Entry 13.2

148 2 0
                                    

"Teka muna! Hoy! Saan mo ko dadalhin?!" Nagsigawan na lang kami. Kasi naman toh si Mr.Menopause, Ayaw sabihin muna kung ano gusto. "Kikidnapin mo ba ko?!" "Aba! Kidnap?! Sa panget at payat mong yan, May kikidnap sayo? Ha! Mukha mo!" ........Alam nyo lang, Kung pwede lang akong kumuha ng almires at dinikdik si Errol, Ginawa ko na. "Che! Mukha mo din! Ba't mo ba gusto akong kausapin?" "May iuutos ako sayo." "Importante ba?" "Oo. Sobra. Kapag hindi mo ginawa, Mamamatay ako. Gusto mo ba yun?" Aba oo naman! "Aba syempre!" Napatingin siya ng masama sa'kin. Eh totoo naman eh! Siya yung simuno ng mga gulo sa buhay ko.

"...Papatayin ka ng mga fans ko. Ikaw ang pumatay sa'kin." "E-Eh?! Hindi nga ako marunong pumatay eh! Hindi ko alam kung paano nasasaksak ang isang tao! Ganun ako ka-inocente!" Eh kasi yung mga pinsan ko naglalaro ng baril barilan, Eh ako naman nung bata ako, Basa basa at luto-lutuan lang. "Hay naku tama na nga, Now about the task... Are you up to it?" Kung maka "up to it" ka diyan parang nakamamatay naman yung task na yan X __ X "Sige, Basta hindi siya dangerous." "Dangerous!? Pssh. Ibibili mo lang naman ako ng colored pentel pens, pencils, glue, cartolina, bond pape- "HA?! ANO MO KO, YAYA?!" Kung makautos naman o! >:U 

"Bakit? Masama ba mag utos?" "Oo! Kung sobra sobra na!" "Basta, Ibili mo ko."  "...Anu ba? Wala nga akong listahan eh! At paano ko lahat yan babayaran? Mahirap lang ako!" "Oh, Eto bayad! Wag ka na nga sumigaw! Nakakainis boses mo! Parang mangkukulam! "Mangkukulam mo mukha mo!" Kinuha ko yung bayad at pumunta sa Our Paperhouse na stationary store. Oo, Nasa bayan ng Taytay ako. Alam niyo na kung saan ako nagsimba. = _ = Hay nako! Manonood pa naman ako ng Sket Dance! 

...

...

Hala! Ang bigat naman nito! Limang cartolina...Sampung colored pentel pens...Benteng glue...Labing limang colored paper....Hay nako ang dami! Kaya pala mga 3 thousand yung binigay niya saking pera...Hay naku...tataas pa ako sa mga hagdan na ito...Ba't kasi sa taas pa ginawa itong simbahang ito?! Pssssh!!! Sana nandito si Superman para paliparin ako! O si Batman magdala ng mga ito! Hrrrngh! Ang bigat! Di bale, kaya ko to!

Darna mode activated! >:U

...

...

...

...

...

...

Hay buhay ayoko na! Binaba ko yung mga binili ko sa isang hagdan at umupo katabi ang mga ito. "Hwaaah...Nakakapagod naman..." "Hoy!" May biglang sumigaw! Edi sino pa, Edi si.....

*drum roll*

Mr.Menopause!

BA DUM TSSS!!!

Journal ng isang Highschool StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon