KP 5

4.3K 310 42
                                    

Phun's POV

Pinilit ko nalang ang sarili kong kainin, kung ano man ang kinakain nila. Ganito ba talaga ang mahihirap? Pagkain pa ba ang kinakain nila? Well, sorry hindi kase kami mahirap kaya hindi ko alam ang mga ganitong bagay. Don't judge me ok! Sorry! Mayaman lang.

Medyo maalat siya at ok naman. Ganito pala ang tuyo. Hindi naman sa hindi siya masarap pero hindi ko parin maalis sa isip ko na pagkain parin sya ng mahirap hahaha... Ok! Sorry na, hindi ko naman intensyong manlait. Ganito lang siguro ang ugali ko. Maarte at mapanglait.

Haixt! Kumuha nalang ako ng noodles, kase hindi ko talaga siya keri. Sorry tuyo. Nakakakain naman ako ng noodles like "Ramen" yung mga nasa resto. Di ba sosyal? But this kind of noodles? Lucky me? How cheap! Ok, whatever! I know naiinis na kayo sakin. Chillax lang.

Sumandok na ako ng noodles sa mangkok at tinikman. Maalat din siya pero ok naman. Kaya lang hindi siya healthy for my gorgeous body. My Gad! Nakakaawa talaga. Ooppss!! Hahaha.. sensya na po, di ko lang mapigilan. I'm nagpapakatotoo lang right?

"Ok ka lang ba talaga?" Ang tanong sa akin ni panget este miguel pala. Nginitian ko lang ito bilang sagot.

"Of course.. oh, i mean. Oo naman, ikaw talaga" ang pabirong sabi ko kay miguel. Tinagalog ko na baka kase hindi nila maintindihan. You know naman.. poor! Bwahahaha... ooppss! Ano ba ang daldal ko.

Naka-katol ba tong isang to? Hindi kase mawal-wala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Kuya jowa mo po ba si kuya phun?" Ang tanong ng kanyang bunsong kapatid na si mela.

Halos mabulunan naman ako sa itinanong nito. Ganun din si miguel. Dahil hindi ko na talaga kaya ay kumuha ako ng tubig at walang habas na nilagok ito. Ahhhhh... sarap. Buti pa ang tubig mas masarap.

Pero ano daw?

Si Miguel, jowa ko? In their wildest dream. Ang pumatol sa panget ay hindi ko magagawa. Can you see my gorgeousness? Maglaway naman siya.

"Nako anak, ang bata bata mo pa eh, alam mo na yang mga jowa jowa na yan" ang saway ni nay celia. Tumingin naman ito sa akin.

"Anak pagpasensyahan mo na itong bunso kong si mela ha. Nagbibiro lang ito" ang paghingi nito ng paumanhin. Ngumiti lang ako.

"Naku bunso, hindi kami mag jowa ng kuya phun mo. Magkaklase lang kami" ang pagdepensa naman ni miguel sa kapatid.

Can you imagine? Siya pa talaga ang dumipensa? Grabe Pogi naman niya. Hiyang hiya naman ako sa kapogian niya.

"Tama si kuya mo bunso.. we're just classmates. Nothing more, nothing less.. in tagalaog, Gagawa lang kami ng project, ok" ang ngiting sabi ko sa kanya.

Infairness naman sa kapatid ni miguel ha, cute na bata. Eh siya? Hahaha.. Nevermind.

"Ano po bang klaseng project ang gagawin nyo? Bahay bahayan po ba?"

Huwaat? Ano daw? Green minded lang ba ako o mali lang ang pagkakaintindi ko sa sinabi nito. Binuhat na ni nanay celi si baby mela.

"Hahaha.. pagpasensyahan mo na phun itong si mela. Akyat muna kami sa taas" ang saad ni nanay celia.

"Nay, sasali lang naman po ako kela kuya eh" ang walang muwang na saad ni baby mela.

Para naman kaming napahiyang lahat. Masyado na atang okupado ang mga isip namin at binigyan namin ito ng kakaibang pagkakaintindi. Hayss..

Pagkatapos naming kumain ay pinaupo ako ni miguel sa sala daw nila, kahit hindi naman ito mukhang sala. Niligpit na nito ang aming pinagkainan habang eto ako nasa "sala" nakaupo at hinihintay siyang matapos. Para matapos na kami at makauwi narin ako sa amin. I can't take it na guys. I need to sleep and have a beauty rest.

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now