Chapter 11: When Jenna cries

Start from the beginning
                                    

Mga lovebirds talaga. Tsk. Tsk. Tsk.

"Who's there?" Sabi ni Joshua.

"Wait muna. Si Nathan nga pala?"

"Kasama ni Jenna sa kusina. Tuloy muna yung knock knock. Pag di ako natawa umuwi ka na sa bahay niyo." Pambabara ni Chris. Nang sinabi ko na yung joke ko. Pare-parehas silang nag-iwas ng tingin.

Nagkukwentuhan kami sa sala nila nang lumabas ang nakakabatang kapatid ni Jenna na si Lianne na mataman akong tinitignan.

"Hala ka mukhang nagising mo si .." paninisi ni Farrah at tinawag ito. "Lianne, lika dito." Umayaw naman ito at nagpunta sa kusina, sa Ate niya.

"Ganda niya. Maligawan nga." Tss. Si Chris yan. Ba't biglang nag-init ang ulo sa sinabi niya.

Di ko na napigilan na kuwelyuhan siya. "Gago ka! Wag mo siyang idamay." Nagulat naman sila Joshua sa inasal ko.

Nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Pfft. Okay. Okay. *sabay taas ng dalawang kamay bilang pagsuko* Nagbibiro lang ako. At ano ako? Child abuse.?" Pwes. Di magandang biro yun. Nasabi ko nalang.

Natahimik nalang ako. Sakto namang tingin ko sa kusina.

"Anong nangyayari dito?" Tanong nila Nathan at Jenna

Si Farrah na ang sumagot.

"Ah wala. May tinamaan lang na isa dito. O-o tama. Ang kulit kasi nitong si Chris eh. Hehe."
Natatarantang sagot niya.

Napatingin naman ako kay Lianne-- kapatid ni Jenna na nagpipigil ng tawa.

Tsk. Ang gwapo ko kase ..

"Nakahanda na yung merienda. Tara na." Aya ni Nathan.

Nathan's POV

Habang nag-aayos kami ng pagkain.

"Ahm. Nat cr lang ako ah." Paalam ni Jenna.

May dumating na batang babae. Kamukha ni Jenna, baka kapatid.

"Hello po kuya pogi. Asan po si Ate Jenna?" Magalang na tanong niya. Natawa naman ako.

Sasagot na sana ako ng ..

"Oh bunso gising ka na pala. Ayos na ba pakiramdam mo? Naghalf-day ka raw kanina sabi ni Mama. Bakit di mo ko tinawagan? " Concern na may pagka-istriktong tanong ni Jenna.

"Ate alam ko namang busy ka. Tsaka hinatid naman ako ng guard dito kasi sabi ko malapit lang yung bahay natin dito. Ate sino 'tong kasama mong pogi?" Nakapout na sabi ng kapatid niya sabay turo niya sa'kin.

"Ikaw talaga. Ah. Lianne si Nathan nga pala kaibigan ko..." Aww. Kaibigan lang? Teka bakit ba ko ayyyst! Nevermind. -_- "Nathan si Lianne, kapatid ko" dagdag pa niya.

Tumango lang ako bilang sagot at nginitian.

Nakarinig kami nang sigawan dun sa sala kaya nagpunta kami. Tinanong sila Jenna kung anong nangyayari. Sinagot naman ni Farrah. Tinignan ko sila JK, JL, Chris at Joshua isa-isa.

May napansin ako. Si JK. Nakatingin sa may banda sa'min. At nakita ko si Lianne na nagpipigil ng tawa. Anyare?

Inaya ko na silang kumain nang merienda tas tumambay kami sa labas nila Jenna.

Hindi pa kami nakakatagal sa labas may narinig na kaming kalabog. Si Lianne ... hinimatay

"Lianne! "Si Jenna umiiyak habang yakap niya si Lianne.

Agad ko namang pinuntahan si Jenna. Sabi niya bigla nalang daw bumagsak si Lianne. Si JK na ang bumuhat at inihiga sa sofa.

"JL tumawag ka ng ambulance!" Sigaw ko.

Wala pang five minutes dumating na ang ambulance. Si Tito Lance pala, kapatid ni Mom. Nagkataon naman daw siya na malapit lang dito.

Si Jenna naman iyak ng iyak. Namumugto na yung mata niya Di naman ako sanay ng ganto siya. Kaya niyakap ko nalang bilang comfort. Chansing. LOL.

"Don't worry. She'll be fine." Mahinahong sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya at hinayaang makatulog siya.

Napansin ko naman ang babae na kaedaran ni Mom. Eto na ata yung Mama ni Jenna.

"Ah-- magandang gabi po." Sabi ko.

"Salamat pala ijo sa pagdala kay Lianne dito. Hindi ko na nga alam gagawin ko eh. Hayaan mo't mababayaran ko rin kayo kapag nakasweldo na ako." Nakangiting sabi nito na medyo lumuluha luha pa.

"Walang pong anuman basta po para kay Jenna." Sagot ko pabalik.

"Salamat talaga. Ano nda bang pangalan mo ijo?"

"Nathan Co po."

"Ako naman si Cathalina Mendoza. Ang Mama ni Jenna. Sige Nathan. Ako nang bahala kay Jenna."

"Ako na lang po maghahatid kay Jenna. Alam ko pong pagod kayo." Malumanay na sabi ko.

Nakita ko naman natigilan ito. At wala sa sariling napatango.

Fight For Love [On-going]Where stories live. Discover now