Back ❤

9.7K 219 31
                                    

Jho's POV

Natapos na training namin. Nakakapagod, sobrang sakit ng likod ko pero eto, walang nagmamassage sa akin. Sa pagkakaalala ko hindi naman kami naghiwalay ni Bea eh pero bakit ganito siya sa akin? Bakit hindi niya akong magawang pansinin? Ay oo nga pala, sumuko na pala siya sakin. Sumuko na silang dalawa ni Jaja.

"Baka matunaw si Bea nyan" nagulat naman ako. Nandito na pala si Marci. Ganyan ang magiging routine namin, hahatid niya ako dito sa BEG tapos kung wala siyang class manonood siya pero kung meron susunduin na lang niya ako dito.

"Miss ko na siya Marci. Please ibalik mo na ako sa kanila" Naiiyak kong sabi. Anytime pwede nang tumulo luha ko.

"No. Hanggang hindi pa nila napapabagsak ang kompanya namin, dito ka lang sa tabi ko Jhoana" Nakakainis. Nakakainis talaga

"Hanggang tingin ka na lang muna ngayon, wala naman akong sinabi na hindi mo pwedeng kausapin eh. Kausapin mo pag nandito kayo sa training or pag may bonding kayo ng team niyo pero unfortunately sumuko na siya Jho. Kaya akin ka na ngayon"

"Tangina mo Marci!" sigaw ko kaya napatingin lahat sakin ng teammates ko even si Bea at Jaja. Hindi naman talaga ako nagmumura kaso hindi ko na talaga kaya.

"Hoy Jhoana, baka sabihin nila kung anong ginagawa ko sayo. Nakatingin silang lahat oh, parang papatayin ako ni Bea at ni Jaja sa tingin nila" sabi ni Marci. Aba mukhang takot to ah? Mapagtripan nga.

"Bakit sa tingin mo wala kang ginagawa ha?! Marci sinasaktan mo ako! Sa tingin mo ba wala kang ginagawa ha?! Wala ba yan?! Tinatanggalan mo ako ng karapatan na maging masaya! Pakyu ka Marci! Pakyu ka!" sabi ko naman parang effective. Yung chinito niya na mata, namimilog na ngayon sa gulat.

"Hoy Marci! Anong ginagawa mo kay Jho ha?!" Sabi ni ate Ella, ayan na matakot ka dyan.

"Wala, teka ang tapang mo ang liit mo naman" Sabi naman ni Marci at tumayo sa harap ni ate Ella. Hindi nga pala kilala to ni Marci, kasi graduate na si ate Ella nung nakilala ko si Marci kaya hindi sila nagkakatagpo ng landas.

"Aba loko ka ha. Wag mo akong daanin sa height mo totoy" Sabi ni ate Ella. Totoy? Si Marci haha. Nagpipigil lang ako ng tawa, baka mapagkamalan akong baliw dito eh.

"Sinong totoy ha?!" Akmang susuntukin ni Marci si ate Ella pero hindi niya natuloy dahil may pumilipit sa kamay niya.

"A-aray! Aray. Tangina masakit" sabi ni Marci na nakapilipit yung kamay.

"Wag na wag mong pagbubuhatan ng kamay kahit sino sa mga teammates ko. At si Jho? Wag na wag mong sasaktan yan Marci dahil tandaan mo isa ka lang, marami kami. Sige na ate Ells" Sabi ni Bea. Shit akala ko ba wala na tong pakialam sakin? O baka kay ate Ella lang to may pakialam? Hindi sinabi niya pangalan ko eh. Ayun si Marci pinipilipit pa din kamay niya at etong si ate Ella sinipa si Marci sa "alam niyo na" kaya eto napahiga sa sakit, sobrang lakas naman kasi. Binitawan na din siya ni Bea.

"Kulang pa yan Marci, kulang na kulang pa yan sa pananakit mo kay Jho" sabi ni Bea at umalis niya, ang cool niya. Si ate Ells naman ayun tumakbo papunta kayla ate Den.

"Mababaog pa ata ako pota" sabi ni Marci na namimilipit pa din sa sakit

"Bagay sayo yan" sabi ko at iniwan ko na siya dun. Lumabas na ako ng BEG, kakain muna ako. Nakakapagod training eh, pero kinilig talaga ako kay Bea. Sana may pakialam pa din siya sakin, sana maantay pa niya ako.

*after 3 weeks*

Bea's POV

3 weeks na nakakalipas, miss na miss ko na si Jho. Miss ko na siyang kulitin, miss ko na siyang asarin, miss ko na siyang yakapin at halikan sa noo. Natapos na din ang Philippine expo at ngayon malalaman kung sino ang nanalo, ang mananalo dito ay mapupunta sa pinakatuktok, kumbaga siya na ang magiging top 1 na company sa Pilipinas dahil for sure madaming investors ang kukuha sa product na yun. Papunta na kami ni Jaja sa venue, sa Makati.

Lucky (JhoBea)Where stories live. Discover now