KP 19

4.3K 301 27
                                    

Miguel's POV

Hindi ko mapigilang mapangiti habang naka tingin sa taong nagpapasaya sa akin. Ang himbing ng tulog niya. Hinawi ko naman ang buhok nitong humaharang sa napaka-cute niyang mukha. Hindi ko naman mapigilang halikan siya sa noo.

Siya na ang buhay ko. Siya na ang nagbigay ng pag-asa sa akin. Pag-asa na pwedeng mahalin ang isang tulad ko.

Masaya ba ako? Oo. Sobra! Sobrang saya ko at wala na akong mahihiling pa. Kung meron man ay ang maging masaya pa siya.

"Kanina mo pa ako tinititigan" ang sabi nito habang nakatingin sa akin. Nakabalot lang siya ng kumot hanggang dibdib.

"Wala lang. Masaya lang ako" ang sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan itong maigi.

"Hmmmpp! Nakakainis ka. Masakit pala yung ginawa natin kagabi, hindi mo man lang sinabi na sobrang sakit pala nun. Tapos ang laki laki pa niyan" sabay nguso nito kay junjun. Natawa naman ako dahil sobra na ang pamumula niya.

"Pasensya ka na kay miguelito ha, hindi ko rin naman alam na masarap palang magalit ito" ang natatawang sabi ko. Nagtakip naman siya ng mukha dahil sa hiya. Hahaha..

"Kainis ka! Pagsabihan mo yan ha, dapat sa akin lang yan magagalit kundi puputulin ko talaga yan" pagbabanta nito. Natawa naman ako at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang mahal ko talaga si phun.

"Oo naman po. Basta sayong sayo lang siya" at mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya at hinalikan ito sa noo.

"H-hindi na ako makahinga miguel" daing nito. Humiwalay naman ako sa yakapan namin at tinitigan siya sa mata.

"Phun.."

"Hmm?" Sabi niya.

"I love you" malambing na sabi ko. Hindi niya ako sinagot. Sinagot niya ako sa pamamagitan ng halik saka niyakap ako ng mahigpit.

"Tara, baba na tayo. Alam kong hinihintay na tayo nila nanay" ang yaya ko sa kanya. Tumango naman siya at nagbihis. Ganun din ako.

Pagkatapos naming magbihis ay bumaba na kaming dalawa ni phun. Inalalayan ko naman siya dahil hindi daw siya makalakad ng maayos. Kagagawan ko daw lahat ng ito. Natawa naman ako dahil siya mismo ang nagsabi sa akin kagabi na 'angkinin mo ako miguel' pero hindi ko na ipinaalala pa sa kanya baka magalit pa siya hehehe..

"O, bakit parang may pigsa ka sa pwet niyan kung maglakad phun" ang tanong ni tatay dito. Bigla naman kaming nagkatinginang dalawa.

"Ah.. eh.. ano po. Ahm.. Ano?" tanong nito sa akin saka ako kinurot sa tagiliran upang tulungan siyang magdahilan.

"Nahulog po kase siya sa hagdan. Oo, tama! Nahulog nga po siya sa hagdan kagabi noong nagkakasiyahan kayo" ang naninigas na sabi ko.

Nagkatinginan lang si nanay at tatay saka tumango tango na parang hindi kumbinsido.

"O siya. Maupo na kayo at sabay sabay na tayong kumain ng umagahan" ang pag-alok ni nanay sa amin.

Inalalayan ko namang makaupo ng maayos si phun. Tumabi ako sa kanya at pinaghain ito ng pagkain. Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon.

"Salamat" ang sabi nito. Ngumiti lang ako.

Sumandok naman ako ng kanin at ulam sa pinggan nito at isinubo sa kanya. Tinanggap naman nito ang alok ko.

"Ehemm.." ang pagtikhim ng lalamunan ni tatay. Bigla naman kaming napatingin sa kanya. "Ang sarap ng luto mo mahal sobrang sarap. Hindi mo ba ako susubuan?" ang nakakalokong sabi nito kay nanay. Palusot pa itong si tatay. Alam ko namang pinaparinggan lang kami.

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now