Sadness

11.9K 232 2
                                    

Alyssa's POV

Hello. I am Alyssa Valdez, team captain of Ateneo Lady Eagles and this is my last year of playing. Masakit at nakakalungkot pero gagawin ko ang best ko para maka 3-Peat kami ngayong season 78.

Tumawag nga pala sa akin si Jho kanina

*Flashback*

"A-ate Aly?" Sabi ni Jho na halata sa boses niya na umiiyak siya

"Bakit baby Jho? Anong nangyari sayo?" sabi ko dahil sobrang nagaalala ako sa kanya.

"S-si Bea po. Nandito po kami sa ospital. Nahulog po siya sa hagdan." Sabi ni Jho

"Ano? Paano nangyari yun? Saang hospital? Pupunta kami dyan at may kasama ka ba dyan?" Sabi ko

"Itetext ko nalang po yung address. I'm with Marci po." Sabi ni Jho na walang tigil pa din sa pagiyak

"Sige magingat kayo dyan. Sasabihin ko din sa kanila para makapunta na kami dyan. Just wait for us. Calm down and just pray for Bea"

"S-sige po ate Aly, magingat po kayo" Jho

*End of flashback*

"Aly? Ano saang hospital ba nandoon sila?" Tanong ni Den. Bumisita kasi sila dito ni Ella kaya kasama namin sila dito sa dorm.

"Ate Aly, hindi pa ba nagtetext si Jho? Nagaalala na ako ng sobra kay Bea" Sabi ni Jia. Close din kasi sila ni Bea kaya ganun nalang siya magalala.

"Eto na. Tara na girls, puntahan na natin sila"

*fast forward*

Nakarating na kami dito sa hospital. Kasama na namin si Jho at si Marci naman ay umuwi na dahil daw nahihiya sa amin. Tinanong namin kung ano ba talaga ang nangyari kay Bea.

"Baby Jho? Bakit ba siya nahulog?" Tanong ko

"H-hindi ko po alam ate Aly eh. Basta po kayakap ko si Marci nung time na yun nang may narinig kaming kalabog" Saad ni Jho

"Yan kasi, mahal mo naman kasi yung tao pero nireject mo. Kitang kita namin sa mga mata mo Jho pero si Marci pa din ang iniintindi mo" Sabi ni Maddie. May gusto kasi si Maddie kay Bea kaya ganyan na lamang ang reaksyon niya.

"Madz, hindi ngayon ang tamang panahon para awayin mo si Jho. Hindi naman niya ginusto to. Tama na yan" Sabi ko kay Maddie

"T-tama siya ate Aly. Mahal ko na nga ata si Bea pero natatakot kasi ako sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao" Sabi ni Jho

"Kung mahal mo talaga hindi mo iintindihin ang sasabihin ng iba. Magagawa mong maipaglaban kahit nasasaktan pa kayo." Jia

Magsasalita pa sana si Jho nang dumating ang doktor.

"Sino ang kamag-anak ni Bea de Leon?" sabi ng doktor

"Ako po ang bestfriend niya doc." Sabi ni Jho

"Iha, wala namang malala na nangyari kay Bea. Okay na siya pwede niyo siyang puntahan sa room niya pero" Sabi ng doktor na ikinaba naming lahat

"Ano po yun doc?" Sabi ko

"Hindi muna siya pwedeng maglaro ng volleyball ng 2 linggo. Kailangan muna niyang magpahinga dahil may oras na sasakit pa din ang ulo niya lalo na kapag napapagod siya. Mauna na ako" sabi ng doktor

"S-salamat po." Sabi ni Jho

Jho's POV

Kasalanan ko kung bakit to nangyari. Ngayon hindi na siya makakapaglaro sa championship at alam kong gustong gusto niya ibuhos lahat ng galing niya sa laban na ito.

Pumasok kami sa kwarto niya. Nilapitan ko siya, natutulog pa din siya. Tinitigan ko lang siya, pinagmasdan ang kanyang mukha at hinawakan ang kanyang kamay.

"B-beh? Pasensya ka na kung nangyari pa to saiyo. K-kasalanan ko to, kung hindi pa ako nag inarte edi sana masaya na tayo. B-beh? Sinasagot na kita. Mahal naman kasi talaga kita eh, natatakot lang ako sa sasabihin ng iba. Akoyong masaktan ka kung sakaling ijudge nila tayo. Mahal kita Bea ko" Sabi ko habang umiiyak pa din

"Wag mo akong sagutin dahil naaawa ka sa akin. Kaya ko sarili ko, malaki na ako" Sagot ni Bea na ikinagulat naming lahat

Niyakap ko siya. Pero itinulak lang niya ako. Nasaktan ako sa ipinakita niya, ayaw na ba niya sakin? Agad agad?

"Jho, leave me alone. I don't need you anymore." Sabi ni Bea

"Pero B-beh" Sabi ko

"Just stay away from me! I don't wanna see you again!" Sigaw ni Bea.

Sobrang sakit. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngit at nagiwan ng salita

"B-beh, aalis ako ngayon pero asahan mo na babalik ako. Mahal na mahal kita." Sabi ko at tuluyang umalis sa hospital

Lucky (JhoBea)Where stories live. Discover now