Moments

10.3K 178 0
                                    

Bea's POV

Kakagising lang namin ni Jho. 7 na pala, masyado kaming nasarapan sa pagtulog. Parehas kaming naligo pero syempre nauna siya baka hindi pa ako makapag pigil kung sabay kami haha.

*tok tok tok*

"Bukas, pasok tapos labas!" sigaw ni Jho. Ano nanaman pinagsasasabi nitong babaeng to? Haha

"Anong klaseng pagpapasok yun Jho? Labas agad?" sabi ni ate Ella. Nandito na pala sila

"Tara na! Nakabihis din naman pala kayo, may dinner daw tayo sabi ni Aly" sabi ni ate Den

"Osige po sunod nalang po kami" sabi ko

"Dalian niyo at JhoBea nalang ang hinihintay haha!" sabi ni ate Ella at sinarado ang pinto

"Beh, JhoBea daw haha!" sabi ko

"Kinilig ka naman?"

"Oo naman. Tara na nga" lumabas na kami ni Jho habang nakaakbay ako sa kanya.

Alyssa's POV

"Sa wakas nandito na din ang lovebirds!" sigaw ni Ella

May dinner kasi kami ngayong team. Nagyaya ako kasi malapit nang matapos ang term ko sa UAAP. Nakakalungkot pero kailangan eh. Mamimiss ko sila ng sobra.

"Hindi talaga kayo mapaghihiwalay ni Jho no?" Tanong ko kay Bea

"Nako ate Aly, eto hiwalay na kami" sabi ni Jho

"Haha nako baka magtampo yan si Bea sayo"

"Sabi ko nga po hindi kami magpahiwalay hehehe" sabi ni Jho

*fastforward*

Tapos na kaming kumain pero bago kami umuwi sa dorm pumunta muna kami sa BEG. May susi naman ako dun kaya nakapasok kami.

"Uhm, girls? Gusto ko sanang magpasalamat sainyo. Yung iba dito, 5 years ko nang nakasama yung iba 4,3,2 years pati yung mga rookies ngayon maraming salamat sainyo. Mamimiss ko kayong lahat" naiiyak na sabi ko

"Ate Aly naman, wag kang magpaalam. Magkakasama pa din naman tayo eh. Hahaba pa to, babawi pa tayo sa wednesday kaya may game pa tayo sa sabado" sabi ni Jho

"Btw Jho, since ikaw yung isa sa starters gusto ko wag mong papabayaan yung team. Madami na din nagsasabi na ikaw papalit sakin and I can see a potential on you"

"Seriously ate Aly? Hindi ako kasing galing katulad mo. Walang papantay sa galing mo. I can't be like you ate Aly" sabi ni Jho

"Hindi ko naman sinabi na gawin mo katulad ng ginagawa ko. Wag mo lang pabayaan ang pagiging open spiker mo. Yes you can't be me but you can do better than me. Magtraining ka lang ng magtraining baka mas magalingan mo pa ako." sabi ko

"I will try ate Aly. Salamat po at pinagkakatiwalaan niyo po ako"

"Wala yun Jho. Lahat naman kayo pinagkakatiwalaan ko eh. Ayokong bumaba ang Ateneo. Hindi man tayo yung maging nasa top 1 pero make sure na gawin niyo lahat, ibigay niyo lahat ng best niyo para makarating sa championship" sabi ko at tuluyang umiyak

"Alam kong hindi naging maganda yung game ko last saturday pero eto sinisigurado ko, I will give all my best sa wednesday para manalo tayo. Sana ganun din kayo. Alam ko naman na lahat tayo gustong gusto makuha yung championship for the 3rd time, sino ba naman may ayaw diba? So please promise me na dodoblehin natin yung training natin starting tomorrow and let's focus. Kaya naman natin to eh, masyado lang tayong kinabahan. Babawi tayo, lalaban tayo okay?" sabi ko

"Opo captain!" sabi ng lahat at niyakap nila ako. Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam kung ganito ang mga teammates mo.

Tumayo kaming lahat at sumigaw ng "Go Ateneo! One Big Fight" hindi lang sigaw dahil inumpisahan ni Bea ang pagsayaw. Magaling talagang sumayaw tong baby ko. Mamimiss ko to.

Lucky (JhoBea)Where stories live. Discover now