KP 20

3.6K 315 35
                                    

Phun's POV

"Nay, si miguel po?" Ang tanong ko kay nanay celia ng makarating ako sa kanila.

"Hindi ko rin nga alam sa batang yan kung saan siya pumupunta. Tuwing uuwi kase yan galing eskwelahan ay bigla bigla itong magpapaalam sa amin" ang sabi ni nanay celia.

Hindi ko naman maiwasang magtaka dahil napapadalas na ang pag-uwi nito ng dis oras ng gabi. Alam ko yun dahil ilang beses ko na siyang naabutan dito sa bahay na wala ito, bagamat hindi naman nabawasan ang pagka-sweet nito sa akin ay hindi ko naman maiwasang mag-alala sa kanyang pagbabago. Kung tutuusin nga ay mas lalo pa ako nitong inaalagaan at minamahal ng sobra sobra.

"Ganun po ba nay?" ang dismayadong saad ko.

"Dito ka ba ulit matutulog anak?" Ang tanong ni nanay celia sa akin.

"Opo nay" ang sabi ko. Nagpatuloy lang si nanay celia sa pagwawalis.

"Pasensya kana anak ha, hindi ko na kase nagawa pang linisin ito kanina. Ang dami ko kasing nilabhang damit sa bahay ng amo ko" ang paghingi ni nanay ng paumanhin habang patuloy parin ito sa pagwawalis.

"Ok lang po yun nay, mga anong oras po kaya dadating si miguel?" Ang hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

"Hindi ko rin alam anak. Minsan nga ay dadating na yun tulog na kami" ang sabi pa nito. Nang matapos si nanay celia sa paglilinis ay nagpaalam ito sa akin na tatawagin niya daw muna si tatay fernan at baby mela para kumain.

Habang nakaupo ako sa sala ay hindi ko naman maiwasang tingnan ng paulit-ulit ang orasan ko. Mag-aalas syete na ng gabi ay hindi parin siya dumadating. Hindi ko naman maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Haixt!

"Tara na anak, sabay sabay na tayong kumain" ang tawag sa akin ni nanay celia ng makabalik ito.

Sumunod naman ako sa kanya sa kusina at sabay sabay naming pinagsaluhan ang hapunan. Kahit kinakausap nila ako ay tanging tango at ngiti lang ang itinutugon ko sa kanila bilang sagot. Lumilipad kase ang isipan ko. Hindi ako makapag focus, hindi ako mapakali. Mahal na mahal ko talaga si miguel kaya ako nagkakaganito.

Pagkatapos naming kumain ay tumulong na ako kay nanay celia sa pagliligpit ng aming pinagkainan dahil wala rin naman akong gagawin ay minabuti ko na lang na tulungan ito kesa ang maghintay at mag-isip ng kung anu-anong bagay na hindi maganda.

Nang matapos kaming magligpit ay tiningnan ko ulit ang orasan, alas nyebe na ng gabi pero hindi pa rin siya dumadating. Nakaupo lang kaming dalawa ni nanay celia sa sofa habang kalong kalong nito ang tulog na tulog na si baby mela. Naisipan kase muna naming magkwentuhan habang hinihintay namin si miguel.

"Anak. I-aakyat ko na si bunso ha. Matulog ka na rin, alam kong inaantok kana. Wag kang mag-alala sa batang iyon.. baka mamaya andito na yun" ang sabi ni nanay celia. Tumayo ito habang kalong kalong si baby mela. "Mauna na ako sayo anak ha. Inaantok na rin kase ako" tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

Nakaupo lang ako sa sofa habang nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi ko na rin mabilang kung ilang segundo, minuto o oras na akong nakatitig sa doon. Nagbabaka sakaling dadating siya.

Miguel nasaan kana ba? Miss na miss na kita.

Dahil sa pagod sa school at antok ay minabuti ko na lang na umakyat sa kwarto at doon intayin si miguel. Pagkapasok ko dito ay nakita ko ang bag nitong nakasabit sa pader na kahoy. Sinabit ko din doon ang bag ko sa katabing bag niya. Pagkatapos kong isabit ang bag ko ay lumapit ako sa durabox nito kung saan nakalagay ang kanyang mga damit. Kumuha ako ng isa at tinitigan ito. Miss na miss na talaga kita miguel. Niyakap ko ito at inamoy amoy.

Nang magsawa ako ay nahiga na ako sa kama. Hindi ko parin binibitiwan ang damit nito. Niyakap ko lang ito bilang palatandaan na kasama ko siya. Lumingon ako sa higaan niya at hinimas ito.

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon