"Phun. Baka naman matunaw na ako nyan" ang nang-aasar na sabi nito.

"Che! Magbihis kana at baka ma-late pa tayo" ang sabi ko sa kanya. Ayoko namang mahalata nya na humahanga ako sa katawan niya. Pero kahanga hanga naman talaga hehehe.

Pagkatapos naming magbihis ay nagpaalam na kami kela nanay celia at tatay fernan. Hindi narin kami nagpahatid pa kay manong driver. Sabay naming nilakad ang daan papuntang eskwelahan. Gusto ko kasing maranasan ang mga bagay na nararanasan niya. Naniniwala kase ako na kapag mahal mo ang isang tao ay dapat mong mahalin ang mga bagay na nakasanayan niya. At yun ang ginagawa ko ngayon dahil mahal ko na siya.

"Pagod kana ba?" Ang tanong nito sa akin. Sa totoo lang ay pagod na talaga ako. Hindi kase ako sanay maglakad.

"Hindi ah. Ako pa ba" ang tumatawang sabi ko. Pero kung maaari ay ayokong mahalata niyang napapagod na ako. Napahinto ako ng lumapit ito sa akin. Kumuha siya ng panyo sa bag at pinunasan ang mukha ko. Nagulat man ako sa kanyang ginawa ay hindi ko naman maiwasang mamula at kiligin.

"Tsk! Ikaw talaga..Tingnan mo nga yang sarili mo. Pinagpapawisan ka na oh! Hay! Ang kulit kulit mo talaga. Dapat nagpahatid ka nalang eh" ang nakanguso nitong sabi. Bakit parang naku cute-an ako sa kanya. Hindi ko maiwasang titigan siya sa mata at yakapin ito ng mahigpit.

"Eh.. ikaw kase eh! Syempre gusto kitang kasama" ang malambing kong sabi.

"Oo na po. Tara na at baka ma-late pa tayo. Alam ko namang ayaw mong magpahuli pagdating sa pag-aaral hehehe.." at pinisil pisil nito ang pisnge ko.

"Hmmpp! Nakakainis ka. Baka naman lawayin na ako niyan kakapisil mo sa pisnge ko" ang nakangusong sabi ko. Hinawakan naman nito ang tig kabila kong pisnge at hinalikan ako sa labi.

"Ang cute mo talaga" ang tumatawang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap din naman ako sa kanya ng mahigpit at hinalikan siya sa pisnge.

"Tara na" ang sabi ko. Pero kinuha niya ang bag ko.

"Ako na po ang magdadala nitong bag mo ha aking kamahalan" ang ma-ala prinsipeng sabi nito. Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso.

"Heh! Ewan ko sayo" ang tampo tampuhan kong sabi. Tumawa lang siya.

"I love you phun" ang masayang sabi nito. Hinalikan ko suya sa labi kahit na marami pa ang makakita. Wala akong paki-alam sa kanila at wala kaming dapat itago.

"Tara na" at nagsimula na akong maglakad. Hindi pa man ako nakakalayo ng mapansin kong wala si miguel, kaya lumingon ako sa likod upang hanapin siya at hindi nga ako nagka mali. Nakatayo lang siya sa doon habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Hoy! Ano pang ginawa mo dyan. Tara na" ang sigaw ko dito. Bigla naman itong natauhan at tumakbong lumapit sa akin. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Para kang shunga dun. Bakit ka ba kase huminto?" Ang natatawang sabi ko.

"Wala lang. Masaya lang ako dahil nandyan ka. Dahil kasama kita at dahil.. mahal kita" bigla naman akong napahinto sa paglalakad. Para na akong mauubusan ng hininga sa kilig na nararamdaman ko.

"Bakit ka huminto?" Ang tanong niya.

"Wala. Tara na hehehe" ang saad ko. OMG! Nikikilig ako guys.

Masaya palang maglakad lalo na at kasama mo yung taong mahal mo. This is the happiest walk trip eva! Echos lang. Mema lang hahaha..

Pero seriosly. Every minute, every seconds, every day ay nahuhulog ako sa kanya. Parang kanta lang ah hahaha... Ang hype ko ba?

Pagkarating namin sa school ay Humawak ako sa braso nito. Meron ibang nagtataka at nagbubulungan. Meron din namang nakataas ang kilay. Who cares? We care? I don't care. Day care. Hahaha..Oo na, korni na. Hindi na mauulit.

Kwento ni Miguel (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now