[ 9 ] Mad

65.6K 857 58
                                    

Chapter 9: Mad

Nag-aalala siya sa 'kin? Ang galing talaga nilang magpaikot ng mga babae dahil muntik na akong maniwala. Kung hindi ko pa naisip na isa siya sa 11SG, mapapaniwala niya ako sa mga sinasabi niya.

"Nag-aalala pala si Kurt sa 'yo kaya naman umiwas ka na sa gulo," sabi ni Drew.

"Pwede ba, 'wag niyo akong igaya sa ibang mga babae na makukuha niyo sa mga panloloko at pambobola niyo? Ibahin niyo ako sa kanila."

"Alam ko na iba ka sa kanila at hindi din kita niloloko," sagot ni Kurt.

Ikinatuwa ni Steffi nang may pumasok sa pinto. Gusto niya umiwas sa topic na 'yon at sakto din naman ang pagbalik doon nina Clint at Blaine.

"Ito na 'yong nurse, oh," sabi ni Clint.

Nilapitan siya kaagad ng nurse para matingnan ang pasa niya sa likuran at binigyan siya nito ng gamot bago ito umalis doon.

"Pwede na siguro akong umuwi ngayon, 'di ba?" tanong ni Steffi sa kanila.

"Ihahatid na kita," pagpepresinta ni Kurt.

"Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya ko din na umuwi mag-isa,"

"Ang arte," side comment ni Nathan.

"Hindi ako maarte. Sadyang hindi ko lang kailangan ng tulong ng kahit na sino lalo na kung tulong niyo. Baka mamaya singilin niyo pa ako,"

"Sige na, umuwi ka na. Baka magalit pa 'yong master mo," sabi ni Finn.

Pinilit ni Steffi na tumayo at naglakad kahit na nahihirapan siya. Madilim na sa loob ng school dahil sa inabot na siya doon ng gabi at iilan na lang ang mga estudyante na nandoon. Naglalakad siya nang matigilan siya dahil sa narinig na ingay galing sa likuran niya. Nakita niyo doon si Kurt na may binubugbog na lalaki.

"Subukan mo pa ulit na magtangkang saktan siya at mananagot ka sa 'kin!" banta ni Kurt.

Napansin ni Kurt na tinitingnan siya ni Steffi kaya naman pinakawalan niya na ang lalaki at saka niya nilapitan si Steffi. Naglakad na si Steffi at sinabayan siya ni Kurt.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Kurt.

"Bakit mo binugbog 'yon? Kawawa naman."

"Ano'ng kawawa dun? Bagay lang sa kanya 'yon. Sinubukan ka niyang saktan pero wala ka man lang kaalam alam. Kung hindi pa kita sinundan, baka kung ano na ang nangyari sa 'yo. Ihahatid kita pauwi sa ayaw at sa gusto mo."

Umupo si Kurt sa harapan niya.

"Sumakay ka sa likod ko," sabi ni Kurt sa kanya.

Nagtingin tingin muna siya sa paligid at sandaling nag-isip. Masakit ang likod niya at nahihirapan siya sa kondisyon niya kaya pumayag na lang siya kahit na ayaw niya sana. Binuhat siya nito at ibinaba sa tapat ng motor niya.

"Dito tayo sasakay?!"

"Oo, bakit?"

"Ayoko. Takot akong sumakay dyan."

"Akala ko ba matapang ka? Ang lakas ng loob mo na makipag-away pero sasakay lang sa motor, naduduwag ka? Hindi tayo maaaksidente, 'wag kang mag-alala."

"Ngayon pa lang ako makakasakay sa motor," pag-amin niya.

Kinuha ni Kurt ang helmet niya at isinuot iyon kay Steffi. Pinasakay niya na din ito sa motor.

"Kumapit ka ng mabuti sa 'kin. Ako ang bahala sa 'yo."

Kumapit ng mahigpit si Steffi sa bewang ni Kurt at saka nito pinaandar ang motor. Habang nasa daan ay natatawa si Kurt kay Steffi dahil napapasigaw ito sa takot.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon