Entry #1: September 2013

108 3 4
                                    

This is a very lucky month for me. Ang sarap pala ng feeling na nagawa mo na 'yung isang bagay na gustung-gusto mo na talagang gawin noon pa.

Naexperience niyo na rin ba yan?

'Yung may dream kang gawin na bagay, pero hesitant ka pa kasi feeling mo 'di mo maaacomplish. Alam mo sa sarili mo kaya mo pero marami lang talagang hindrances kung bakit 'di mo magawa-gawa.

Minsan marami rin kasing factor kung bakit naghehesitate tayo. Usually, wala tayong tiwala sa sarili natin. 'Yun bang dinadown mo 'yung self mo kasi kinocompare mo 'yung sarili mo sa iba.

Pero 'di ba dapat hindi ganun? Wag mo dapat icompare 'yung sarili mo sa kanila because we are all different from each other 'di ba?. Hindi namn 'to pagalingan eh. Dapat iniisip mo rin 'yung self mo. Isa sa responsibilidad natin bilang tao ay 'yung paunlarin 'yung mga sarili natin. Sabi nga 'di ba, "'di mo kasalanan kung pinanganak kang mahirap.... pero, kung namatay kang mahirap, KASALANAN MO NA 'YUN."

Kung 'di ka magtatry na gawin 'yung gusto mo, ang tanong....okay lang ba sa'yo? sasaya ka ba 'pag ginawa mo 'yan? Masasatisfy ka ba? Minsan kasi blocked din tayo ng thoughts na baka kung anu isipin ng iba. Baka kung ano sabihin nila. Pero, come to think of it. Mahalaga ba talaga 'yun? may mababago ba kung patuloy mo lang sila ipiplease? eh paano namn 'yung sarili mo? HEY, you are not created in this world to please others but, to please GOD.

Come on, God created you because you have a purpose. Sabi nga ng missionary namin sa YFJ, you have to use your God-given talents para maging blessing sa iba.

Kung alam mong may talent ka jan, at wala namang masama kung ipupursue mo 'yan, wag kana magdalawang-isip. Pasayahin mo naman sarili mo. Live your life to the fullest. Sabi nga sa Bible, pagyamanin mo 'yung gifts na meron ka. Kahit isa lang 'yan, p'pag ginamit mo para sa mabuti, papadamihin pa 'yan ng Diyos. Yeah, you will become rich. :) and the happiness na mararamdaman mo? Bet with me (hehe Lord peace:D), pero sigurado ako, sasaya ka talaga ng bonggang bongga. mapupunit na nga 'yung mukha mo sa kakasmile eh. hehe

Yeah. Thank God, 'yan talaga natutunan ko. Although, medyo timid pa rin ako sa ibang bagay, ngayon I've learned to be brave and take risks. Basta alam ko naman na nasa tama and maganda talaga 'yung effect 'di lang sa akin pati na 'din sa iba, why hesitate 'di ba? Why say no?

Be brave! accept everything. The more difficult it is, the more better you are in the end. The more you cry, the more happiness it will bring you. The more you fall down, the more titibay 'yung tuhod mo, pustahan 'di ka na masasakitan pag natumba ka ulit xD kasi nga mas titibay ka. 'Di ka na basta iiyak. Yeah kaya, be the best! Dream High but also Work Harder. God is with you always basta wag ka bibitaw sa kanya okay?

GBU

Open Journal (on-going)Where stories live. Discover now