WHAT?

6.6K 210 18
                                    

Jho's POV

Umalis na si Bea. Pupunta daw sa US dahil sa company. 1 week lang naman eh. Kaya ko naman to, kaya namin to. Nakakamiss lang kasi araw araw mo siyang kasama sabay biglang mawawala ng 1 week. Di kasi ako sanay, kung aalis man sa tabi ko yun, para lang maligo, bumili ng pagkain ganun lang. Ang layo kasi eh, OA ko ba? Mahal na mahal ko eh. Hindi ko din maiwasang magisip ng kung ano ano, pero may tiwala naman ako sa kanya.

Nagaayos ako ngayon, pupunta daw kami sa bar nila Maddie. Hindi ko alam kung bakit bigla nagyaya tong mga to. Napilitan lang din ako kasi wala naman si Bea, wala akong kasama dito sa bahay. Balak ko sanang bumisita sa Eliazo kaso umuwi naman pala si Jaja.

*bzzzzzzzt* (naka vibrate lang phone ni Jho. Ang pangit ng effects sorry ✌)

From: Maddie

Nandito na kami sa baba Jho. Tara na

Sumilip ako sa bintana at nandun na nga sila. Hindi ko na nireplayan si Maddie at bumaba na agad ako. Alam naman nila na aalis ako kaya hindi na ako nag paalam. Mga katulong lang tao dito.

"Tara na ate Jho, bilisan mo na" Sabi ni Ponggay

"Hoy Ponggay bata ka pa" Sabi ko

"Haha. Naka graduate na nga ako ate Jho eh. Tara naaaa" Sabay hinila ako ni Ponggay. Alam ko apat kami eh, bakit tatlo lang kami ngayon? -.-

"Saang bar tayo pupunta para maitext ko kay Bea" Tanong ko

"Ewan ko dito kay Ponggay. Ayaw sabihin eh" Sabi ni Maddie. Si Ponggay kasi nag dadrive

"Secret. Haha" Sabi ni Ponggay. Tetext ko na nga lang si Bea

To: Bea ❤

Beh? I'm with Ponggay and Maddie na. Ayaw nila sabihin kung saan kami pupunta eh. Basta bar daw. Hindi naman ako umiinom, you know that. English yun beh haha. Ingat ka dyan. Loveyou and Imissyou :*

Sent!

*fastforward*

Nandito na kami sa bar. MJB pangalan nung bar. Parang familiar yung initials. Is it Marci Jeune Bacalla? Naalala ko kasi yung kwento niya na magtatayo siya ng bar eh. Ewan, hindi naman siguro. Tsaka we're good friends na naman eh.

Dumiretso kami dito sa VIP table. Aba, sosyal tong mga to. Umorder din sila ng mga ladies drinks. Uminom ako ng konti kasi nauuhaw na ako pero ang pangit pala ng lasa nun -.-

Medyo nakakadami na ng ininom sila Maddie at Ponggay

"Sayaw tayo Jho!" Sabi ni Maddie

"Ayoko. Dito lang muna ako" Sabi ko. Hindi nga ako marunong sumayaw eh.

"Sure?" Tanong ni Maddie at nag nod lang ako

"Tara na Ponggay!" At ayun iniwan nila ako dito. Nauuhaw talaga ako. Wala namang tubig dito. Tapos yung juice nila may halo pa din, ayoko nun. Mahina ako sa ganito. Pero no choice ininom ko na lang ng straight yung inumin ko.

*after 10 minutes*

Isa lang ininom ko at ladies drink lang yun pero bakit hilong hilo ako. Naramdaman ko pa na may tumabi sakin. Nakalingon pa ako, lalaki to. Hindi si Maddie o si Ponggay to. Hinawakan niya ako and it all went blank.

Marci's POV

I'm here at my bar to do something. Hindi naman ako pumupunta dito sa bar ko pag operating hours. Napapainom kasi ako.

I saw Jho sa may VIP table siya lang magisa. This is it. Pagkakataon na to. Tinabihan ko siya at lumingon siya sa akin, hindi pwede na makilala niya ako. Pero mukhang hilong hilo na siya and nahimatay siya. Lumapit naman si Maddie and Ponggay.

"Hoy Marci. Ingatan mo yan si Jhoana ah! Madami kaming makakalaban mo!" Sabi ni Maddie. Nag nod naman ako. Bakit ba kasi may ganito pa? Baka magalit girlfriend ko nito eh. Yes, may girlfriend na ako. Napagutusan lang ako na kidnapin tong si Jho.

"May tiwala kami sayo Marci. Buong team namin wag na wag mong sisirain o baka buong team ang sumira sa pagmumukha mo" Sabi naman ni Ponggay

"Calm down. May girlfriend na ako. Utos lang to okay? Una na kami. Mahaba habang byahe pa to" Nag nod silang dalawa at nauna na kami ni Jho. Sinakay ko siya sa likod ng sasakyan. Nilagyan ko din siya ng blind fold at tinali yung paa at kamay niya. Mahirap na pag nagising to baka bugbugin ako nito. Pero bago ko paandarin yung sasakyan, tinext ko muna yung mastermind.

To: +63915631****

She's with me. We're on our way.

Agad agad naman ay nagreply siya. Teka, akala ko ba walang time to para magreply?

From: +63915631****

Take care of her. Wag masyadong mahigpit ang pagkatali. Pag may nakita akong sugat dyan, suntok kapalit nun Bacalla.

Hindi ko na siya nireplayan. Chineck ko muna kung mahigpit pagkalagay ko ng tali. Hindi naman masyado. Nagdrive na ako papunta sa kawalan, jk. Basta sa province kaya mahabang byahe. Bumili na din ako ng pagkain para mamaya may kakainin kami. Sa isang warehouse kami pupunta parang kinidnap ko talaga tong si Jho. Wag ka sanang magalit sakin Jhoana.

Jho's POV

Nagising ako sa sakit ng ulo. Sobrang sakit ng ulo ko. Pero ang pinagtataka ko bakit ang dilim? Tapos hindi ko pa maigalaw paa at kamay ko parang nakatali.

"May tao ba diyan?!" Sigaw ko pero walang sumasagot

"Bea!" Shit. Takot pa naman ako sa dilim. Naiiyak na naman ako

Nagulat naman ako ng may nagtanggal nung blind fold. Nakita ko si Marci, nilibot ko din ang tingin ko, nasa isang malaking warehouse ata to. And yes, nakatali nga paa at kamay ko. Ano na naman to?

"Marci! Ano to?" Tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin.

"Marci bakit ako nandito? Bakit ako nakatali?"

"Jhoana. Narealize ko kasi na mahal pa din talaga kita. Humahanap lang ako ng tyempo para agawin ka kay De Leon and buti na lang nabalitaan ko na pumunta siya sa US kaya I had a chance. Nagulat din ako kasi nagpaplano pa lang ako pero nakita na agad kita sa bar kahapon"

"Fuck you Marci! Ibalik mo ako kay Bea!"

"No Jho. Makikita mo lang si Bea pag kinasal na tayong dalawa. Pero pag hindi ka pumayag, mamamatay si Bea. Sa US pa lang."

"WHAT?! Marci masaya na kami. Ikakasal na nga kami oh!" Sabay pakita ng engagement ring na ibinigay sa akin ni Bea

"I don't care Jhoana. Magpapakasal tayo o mamamatay si Bea? I need your answer right now"

"M-marci" Sabi ko. Umiiyak na ako, ayoko naman mamatay si Bea. Ayoko

"What. Kayang kaya ko itext ang mga tauhan ko sa US para patayin si Bea. Alam ko kung nasaan siya ngayon"

"Wag Marci. Magpapakasal ako sayo" Yan na lang nasabi ko. Ayokong itaya buhay ni Bea para sa ikasasaya ko. Sorry Bea, sorry.

"Good. Kumain ka na dyan, ayan yung pagkain. Aayusin ko na yung mga kailangan natin sa kasal. Next week na tayo magpapakasal. I'll go ahead" Hindi na ako sumagot. Next week? Kung kailan babalik si Bea. Akala ko okay na kami ni Marci. Akala ko tanggap na niya. Pagkatapos siyang tulungan ni Bea ganito gagawin niya.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Wala yung bag ko, wala yung cellphone ko. Paano kung nagtetext na si Bea? Paano kung tumatawag na siya? Wala akong ganang kumain. Hindi ko maisip na may ganito pa palang mangyayari. Akala ko okay na eh, akala ko masaya na kami ni Bea pero may pagsubok pa din pa lang dadating. Bea I'm sorry, sana mapatawad mo ako sa oras na malaman mo to. Sorry. Mahal na mahal kita.

-----

Yan po ulit update. Baka bukas na po ako makapag update ulit. Thank you po ulit! God Bless us all! :)

Lucky (JhoBea)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt