Entry #9: Facing Rejection

37 0 0
                                    

4/13/15

---------------------------
Facing Rejection

Nakakapatulala...

Nakakapatahimik...

Nakakasira ng mood...

Nakakalungkot...

Nakakawala ng gana...

Nakakababa ng tingin sa sarili...

Nakakahiya..

Ilan lang yan sa mga nangyayari at nararamdaman kapag nareject.

Masakit.

Lalo na kapag umasa ka.

Kapag marami kang ibinigay pero wala pa lang babalik sa'yo..

Kapag inanticipate mong mangyayari pero imposible pala..

Kapag kampante ka masyado sa meron ka pero kulang pa pala..

Kapag masyado kang nabulag ng magagandang salita pero hindi pa pala yon ang kabuun na nakita.

Kapag inalis mo sa sarili mo ang mga panget na bagay pero meron pa rin pala..

Kahit gaano ka kaopen-minded na tao, hindi mo maiiwasang magalit, magdamdam, at masaktan. Masakit kasi talaga. Automatic na mapapaisip ka kung ano bang nangyari? bakit nagkaganoon? kulang pa pala? Ano pa bang mali don? Mapapatanong ka kung bakit ka pa pinaasa sa isang bagay na hindi rin pala mangyayari.

Masakit din lalo na kung masyadong nang mataas yung pinangarap mo, kapag kasi nabigo kang makuha yun, parang ang hirap nang mangarap ulit. Ang hirap paniwalaang magaling ka, kaya mo, magagawa mo.

Madaling magsalita. Madaling sabihin na okay lang. Marami pang next time. Natural lng naman to. Pero ang totoo mahirap gawin. Mahirap na hindi magpaapekto. Mahirap na baliwalain lang kasi pati pagkatao mo, pati pagtingin mo sa mundo nababago.

Okay sana kung may mga tao kang masasandalan. Ang rejection kasi, hindi lang basta-basta. Para nitong pinupudpod ang tuhod mo kaya nadadapa ka. Mahirap makatayo. Mahirap kumuha ng lakas na kayanin dahil kung pipilitin mong tumayo, mas lalo lang sumasakit. Paano kung walang handang mag-abot ng kamay? Paano kung mag-isa ka lang pala na lumalaban sa buhay?

Hindi ka mabubuhay na ikaw lang. May iba kasi sa'tin na mas komportable na mag-isa.. na nakukuntentong sa sarili na lang inaayos ang lahat pero ang totoo kailangan mo ng mga taong sasalo sa'yo at tutulong na makatayo ka ulit.

Kapag malaking bagay yong nagparamdam sa'yo ng rejection, mahirap makamove-on. Mahirap magsalita, mahirap ngumiti, mahirap maging okay. Minsan mapapansin mo na lang yong sarili mong tulala. Inaalala yong mga nangyari.. yong mga katangahan mo.  Minsan maaawa ka na lang sa sarili mo kaya din minsan naghahanap ka ng masisi.. mga tao, mga pangyayari, yong buhay mo, sarili mo, minsan ang Diyos.  Ang hirap mag-isip ng tama kasi uubusin ka ng lungkot, hiya, awa sa sarili mo at mga pagsisi. Ang dali na lang na umayaw at sumuko. Ayaw mo nang sumubok ulit kasi nagkaroon ka na ng takot na baka maulit lang. Nawalan ka na ng tiwala sa sarili mo.

Masakit. Mahirap.

Totoo yon.

Pero hindi naman imposibleng bumangon ulit.

Sa mga panahon na yan mahirap makita ang pag-asa. Pero ang totoo, may unlimited chances tayo na pinoprovide ng Lord. Kailangan mo lang ng panahon para pagalingin yung sugat. You just have to realize that it's not a dead end. It doesn't matter if ilang beses kang nareject kasi tapos na yon. Ang kailangan mong matutunan ay kung paano isasantabi lahat ng masasakit sa past. That's only a burden to carry in the future. Kaya nga walang nakakamove-on sa buhay kapag may mabigat pa na dinadala.

You also have to stop thinking about what people might say. Now, this is a challenge kasi hindi to maiiwasan. Especially kung people have high expectations of you. Ang hirap magfail. Kahit okay lang sa'yo, pwedeng sa kanila, hindi. But just like what they say, people have always something to say, mapabuti man yan o hindi. It's our nature. You have to accept that and you should not let it put you down. Wala ka ng choice sa bagay na yan. Pero may choice ka kung hahayaan mong bumulusok ka na lang pababa o pipilitin mo pa ring umakyat.

Tandaan mo na hindi worth it ang pagsuko sa pwede mong maranasan pag nagawa mong makaakyat sa taas. Mas maganda ang view sa taas.

Rejection? Yan lang ba ang magpapasuko sa'yo? Papayag ka na ganon-ganon na lang. Wala namang nasayang eh. Tapos na ba? Hindi pa di ba? Look at Thomas Edison and Michael Jordan. They are  examples of successful people. But we do not know exactly what hardships they had been through before they had been what they are now. They had failed and had been rejected a thousand times but instead of stopping, they continued. At kinonsider pa nila yon na mga experiences kung saan natuto sila at mas naging mabuting tao.

"Let not your heart be troubled." Sabi ni Lord yan. At may pangako pa siya sa Jeremiah 29:11. He has plans for us... better plans. Kung sumusuko ka na sa rejection na yan sinasayang mo ang mas malaking bagay na hinahanda Niya para sa'yo. Mahirap maniwala pero maraming tao na ang nakapagpatunay niyan. You should not pity yourself. There are people who experiences even worser.

Facing rejection is difficult but IT IS POSSIBLE.

Hindi dahil mahirap, hindi mo na kaya. It's part of life, you have to go with it.

Forgive. Sarili mo man o ibang tao. Huwag mo nang ibalik pa yong mga nangyari. Bitterness eats up all goodness na meron ka. It can destroy you. Give yourself a chance. You can still do better.

Heal. Give yourself time to ease the pain. Someday, the time will come that you will no longer remember how it feels. And you'll just smile at how childish you've been.

Everything happens for a good reason. Cheer up. Malay mo kaya ka nareject kasi hindi talaga yan yong para sa'yo. You have your plans. Other people have plans. But God has better plans. Thank Him instead. Minsan sa mga painful things pa tayo natututo at mas nagiging mabuting tao.

Always pray.

Always pray for courage and strength. God will never let you down. He's with you and He will always be.

God bless kapatid! ツ

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Open Journal (on-going)Where stories live. Discover now