Mint Academy ▒ Chapter four

Start from the beginning
                                    

"Akon a naman nakita mo, Kassey. 'Wag ako ah, si Jasmine na lang."

"Hoy! Hoy! Umayos kayo, ayoko pa mamatay."

"OA natin Min ah!"

"OA na kung OA, Alyana. Kung gusto mo, ikaw na lang."

"No thanks. Si Kesia na lang daw gagawa," sabi ni Alyana at nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ako? Hala, bakit ako?"

"Ako na nga," naka-poker face na sabi ni Henry.

Hindi talaga s'ya natutuwa sa pagtuturuan namin, halata.

At dahil sa smoke bomb lang naman 'to kaya hindi na kami lumayo pa. I know na ang OA namin kanina dahil sa pagtuturuan namin tapos 'di naman pala kami lalayo pero nakakatakot naman kasi talaga. Nakasuot naman na kami ng protective gear kaya naman hindi na kami natakot pa. Pagsindi naman ni Henry ay kaagad na umusok ang ginawa namin at nagliyap ito saka lumabas ang kulay blue na usok. Then, boom! Sumabog na lamang.

"What was that?" tanong ko sa kanila.

"Ewan," sagot naman ni Alyana sa akin.

"Hindi rin namin alam," dagdag pa ni Joseph.

"May steps kayo na nasobrahan o nakulangan." Nagkatinginan naman kaming lahat. "Hayaan n'yo na, next meeting natin aalamin 'yan. Nandito na ang Class 1-B at sila na ang gagamit ng laboratory." Nag-nod naman kaming lahat at saka lumabas si Sir.

Nagkatinginan naman kami at saka ako tumawa sa kanila at tumawa rin naman sila sa akin. May itim ang mga mukha namin at buti na lang talaga ay may protective gear kami kung hindi mahihirapan kami mamaya maligo. Still, maliligo pa rin ako mamaya.

"Ganyan ba talaga ang Class 1-A?" Napatingin naman kami sa nagsalita. "Akala ko pa naman mas sila sa atin dahil sa A sila pero hindi ko naman akalain na ganito sila kalala. Mas malala pa pala sila sa ating Class 1-B sa chemical combination," dagdag pa ng babae.

"Nakaka-disappoint ah," dagdag pa ng isang lalaki.

"Oh? 'Di nga? Naiinggit lang kamo kayo sa pagiging Class 1-A namin," sagot naman sa kanila ni Kassey. Hinawakan naman siya ni Jullia.

"Sinong maiinggit sa kagaya ninyo na hindi man lang magawa ang isang basic?"

"Wow, nahiya naman kami sa inyo, Class 1-B," sarkastiko na sabi ni Kassey.

"Kass," pagtatawag ni Jasmine.

"'Wag n'yo ko pigilan. Namemersonal 'tong mga walang hiyang 'to e," inis na sabi naman ni Kassey.

"Ayaw naman pala papigil e. Okay, total naman parehas tayong bago rito bakit hindi tayo magpakiksahan? Mas maganda kung pisikalan na lang, 'di ba?" nakangisi na sabi ng isa.

"Sure." Ngumiti naman ako.

'Di ko ba nabanggit na hindi ako magaling sa academics pero marunong naman ako sa mga sports? Lahat ng sports sa dati ko na school nasalihan ko na at lahat ng 'yun number one ako. Oo, adik na kung adik pero adik talaga ako sa sports.

"Oh? So, archery tayo?" with full of confidence na sabi ng isa pang babae.

"Sure!" sagot ko pa. "One on one?" paghahamon ko pa.

"Hoy! Ano pinagsasabi mo?" napatingin naman ako kay Henry.

"Hinahamon tayo e. anong gusto mo? Tumulala? Hello, 'di naman tayo Class 1-A for nothing, 'di ba?" Oo, tama. 'Di ako napasali sa class na 'to para sa wala. "Sino makakalaban ko?"

"Ako, syempre." Saka siya ngumisi sa akin.

"Good then. Mamaya, after class, archery field tayo. Fifty to one thousand meter," nakangiti ko na sabi at halata naman na nagulat sila sa sinabi ko pero agad din naman sila nakabawi.

"Sure!"

Nang ma-declare na lahat ay kaagad naman din kami na umalis. Pagbalik na pagbalik pa lamang namin sa classroom namin ay agad naman kami nagkatinginan at napasabunot pa sila sa buhok nila.

"Akesia! Malaking gulo!" napataas naman ako ng kilay sa sinabi ni Joseph.

"Oo nga, Kesia. One thousand meters? Seryoso ka na n'yan?" tanong naman ni Jullia at saka ako tumango.

"Ikaw naghamon n'yan kaya alam ko na kaya mo," sabi naman ni Henry.

Well, at least they have faith on me. Lalabas na saan ako kaya lang konti pa lang ang away ng pinto may mga narinig na ako mula sa labas.

"Isa sa Class 1-A at Class 1-B ang maglalaban sa archery!"

"Talaga? Mukhang nag-uumpisa na sila mag-away ah!"

"Oo nga e. sino kaya ang mananalo? Sa tingin n'yo?"

"Hindi natin alam. Hindi naman natin sila ganoon kakilala e."

"Malay natin."

"Ano ba raw ang dahilan?"

"Ang sabi nang nakarinig nauna raw 'tong Class 1-B. Kung ano ang dahilan o sinabi nila hindi ko alam pero sila rin naman daw ang naghamon bigla sa Class 1-A."

"Imposible naman kasi na maghamon ang Class 1-A nang walang dahilan, 'di ba? Nakikita ko rin naman kasi na hindi sila mayayabang gaya ng iba riyan."

"Baka nagkainitan lang."

"Baka nga."

Mint Academy: The school for intelligentWhere stories live. Discover now