Mint Academy ▒ Chapter nine

Start from the beginning
                                    

"May mga bully ba sa school nyo?" Derektang tanong ni Kassey at ngumiti naman sila Chiaka.

"Yes. Pero gagamit kami ng nullification para i-suppressed ang powers nila at di nila iyon magamit." Dagdag na paliwanag ni Maya.

"As you can see there is only one rule para sa lahat and that is DO NOT GO TO THE FORBIDDEN PLACES OF THE SCHOOLS. May ilalagay na warning sign para maiwasan yun. Specially dito sa school namin" -Vinle.

"This school might be look like haven but there is a part of it that you can say it is hell"

"Huwag mo nga silang takutin Renji"

"Nagsasabi lang ako ng totoo Rika specially yung western woods"

"Tama si Renji. Before this festival kailangan iorient muna lahat tungkol sa rules. And kayo na ang bahala doon."- Chiaka.

"Alam nyo bang lahat ng students dito ay uhaw sa mga bagong weapons? Nagbibigay lang kasi ng weapon ang head ng Mint Acadeny kapag may mga laban and tornament dito sa amin and its not really ours sa school yun and lahat ng students dito ay gusto magkaroon ng kanya kanyang mga sariling weapons" biglang sulpot ni Jaja. "And you, you, you" sabi nya at tinuro kami nila Jasmine at Alyana "Gawan nyo ko ng gun na kayang lumusot sa pader" tapos umalis na naman sya.

Nganga.

Lumulusot sa pader? Jusme naman anong gagawin namin? Di naman kami pwedeng tumanggi Legend sila eh ibig sabihin malalakas sila! Baka tustahin din ako ng isa dito ay mali di lang pala ako kundi kaming tatlo.

"So ayun lang naman ang dahilan namin pero para hindi makahalata ang iba tungkol dito dahil kailangan muna natin itong pag usapan eh igagala muna nakin kayo dito sa Academy" nakangiting sabi ni Chiaka.

~~~~~~~~~

Halos kaming lahat ngayon hindi makapagsalita sa pagod at sa pagkabigla ng mga nalaman at nakita namin kanina habang nililibot kami sa loob ng Twelve Academy.

Sabi sa amin ni Chiaka na kagaya daw namin sya. She had this so called Panmnesia and she also said that we are Panmesian also, naiiba nga lang daw sya sa amin dahil may mga kaya pa daw syang gawin na hindi namin kaya na pinaniniwalaan naman namin.

"WAAAH GRABE PAGOD NA PAGOD AKO" naiiyak sa sabi ni Cheska habang nakadapa sa sahig.

"Hindi ko aaklaing ganito ang mangyayari sa araw natin. Super damin" dagdag pa ni Rachel at sInang ayunan naman namin lahat.

"Kaya nga ikaw Akesia magluto ka na at magsasaing na ako dahil una kang magkukwento sa amin naintindihan mo ba?" Nakangiting sabi naman ni Kassey at bumuntong hininga naman ako.

Akala ko naman nakalimutan na nila.

"Okay poo~" walang gana kong sabi at saka tumayo at pumunta sa kusina.

At dahil six na kami ng gabi nakauwi at trenta pa kaming lahat na kakain ay nag isip ako ng madaling lutuin. Siguro okay na rin naman kung adobo, tinola at nilaga lang na manok ang lulutuin ko dahil yun lang din naman ang available dito sa ref namin.

After one hour finally natapos din ako. Inuna ko rin kasing lutuin ang nilaga at tinola bago ang adobo kaya naman natagalan ako nanggulo din naman kasi sakin si Mark kaya ayun buti na lang sImaway ni Kassey kaya mas maaga akong natapos magluto.

Kumain kaming lahat hindi nga lang tahimik. After nun ay nag hugas na ako ng pinggan at tinulungan naman ako ni Jasmine at Alyana para mabilis daw. Pagkatapos ay agad akong hinila nila Alyana papunta sa sala at wala na akong magawa kundi mag kwento. Si Jullia nga inis na inis pa kay Marvin pero nawala din naman agad inis nya kasi pinagalitan ni Henry.

At ngayon? Hindi naman ako makatulog. Hindi ko naman kasi malimutan kung bakit sya naging ganum sakin. Lumingon ako kila Jasmine at Alyana na tulog na tulog na, buti pa sila. Siguro dahil na rin sa pagod kaya ganyan sila.

Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa amin ang sala ng dorm. Parang apartment lang pala tong dorm namin sa loob ng isang bahay may sampung kwarto. Lumabas ako ng dorm at naglakad lakad. Hindi ko alam kung bakit pero may nagtutulak sa akin pumuntang lawa at pagdating ko doon ay napatitig ako sa repleksyon ng buwan sa lawa na nasa haral ng estatwa ni Heres.

"Gabi na ah"

Agad naman akong napaharap sa pinanggalingan ng boses and wrong move napapikit na lamang ako ng mata. Hinintay kong bumagsak ako sa lawa pero hindi nangyari yun kaya naman napadilat ako at nakita kong hawak hawak ni Marvin ang bewang ko.

Noong maayos na akong nakatayo ay umupo ako sa damuhan. May bermuda grass kasi dito. Naupo naman sya pero may agwat kami yun nga lang isang ruler lang. Shemay nakakailang.

"Bakit ka nga pala nandito?" pang babasag nya sa katahimikan.

"Hindi kasi ako makatulog at balak ko sana magpahangin kaya lang dinala ako ng paa ko dito." Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tumango sya. "Ikaw?"

"Hindi din ako makatulog. Pero ito talaga tambayan ko" napanod na lang ako sa sagot nya.

At muli nabalot kami ng katahimikan.

"Im sorry" napatingin ako sa kanya. "Sorry nga pala doon sa nasabi ko" ngumiti ako sa kanya.

"Baliw" sabi ko at ngumiti sya

"Ako na nga nasabihan ng tanga tapos nadagdagan pa ng baliw ayos ka ring babae ka ah"

"Hahaha okay Im sorry din sa mga nasabi ko noon. Galit lang talaga ako"

"Friends?" Tapos inilahad nya ang kamay nya "Friends"

Natahimik na naman kaming dalawa pero hindi na to gaya ng kanina na medyo awkward ngayon iba na. Komportable na ako sa tahimik na meron kaming dalawa at parehas naman kaming nakatingin sa buwan. Fullmoon.

"Alam mo bang may myth dito tungkol sa fullmoon?"

"Hindi eh" sagot ko pero nakatingin pa rin ako sa buwan.

"Alam mo ba na sabi nila na magkakatuluyan kayo panghabang buhay ng taong kasama mong tingnan ang fullmoon sa harap ni Heres?"

Nanlaki ang mga mata ko pero ibis na maniwala parang ang hirap dahil natawa sya.

"Anong nakaktawa?"

"Yung reaksyon mo. Pero totoo ang sinabi mo"

"Ay naku ewan ko sayo Marvin imposible yang iniisip mo"

"Bakit?"

"Hello heto ka o eto naman ako" at pinaghiwalay ko ang kamay ko "Nasa taas ka Marvin nasa baba naman ako kaya di tayo pwede. Matutulog na ko"

At nagmadali na akong lumakad. Ewan ko ba sa sarili ko bat nasaktan ako ng di nya ako sundan. Bakit ba ganito ang kabog ng dibdib ko? Bat parang nasaktan ako sa sinabi nya? Aba aba aba ano tong nararamdaman ko?

Pagpasok ko sa dorm agad bumungad sakin sila Jasmine at Alyana.

"Saan ka galing?" Tanong ni Alyana.

"Gabi na di ba?" Dagdag pa ni Jasmine.

"Im sorry okay? Nagpahangin lang ako sa labas halika na matulog na tayo"

Shemay naman tong nangyayari sakin.

Mint Academy: The school for intelligentWhere stories live. Discover now