KP 17

4.4K 320 21
                                    

Phun's POV

"Magandang gabi po nay celia" ang masayang bati ko dito ng makarating kami sa bahay nila miguel. Oo. Pagkatapos ng nangyari kanina sa perya ay heto ako't kasama niya.

"Buti naman anak at napadalaw kang muli. Alam mo bang lagi ka naming tinatanong dito kay miguel kung bakit hindi kana bumibisita sa amin" ang sabi ni nanay celia. Hinawakan ako nito sa kamay. "Oh! Wag kanang umiyak. Pati ako naiiyak narin"

Pinunasan ko naman ng aking braso ang mata ko. Para akong batang umiiyak.

"Nay, salamat po kase lagi niyo akong hinahanap at kinakamusta na hindi ko narinig at naranasan sa mga tunay kong magulang" lumapit ito sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"Ssshhh... wag kanang umiyak anak. Isipin mo nalang na kaya nila ginagawa yun ay para rin sa kinabukasan mo. Basta lagi mong tatandaan na kahit ano man ang mangyari, nandito lang kami. Kaming pangalawa mong pamilya" ang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Ang sarap! Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong handang mahalin ka kahit na hindi mo naman sila kakilala.

"Masyado na tayong madrama! O sya.. Chibugan na!!" Ang sabi ni nanay celia. Natawa nalang kaming lahat. Hahaha..

Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan. Minsan nahahalata ko narin na may alam na sila patungkol sa amin ni miguel. Eh, paano ba kase.. Itong miguel na ito ay harap harapan kung subuan ako at pakiligin sa harap ng magulang niya.

I love him... siguro? Hindi ko pa alam kung mahal ko na nga ba siya o ano. Basta ang alam ko lang ay ayoko siyang mawala sa tabi ko. Yah! Siguro noong una masyado ko siyang hinusgahan. Masyado ko siyang minaliit at nilait. Pero kung hindi dahil sa busilak niyang puso ay hindi pa ako matatauhan sa katangahan ko na wala tayong karapatang manghusga o mamili ng taong dapat nating pakisamahan at mamahalin.

Siguro nga ay panget siya, eh ano naman? Siguro nga ay mahirap siya, eh ano naman? Siguro nga ay hindi siya yung klase ng taong maipagmamalaki mo, eh ano naman? Kelangan pa ba ng mga bagay na wala siya para lang matanggap at mahalin ko siya?

"Miguel?" Ang pagtawag ko sa kanya habang nakahiga at nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya.

"Hmmm?" Ang sabi nito habang nakayakap sa akin.

"Tayo na ba ulit?" Tanong ko sa kanya. Curious lang.

"Bakit mo naman natanong?" Sabi niya.

"Wala lang. Hindi ko kase alam kung tayo na ba ulit o ano.." ang sabi ko at Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Depende sayo"

"Ha? Bakit naman depende sa akin?" Ang naguguluhang tanong ko.

"Depende sayo kung gusto mo bang maging tayo ulit. Pero para sa akin, ok lang kahit anong desisyon mo. Ok lang sa akin kung gamitin mo ulit ako hindi dahil tanga ako, kundi dahil mahal kita. At handa akong masaktan ulit para lang sa taong mahal ko. Para lang Sayo" ang sabi nito. Rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso. Tumingin ako sa kanya at hinalikan ito sa labi.

"Salamat! Salamat at nakilala kita miguel" hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. Hanggang sa makatulog kami.

Pagkagising namin kinaumagahan ay pinag-igib ako nito ng tubig pampaligo. May pasok kase kami ngayon, buti nalang at dinalhan ako ng pang pasok ni manong ng damit kagabi.

Nakakatuwa naman si miguel, gumising pa talaga siya ng maaga para lang ipaghanda ako ng pagkain at ipag-igib ng tubig pampaligo.

"Thank you" ang sabi ko dito at hinalikan ko siya sa pisnge. Kita ko namang ngumiti lang ito ng malaki. Pumasok na ako sa isang maliit na cr na gawa sa kahoy. Nakapwesto siya sa labas ng bahay nila. Pagkatapos kong maligo ay sumunod na si miguel. Ako naman ay umakyat na sa kwarto para magbihis. Aaminin ko. Matagal talaga akong kumilos kaya kapag nasa bahay ako ay lage akong ginigising ni manang ng maaga. Habang abala ako sa pag-aayos ay siya namang pagpasok ni miguel sa kwarto. Nakatapis lang ito ng tuwalya na hanggang bewang. Hindi ko naman maiwasang mapatingin at mamangha sa katawan nito. Kahit hindi siya naggygym pero halata mo ang hubog at ganda ng katawan nito.

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon