Chapter 74: The Killers

5.1K 142 6
                                    

Preii's POV
Kahapon pagkatapos namin kumain ay naligo nalang ulit kami. Linggo na ngayon, bukas na yung business partner nila Rex at Phoebe.

"Preii, bilisan mong mag-ayos, pagong ka na naman eh!" Inis na sigaw ni Yanna

"Malapit na, Yanna. Wait." Sabi ko atsaka lumabas na ng banyo

"Tara na!" Sabi ko at lumabas na kami

Sabi kasi namin na magbonding muna kami, girls to girls. Pumayag naman sila, magba-bonding din daw silang magto-tropa.

Picture kami ng picture pag may nakita kaming magandang view o nakakamanghang mga bagay. Lakad na nga kami ng lakad, hanggang sa nalalayo na kami sa resort.

'Tignan niyo don oh! May maliit na cottage!" Turo ni Yanna na medyo malayo pero kitang kita naman

Pumunta kami doon at nakita namin yung cottage na yon ay luma na at halatang hindi nalilinisan. Ni wala nga atang dumadayo sa lugar na to eh.

"Tara pasukin natin." Pag aaya ko sa kanila

"Sigurado ba kayo, hindi na ata to parte ng resort." Sabi ni Ali

"Saglit lang naman." Sabi ko atsaka sinilip yung cottage

Ang liit lang sobra. Kitang kita mo yung loob na puro alikabok at agiw. Tanging lababo, upuan na kahoy at kahoy na lamesa lang.

"Wala naman pala tayong mapupuntahan diyan, ang liit liit oh." Sabi ni Lian

Aalis na sana sila ng may makita akong mukhang pasukan, nakakandado pa.

"Yanna, tignan mo! Ano yon?" Tanong ko

Bumalik naman sila at sinilip. "Daan ata yan, pero patungo naman saan?" Tanong ni Yanna

"Ewan ko, tara pasukin natin." Sabi ko

Pumasok kami sa loob ng cottage, lumuhod naman kami at pilit na hinilahila yung hawakan nung butas na yon.

Kumuha si Yanna ng bato at ipinukpok sa padlock. Nasira naman yung padlock at binuksan namin yung butas na yon. *eeeenkkkk*

Lumang luma na kasi tumutunog na yung buksanan.

May isang hagdanan pababa, "Tara, saglit lang to." Sabi ko at naunang bumaba

Hindi ko alam kung bakit interesadong interesado akong malaman kung ano ang meron sa butas na to. Basta parang may nagsasabi sa aking buksan ko yon.

Pagbaba ko syempre madilim pero maliwanag ng kaonti dahil sa sikat ng araw na tumatama sa bintana.

Binuksan ko yung switch ng ilaw at wala na talaga. Di na gumagana, kinuha ko yung flashlight na nasa bulsa ko. Inilibot ko yung mata ko at para siyang isang office room. May mga tables, chairs at book shelf.

"Maghalungkat kayo." Sabi ko

"Sigurado ka, Preii? Baka may makakita sa atin." Sabi ni Lian

"Wala yan kung bibilisan niyong kumilos." Sabi ko at binuksan yung laman ng loob ng table

Mga ballpens lang at mga walang kwentang papel. Pumunta naman ako sa bookshelf at may nakita ako doong isang album na naka agaw ng atensiyon ko. Yung album na yon ay may bulsa na nakalagay doon ay sobre.

"Yanna, tignan niyo to." Yaya ko sa kanila

Lumapit naman sila at inilawan yung sobreng hawak ko.

Binuksan ko ito at wala pang nakakabukas ng sino man. Binasa ko ng malakas ang unang nakasulat, "Dear, Jaymie."

Napatingin naman sakin sila Ali. "Anak, si papa mo to. Alam kong mababasa mo to kung kelan patay na kami. Anak, pasensya na kung hindi namin nasabi sayo na gangster kami ng mama mo, itinago namin yon para sa kaligtasan mo. Pero alam kong paglaki mo, marami kang gustong itanong. Anak, nakwento naman namin yung tungkol sa nangyaring pag iibigan namin ng nanay mo, si Sebastian ay lider ng grupong Big Jim. Gusto niya akong patayin dahil sa pagtakas ko sa mama mo pero wala, alam kong mahuhuli at mahuhuli rin kami. Anak, hahanapin ka ni Sebastian at papatayin ka niya dahil anak ka namin ng mama mo. Kaya anak, mag iingat ka. Kayo ng mga kaibigan mo, mahal na mahal kita anak. Dito namin tinago ito dahil alam ko na balang araw makikita mo to, dito kami unang nagtago ng nanay mo nung nagtatago kami kay Sebastian pero wala nahanap parin kami. Sa loob ng album yung mga litrato namin ng mama mo, litrato natin, litrato ng mga magulang ng mga kaibigan mo na kasama kami at kami nila Sebastian. Mahal na mahal kita, anak. Mag iingat ka."

Umiyak naman ako bigla kasi naaalala ko na naman sila mama. Binuksan ko ang album at parang nagbalik lahat ng masasayang alaala namin nila mama at papa. Umiiyak na rin ngayon sa tabi ko si Yanna, sa huling pahina ng album. Ang mukha ni Sebastian. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha mo, hayop ka. Ikaw pala ang pinaka boss ng Big Jim at boss ni taba. Humanda ka, Sebastian.

Nilisan na namin ang lugar na yon at dinala ang album na yon, bumalik na kami sa resort at kumain muna kami bago kami umalis sa resort na to.

Kumain na kami kasama sila Rex, last day na namin to kaya pinuno na namin yung cellphone at camera ng pagmumukha namin. Naikwento na rin samin ni Zhyrah na nandito si Michael at nagpaalam na siya kanina. Pati si Marlon ay nagpaalam na rin kay Sophia.

Best experience in Vision Beach Resort pero may galit at lungkot akong nadarama dahil sa nalaman ko tungkol kay Sebastian.

Naalala ko yung sinabi ni Zack, si Sebastian daw ay nasa hospital dahil mahina na. Tsk, madaling patayin, kung matanda na siya eh bakit sa picture bata pa siya? Atsaka mas matanda siya kila papa? Kakausapin ko nalang si Zack ng mas malinawagan ako.

Sumakay na kami sa van para pumunta na ng manila. Mahabang biyahe na naman to kaya natulog nalang ako sa balikat ni Rex. Lumipas ang ilang oras ay nag-i-stop over nalang kami sa mga convenience store para bumili ng makakain.

Lumipas ulit ang ilang oras nasa tapat na kami ng bahay ko at nagpaalam na kami. "Bye, Rex. Salamat, nag-enjoy talaga ako." Sabi ko sa kanya

Hinalikan naman niya ako sa labi ng matagal, "Welcome, mahal. Bukas na yung simula ng pagbusiness partner namin ni Phoebe, diba sang ayon ka naman na don?" Tanong niya

Kung pwede lang tumanggi kanina ko pa ginawa! Pero no choice ako, eto yung pangarap ni Rex at para rin to sa kanya.

"Oo. Sige, pahinga ka na para may lakas ka bukas." Sabi ko atsaka kumaway na

Pumasok na kami sa loob at sila Ali, ayon bagsak agad sa kama nila. Pero ako ay umupo sa upuan ng sala. Dinial ko ang numero ni Zack.

"Hello, Zack. Yung impormasyon na binigay mo sakin tungkol kay Sebastian---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pangunahan niya ako

"Ay, sorry talaga, Jaymie. Nagkamali ako ng sinabi sayo. Si Sebastian ay yung kaibigan noon nila papa mo, hindi pala siya yung naka-confine sa hospital." Sabi niya

"Ha? Eh sino pala?" Tanong ko

"Si Marticio, siya ang tatay ni Sebastian." Sabi niya

Kaya pala nagtataka ako, bakit mamamatay agad si Sebastian eh kasing edad lang niya sila papa.

"Si Marticio ang pumatay sa magulang ko na ngayon ay nasa hospital at si Sebastian ngayon ang may hawak sa Big Jim na boss ni taba?" Tanong ko

"Oo, Jaymie." Sagot niya.

"Sige, salamat sa pagpapaliwanag." Sabi ko atsaka pinatay na ang linya

Tinignan ko na naman ang litrato ni Sebastian, magkikita rin tayo balang araw at ikaw ang mamatay sa mga kamay ko!

(A/N: Anong masasabi niyo? Abangan ang susunod! Mas magiging maganda na ang ganapan! Last update ko na to, bukas nalang!)

Nasa media yung itsura ni Sebastian at ni Marticio.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon