KP 9

3.5K 295 13
                                    

Phun's POV

Halos mainis na ako sa sarili ko dahil sa nangyari kagabi.

-Flashback-


Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtulog noon ng maalimpungatan ako dahil sa sobrang lamig, kaya naisipan kong kumuha ng kumot. Dahil tinatamad akong imulat ang mata ko ay napagdesisyonan kong igapang na lang kamay ko para ito na mismo ang humanap ng kumot na babalot sa katawan ko.

Nang simulan ko ng igalaw ang kamay ko ay labis naman ang pagtataka ko dahil may matigas na bagay akong nahawakan. Parang... parang... katawan ng ito ng tao ah! Kaya dahan dahan kong iminulat mata ko. At laking gulat ko nalang na tao nga ito! Si.. si... miguel. At ang mas malala pa ay nakayakap ako sa kanya.

Ilang segundo rin akong napaisip kung paano nangyari to. Paano akong nakayakap sa kanya? Pero ganoon na lamang ang pagtataka ko ng may maramdaman akong nabubuhay sa bandang hita ko. Kaya naman bumaba ako ng tingin sa para tingnan ang parteng iyon, na siya namang ikinagulat ko. Nakapatong pala ang hita ko sa pagkalalaki ni miguel na unti unti ng nabubuhay.

"Aahhhh!!!" Ang malakas kong sigaw. Dahil sa inis ko ay Pumatong ako sa kanya at pinagsasabunutan ito.

"Aray! Aray! Tama na!" Ang sabi nito. Pero hindi parin ako tumitigil sa pagsabunot sa kanya.

"Manyak ka! Manyak! Grrrr!" Ang naiinis na sabi ko.

"Hindi ko naman kasalanan na ipapatong mo yang binti mo dun kay miguelito" saad nito. Miguelito? Sino yun? Ok, i get it.

"Kahit na! Manyak ka parin" ang naiinis kong sabi sa kanya. Pero itong si miguel tawa lang ng tawa.

"Ayoko na! Suko na ko" ang natatawang pagsuko nito.

Habang abala ako sa pagsabunot sa kanya ay hindi ko napansin ang posisyon namin. Nakahiga ito habang ako ay nakapatong sa kanya at ang mas malala pa dun ay nakaupo ako sa pagkalalaki niya. Sobra akong na-awkwardan sa posisyon namin. Sh*t dahil dun ay napahinto ako sa ginagawa kong pagsabunot sa kanya. Grabe! Ramdam na ramdam ko ang laki ng junjun niya sa pwetan ko. Bigla itong pumintig. Na ikinapula ko lalo ng mukha. Dahil doon ay dumampot ako ng unan at pinagpapalo ulit siya.

"Manyak!" Ang naiinis na sigaw ko dito habang patuloy parin ako sa paghampas sa kanya.

Nakakainis! Bakit kase ang likot likot kong matulog.

-End of flashback-


Dahil sa nangyari kagabi ay nahirapan na akong bumalik sa pagtulog. Ganun din si miguel. Kaya napagdesisyunan nalang namin na maglagay ng unan sa pagitan namin upang makaiwas uli sa ganoong pangyayari, nakakahiya.

Pero infairness, ang sarap matulog sa kanila dahil sa lamig at presko nitong hangin na nagmumula sa bukirin. Iba talaga ang hangin dito sa probinsya. Ang sarap langhapin.

Umaga na at nandito parin ako sa kwarto ni miguel. Nakaupo lang ako ng maisipan kong kuhain ang cellphone ko sa bag. Pagkakuha ko ay binuksan ko ito. Madami akong natanggap na messages mula kay ronnie at yung iba naman ay galing sa mga sisteret ko. Malungkot man na kahit ni isa ay wala man lang akong natanggap mula sa magulang ko na ipinagkibit balikat ko nalang.

[Sis. Remind lang kita ha! Malapit na ang deal natin. Goodluck :)] ang text mula kay leo.

[Good morning] text naman mula kay terry.

Pagkabasa ko ng text ng mga sisteret ko ay napagdesisyonan ko namang basahin ang mga text mula kay ronnie. Grabe lang kung makapag message ang isang to. Eh paano ba naman Inabot lang naman ng 45 text messages mula sa kanya. Puro "kamusta" "hi" "miss na kita" magreply ka naman oh" "gud nyt" puro ganyang lang ang mensahe nito sa akin. Para naman makabawi ako sa kanya ay nireplayan ko ito, na ok lang ako at saka binati ko siya ng magandang umaga. Pagka send ko ay bigla namang nagring ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now