KP 16

4.2K 327 48
                                    

Phun's POV

"Siiissss!" Ang sigaw ni leo mula sa malayo pero hindi ko siya pinansin. patuloy lang ako sa paglalakad.

"Siiss!" Ang hinihingal na sabi nito ng makalapit ito sa akin.

"Ang taray mo ha! Wala nang pansinan? Ganern?" Ang sabi nito habang sumasabay sa akin paglalakad.

"Ay! Yung bag mo nga pala sis, hindi mo na kinuha sa akin noong friday" ang walang tigil na sabi nito sa akin.

"At alam mo pa sis, yang panget na miguel na yan. Nakakatawa talaga hahaha.. Ano hiniwalayan mo na?" ang pagtawa nito. Hindi ko siya pinansin.

"Sis, ano ba? Kanina pa ako imik ng imik dito.. mukha na kong tanga! Kainis ka" pagtatampo niya. Nakakarindi na siya.

"Pwede ba leo, mamaya mo na ako kausapin" ang naiinis na sabi ko sa kanya habang patuloy parin ako sa paglalakad.

"Yung bag mo kase na gustong gusto mo kela----"

"Pwede ba!" Sigaw ko sa kanya. Napagtaasan ko siya ng boses dahil sa inis. Bigla naman siyang natahimik. Hay! Huminga ako ng malalim at tiningnan siya.

"S-sorry! Sorry bes... hindi ko sinasadyang sigawan ka pero kung maaari ay pabayaan mo muna ako ngayon please.. at saka hindi ko narin kelangan ng bag na yan" ang malumanay kong sabi sa kanya. Tumango ito bilang tugon. At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Pagkarating namin sa room ay walang miguel akong nakita. Naupo na lang ako sa likod at hinintay ang teacher namin. Hindi ko naman maiwasang tumingin sa katabing upuan ko. Hay!

Hindi rin naman nagtagal at dumating na si maam. Sinabi lang nito ang resulta ng ginawa naming proyekto. Kami ni miguel ang nakakuha ng highest grade na sobrang ikinasaya ko. Mukhang hindi ata siya papasok talaga ngayon ah.

Natapos ang buong magtanghaling klase namin at eto ako. Nag-aayos ng gamit ko para ilagay sa bag. Nang mailagay ko na lahat ay lumabas na ako ng room. Hindi na rin ako nagulat ng makita ko si ronnie na naghihintay sa labas ng room namin. Ewan ko ba! Hindi siya napapagod na manligaw sa akin. Gusto daw niyang patunayan kung gaano niya ako kagusto.

"Musta?" ang bati nito sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon. Kinuha naman niya ang bag ko at siya na daw ang magdadala.

"Salamat" ang walang ganang sabi ko.

"Sa canteen nalang tayo kumain. Medyo mainit kase kung lalabas pa tayo" ang sabi niya at saka ako inakbayan.

"Sige. Ikaw bahala" ang tanging nasabi ko nalang .

Habang naglalakad kami papuntang canteen ay halos lahat ng estudyante ay sa amin nakatingin. Hindi narin naman bago sa amin ito ni ronnie. Merong tanggap kami at syempre meron din namang hindi. Ano pa ba ang aasahan mo sa kanila di ba? At saka Wala na akong pakialam sa kanila!

Pero sino nga bang hindi titingin sa amin. Eh, mismong ang ace player ng basketball na si ronnie eto kasama ng baklang tulad ko.

Nang makarating kami sa canteen ay pinahanap niya ako ng upuan siya na daw ang bibili. Nang makakita ako ng bakanteng upuan ay mabilis ko siyang pinuntahan para hindi na kami maagawan pa. Naupo lang ako at hinintay si ronnie.

Medyo mahaba rin ang pila kaya naisipan ko munang ilibot ang paningin ko. Hindi ko naman inaasahang mapatingin sa kabilang dulo kung saan nandoon sina miguel at terry na sabay kumakain.

Akala ko ba hindi siya pumasok? Ang saya nilang tingnan. Nakangiti silang dalawa sa isa't-isa. Kaya mas minabuti ko nalang na hindi sila tingnan. Ibinaling ko na lang ang tiggin ko sa gawi ni ronnie. Lumingon ito sa akin at nag 'ok' sign. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon. Hanggang sa mapahawak nalang ako sa pisnge ko. Teka! Bakit may mga luhang pumapatak? Nanlalabo ang mata ko. Bakit? Bakit umiiyak na naman ako? Tumingin ulit ako sa pwesto nila miguel. Naiingit ako. D-dapat ako ang kasama niya eh. Dapat ako yun. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang luha ko. Nakayuko lang ako habang umiiyak.

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now