KP 15

3.9K 380 56
                                    

Miguel's POV

Sobrang tahimik naming dalawa ni phun habang bumabyahe kami papunta sa bahay namin. Pagkatapos kase niya akong hilahin kanina ay hindi na ito nagsalita pa.

Upang mabawasan ang ilangan sa aming dalawa ay ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa bagay na nakasabit sa leeg ko. Hindi ko na naman maiwasang maitago ang sayang nararamdaman ko dahil ito ang kauna-unahang medalya na napanalunan ko sa isang singing competition. Tiyak na matutuwa nito sila nanay at tatay.

"Sir nandito na po tayo" ang sabi ni manong driver. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi... ganun din si phun. Marahil ay lumilipad ang isip naming dalawa at hindi na namin namalayang nandito na pala kami.

"Ah.. eh.. Sige po.. salamat po manong" ang pagpapasalamat nito kay manong driver at bumaba na kami.

Habang naglalakad kami papasok ng bahay ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito siya ulit matutulog sa amin.

"Phun.." ang pagtawag ko dito.

"Hmm?"

"Thank you!" Ang nakangiting sabi ko.

"Ha? Thank you? Para saan?" Ang naguguluhang sabi nito.

"Basta! thank you" at binigyan ko siya ng pinakamasayang ngiti ko. "Tara na sa loob" ang pagyaya ko dito at pumasok na kami sa loob.

Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko si nanay na bising bisi na naman sa pagluluto sa kusina. Hindi ko maiwasang matawa dahil iisang senaryo lang ang nadadatnan ko tuwing uuwi ako hahaha..

"Nay.." ang pagtawag ko dito. Bigla naman itong lumingon.

"P-phun?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni nanay. Seryoso? Siya talaga ang unang pinansin hindi ako? Hay! Si nanay talaga.

"Opo. Ako nga po ito nay celia" ang nakangiting sabi ni phun at nagmano dito.

"Namiss kita anak! Buti naman at napasyal ka ulit dito sa amin" ang tuwang tuwang sabi ni nanay. Mukhang napamahal na ito sa kanya.

"Kayo rin naman po nay celia namiss ko.. pati narin po si tatay fernan at ang cute na cute na si baby mela" ani ni phun.

"O siya sige. Magbihis na muna kayo ng pambahay at sabay sabay na tayong kumain" utos nito sa amin. Tumango naman kami bilang tugon.

Nauna ng umakyat ng kwarto si phun. Nagpaiwan muna ako.

"Nay! Ano ako hangin? Hindi niyo man lang ako pinansin?" Pagmamaktol ko sa kanya.

"Sus! Eto namang anak kong ito, masyadong matampuhin. Syempre namiss rin kita pero mas namiss ko si phun"

"Oo nalang po" ang natatawang sabi ko at umakyat narin ako sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay isang malambot na unan lang naman ang tumama sa mukha ko.

"Bastos!!" ang sigaw nito.

"B-bakit?" Ang nagtatakang tanong ko.

Hanggang sa makita kong naka short lang ito ng maiksi at walang damit pang itaas. Bigla akong nanigas kaya naman tumalikod ako agad at naglakad papuntang cabinet para kumuha ng damit at magbihis.

Hay ano ba yun? Grabe ang puti at ang kinis ni phun. Sh*t! Umiling na lang ako at iwinaksi ang nasaisip ko. Namamanyak ko ata siya.

Hinubad ko na lahat ng suot ko at tanging boxer shorts nalang ang tinira kong suot ng biglang nagsisigaw na naman si phun.

"Manyak ka! Bastos!" Ang sigaw nito at bigla niya akong pinagsasabunutan.

Oo nga pala! Nandito nga pala siya. Ano bang nangyayari sa akin? Aray! Ang sakit niyang manabunot ha. Dahil sa ginawa niyang iyon ay pareho kaming na out of balance na siyang naging dahilan para bumagsak kaming dalawa sa kama.

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now