Hospital

7.8K 156 5
                                    

Jho's POV

Kasalanan ko to. Kasalanan ko kung bakit nandito ngayon si Bea sa hospital. Kung pinakinggan ko siya hindi siya magkakaganito. Pangalawang beses na to na nadala si Bea sa hospital dahil sa akin.

"Baby Jho, upo ka na muna dito. Okay lang yan si Bea malakas yun. Kapit ka lang sa biceps nun haha" sabi ni ate Ly. Nagawa pa niyang mag joke, hayys pero totoo naman eh. Malakas si Bea alam kong kaya niya.

"Ate Ly, pangalawa na kasi to eh. Dahil na naman sakin. Lagi ko nalang kasalanan" sabi ko at patuoy pa ding umiiyak

"Tita and tito is here!" sabi naman ni ate Amy. Kinakabahan ako, baka palayuin na nila si Bea sakin. Wag naman

"Jho anak? What happened?" tanong sakin ni tito Elmer at niyakap ako. Close talaga kasi kami eh.

"Nagaway po kami eh. Namura ko po siya pero hindi ko po sinasadya, nadala lang ng galit ko. Alam ko pong nasaktan siya ng sobra dun at kasalanan ko po kung bakit siya nandyan ngayon" sabi ko

"It's not your fault Jho. Don't worry, I know Bea is a strong person and she will never leave you. She will be fine" sabi ni tita Det. Thankful ako kasi kahit alam nila na pangalawa na ni Bea na madala sa hospital ng dahil sakin pero tanggap pa din nila ako.

"Is Ms. De Leon's family are here?" sabi nung doktor. Eto na, sana okay lang si Bea.

"Yes, I'm the father of Bea and she's my wife" sabi ni tito Elmer

"Your daughter is now okay. She have wounds on her arms but it is not that deep. She will wake up anytime"

"Thanks doc" sabi ni tita Det

"Baby Jho, sabi ko sayo strong yung mahal mo eh" sabi ni ate Ly

"Thank you po ate Ly" sabi ko at niyakap si ate Ly.

"Jho? Let's visit Bea." sabi ni tita Det

"Mauna na po kayo, punta po muna ako sa chapel" sabi ko

"Okay. Follow us okay? Girls, let's go" sabi ni tita Det

Punta muna ako sa chapel. Papasalamat muna ako dahil binigyan pa niya ng panibagong buhay si Bea.

Bea's POV

Ang sakit ng ulo ko. Plain white na naman nakikita ko, hospital na naman. Hayys, baka nagaalala sakin si Jho.

"J-jho?" sabi ko at minulat ang mata ko

"Baby" sabi ni mommy at yakap sakin, nasa likod niya si dad nakahawak sa kamay ko. Nilibot ko mata ko wala si Jho, galit pa din ba siya sakin?

"Bei, nasa chapel si Jho. Don't worry, kanina pa siya nandito. Baka papunta na din dito yun" sabi ni ate Ella

"Thank you po"

"Bei, I'm sorry" sabi ni Maddie

"Wala na yun Madz. Pero pag galit pa din si Jho lagot ka sakin" sabi ko at seryoso ako dun

"Hindi ka pa nga okay, nananakot ka na. Ang angas mo talaga" that voice. Si Jho yun nasan siya gusto ko siyang yakapin

"Uyy beh? Nasan ka? Magpakita ka naman" nasan ba kasi yung unggoy na yun? -_-

"HAHAHAHA!" tawa ni Madz

"Baliw ka na Madz?" sabi ko

"Hindi, si Jho kasi may binulong sakin eh" sabi ni Maddie. Nasa likod lang pala niya si Jho. Matangkad kasi si Madz, mas matangkad pa siya kaysa sakin ng konti

"Beh? Ano naman binulong mo kay Maddie ha?" sabi ko

"Wala yun beh haha. Okay ka na ba?" sabi ni Jho sabat niyakap ako

"Medyo okay na beh, masakit pa kasi braso ko" sabi ko at hinalikan sa noo si Jho. PDA na kung PDA, namiss ko tong mahal ko eh

"Araaaaay!" sigaw ni ate Ella at napatingin kaming lahat

"Bakit ate Ella?" sabi ni Jho

"Wala, kinagat ako ng langgam. Sobrang sweet niyo eh" sabi ni ate Ella

"Seriously Ellavator?" sabi ni ate Den with matching irap pa. Hahaha

*tok tok tok tok*

"Uhm, excuse me? I have to say something. Sorry for interrupting your happiness" sabi ni Doc. Ano kaya yun? Nakaka kaba eh

"No it's okay doc. Nagbibiruan lang ang mga bata. So what's the matter?" sabi ni mom

"Bea is okay. But we find na nahospital na pala siya dati because nabagok ulo niya. She can go home now but she can't play volleyball for a week. Pag pinilit niya pwedeng sumakit ang ulo niya and it can cause to brain damage which can lead to amnesia. So I suggest na wag muna siya maglaro or mag training for 1 week only. Rest is a must" sabi ni doc. Nakakalungkot naman, hobby ko na kasi talaga volleyball eh. Focus muna ako sa acads ngayon, manonood na lang muna ako ng training

"Thank you doc" sabi ni mom and she smiles

"Oh beh narinig mo yun ha? Wag matigas ulo okay? Baka makalimutan mo ako eh. Hahaha" Sabi ni Jho

"Kahit magka amnesia pa ako, etong puso ko nasayo lang kaya hindi kita makakalimutan" sabi ko then hinawakan siya sa cheeks. Kikiss ko na sana siya kaso may umepal na naman

"Hala nahulog-log-log-log-log" kanta nilang lahat -_-

"Damn it!" sabi ko

"Hahaha! Don't cuss baby it's bad. Ang cheesy niyo naman kasi eh. It's better na umuwi na tayo, may bonfire pa kayo right?" sabi ni dad. Yes may bonfire pa. Mahaba habang biyahe din to.

"Uhm, pwede pong kain muna tayo bago bumalik sa Manila? 11 na po eh, for sure mahabang biyahe to" sabi ni ate Ella

"Katakawan mo Ella" sabi ni ate Ly

"Sure, sure. Bayaran lang namin yung bills then we go. Bea, magayos ka na" sabi ni dad

"I'll help you na beh" Jho

"Wow english baby Jho!" sabi ni ate Den

*after 2 hours*

"Buuuuuuuurp!" dighay ni ate Ella. Ang lakas, kadiri lang hahaha.

"Kadiri ka ate Ells!" sabi ni Deanna

"Hoy Wong! Parang hindi ka dumidighay ah?" ate Ella

"Dumidighay pero hindi ganyan kalakas"

"Oops! Baka magaway pa kayo" sabi ni ate Ly

"Jho?" sabi ko

"Yes beh?" Jho

"Iloveyou Jhoana ko" sabi ko

"Iloveyoutoo Bea ko and I'm sorry" Jho

"Wala yun, okay na naman ako diba? Don't worry magiingat na talaga ako" sabi ko at niyakap siya. Nandito naman kami sa likod ng bus. Sinundo kasi kami ng shuttle, then yung car ko na kayla mom isusunod na lang sa Ateneo

"Clingy mo beh, baka may umepal na naman hahaha" Jho

"So? Bayaan mo sila" sabi ko at lalo ko pang hinigpitan yung yakap ko at hinalikan siya sa lips. Peck lang naman

"Tulog muna tayo beh, malayo pa naman tayo. Para may lakas tayo mamaya sa bonfire" sabi ko

"Sige beh, hug mo lang ako ha? Iloveyou" sabi niya then she kiss me passionately pero saglit lang yun

"Iloveyoutoo, nabitin ako haha" sabi ko at nakapikit na pala siya so pipikit na din ako.

"Hindi ko na kayo guguluhin. Kahit sobrang cheesy niyo haha" sabi ni ate Ella.

---------

Sorry po ang pangit ng ending. Parang ang pangit nga din nitong chapter na to hahaha ✌ bukas naman po yung about sa Bonfire. Mangangalap pa kasi ako ng mga ganap mamaya sana meron! Thank you po :)

Lucky (JhoBea)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें