Entry 8

200 2 0
                                    

August 20 2013

Hay nako. Wala na talaga akong pag-asa na maka-asenso pa sa nararanasan ko sa Strauss Stratford. Nakakainis lahat ng babae! Snob! Tapos tawag pa nila kay Errol, Knight in Shining Armor. ANG HABA! Kalma ka lang..Eva..Masyadong mahaba siguro pangngalan niya...Gawin kong....BABOY! Mas maganda pa, Errol Lim Napoles. Starter of the Snob Barrel. Mas maganda yun ah! Kulang na lang, Magdala siya ng barrel sa academy mismo. HAY! Makatapak siya sana ng tae ng aso. O kaya taehan siya ng ibon sa ulo niya. Mas maganda na karma pa yun sa kanya! 

"Hoy Payatot na Nuknukan ng panget!" Sigaw ng pamilyar na boses. Hay nako...Si Errol yun...sigurado na ako...Sabi ko sa sarili ko. Hay...Kawawa naman yung blood pressure ko..."ANO?! ANO BA ERROL LIM NAPOLES?!" Sigaw ko naman sa kanya. Nakagaan ng loob ko yun ah...Ang sarap gawin! :3 "ANONG NAPOLES?! HINDI NAMAN AKO NUKNUKAN NG PANGET KATULAD MO! Ang pogi pogi ko nga eh!" ...Grabe? Panget? "Pumapatol ka sa babae ah! Ano ka? Bading? Beki?" Tanong ko sa kanya. "Kung makasagot ka, Parang pareho lang tayo ng lebel!" Sigaw niya sa akin. "Nakakabingi ka na. Tama na nga! Ano ba pinunta mo dito sa classroom ko?" Tanong ko ulit sa kanya. Lagi na lang ako yung dapat huminto. Nakakapagod na! "O, Bag ko. Dalhin mo to sa classroom ko." Utos niya sa akin, Binato niya yung bag niyang nuknukan ng bigat, Pero mabuti na lang, Nasalo ko. "Hindi mo ko yaya! Ano ba Errol!? Para kang baby! Kailangan lahat gawin para sa iyo!" Sigaw ko sa kanya. Totoo naman di ba? Spoiled brat? Spoiled baby? Spoiled try hard? 

"Basta! Dalhin mo na lang to sa classroom ko." Sabi niya sa akin. GRABE! No reaction sa sinabi ko! Pusong bato talaga o! Hay nako ayaw na ayaw ko yung kanta na iyon, Nakakainis! Palakad na ako sa classroom niya, Nang may humarang sa akin na dalawang magandang babae. "Hey where are you going, Pig?" Tanong niya sa akin. Uh...Haller??? Ang bigat bigat nito! Umalis ka sa harapan ko bago ihagis ko pa to sa mukha mo. "Ah, wala lang. Ihahatid ko lang yung bag ni Errol sa classroom niya." Sabi ko sa babaeng parang naiinis yung mukha. LOL bagay na bagay! :))

Tapos nun, sinapak niya ako. Grabe. Ano ka? May karapatan ka bang sapakin ako? "Aray! Oy! Para saan iyon?"  Sigaw ko sa kanya. "HOY! Ba't mo inaddress si Knight in Shining Armor Errol na unang name lang niya? Psh! Pathetic Pig!" Sigaw rin niya sa akin. Hay. Ganun lang? Dahil doon? Grabe tong Strauss Stratford academy na toh. Akala ko maganda pero yun pala, PUNO NG SNOB! 

"HOY! EVA!" Ayun nanaman. Narinig ko nanaman yung boses ng pinaka nakakainis na tao sa buhay ko. Gusto ko nang mag earthquake, mag bukas ang lupa, at mahulog ako doon dahil sa inis sa araw ko ngayon. "Anong ginagawa mo sa girlfriend ko!?" ...Anak ng repolyo, GIRLFRIEND? 

HUUUUUUUUUUUUUH?

-Eva Salvador

(Comments please????)

Journal ng isang Highschool StudentWhere stories live. Discover now