa mo siyang tanga! Ginawa mo siyang tanga sa harap ng madaming tao!"

"I didn't mean to do that" sabi ko at naiiyak na ako

"Alam mo ba kung gaano kalungkot si Jho nung mga oras na yun? Na kinakalabit ka na niya pero hindi mo magawang pansinin. Nasa twitter yung video na yun! Bea if you really love Jho you shouldn't do that!"

"Marci, I will no do that again. Please wag si Jho. I really love her"

"Her mother said yes already. Wala nang bawian or else everything will be a mess for De Leon-Maraguinot Corporations" sabi niya at tuluyang umalis.

*end of flashback*

This is why I'm doing this. Para sa oras na kunin na ni Marci si Jho, hindi na ako ganun masasaktan. Pero I'm doing anything para hindi to matuloy.

"B-bea? Kanina ka pa ba nandyan? Bakit ka umiiyak?" napansin pala ako ni Jho and I'm crying? Hindi ko napansin, nasasaktan talaga ako. Hinila ako papasok ni Jho sa room. Inupo niya ako sa kama

"Bea? Bakit ganito ka na? Bakit ang cold mo na? Bakit hindi ka na sweet sakin? Anong problema?"

"Nothing Jho. Sorry, iloveyou" sabi ko. Susulitin ko na lang muna ang mga araw na kasama ko pa si Jho. Habang nagiisip pa ako ng isang matinding plano para matigil tong kahibangan ni Marci. I won't let this happen at kung mangyayari man yun, gagawa pa din ako ng paraan para bumalik si Jho sa akin.

"Iloveyoutoo Bea. Please, bumalik ka na sa dati. Bumalik na tayo sa dati, nasasaktan na ako eh" sabi ni Jho na umiiyak na. Ayokong masaktan si Jho, ayoko kaya gagawin ko lahat, lahat lahat.

"Yes beh, I'm sorry kung naging ganito ako. Always remember na mahal kita kahit anong mangyari" sabi ko at niyakap ko siya. Be ready Marci. Be ready.

------

Sorry po kung late na po yung update and sabaw pa ✌ school works talaga eh. Sorry guys, babawi ako after ng summer namin. Thank you!

Lucky (JhoBea)Where stories live. Discover now