Chapter 57: Who?!

5.4K 177 15
                                    

Preii's POV
Nagising nalang ako ng kayakap si Rex, nakahiga ako sa braso niya at yung isang kamay niya ay nakaalalay sa likod ko.

Tinignan ko naman ang mukha niya, mahabang pilikmata, matangos ang ilong, magandang shape ng jaw and a perfect lips. Perpektong perpekto, hindi ko na kailangan man matakot dahil si Rex na ang nagsabing mahal niya ako. May isang salita si Rex at alam ko yon. Hindi niya ako sasaktan... Hindi niya ako paluluhain... Hindi niya ako iiwan.

Habang tinitignan ko ang bawat parte ng mukha niya ay bigla siyang nagsalita.

"Baka matunaw ako ah, bahala ka wala ka ng mahal." Biro niya atsaka binuksan ang mga mata niya

Brown eyes... Ang ganda tignan.

"Kamusta tulog mo?" Tanong niya sakin

Kahit natulog na kami amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.

"Okay naman, ang ganda ng boses mo ah!" Sabi ko

"Asus, nangbola ka pa. Hindi ako magaling kumanta pero para sayo kumanta ako. Mahal kita eh." Sabi niya

Pinisil naman niya yung ilong ko na ikinamula ng pisngi ko.

"Alam mo yung commercial ni James Reid ng cornetto?" Pagtatanong niya

"Oh anong meron don?" Pagtataka ko

Eh paano naman kasi napadpad si James Reid sa usapan namin, diba.

"Sa commercial niya hanggang two lips lang, yung akin kasi hanggang 3 lips." Sabi niya na ikinangiti niya

Nagtaas naman ako ng kilay na ibig sabihin ha?

"One lip." Sabi niya atsaka hinalikan ako sa noo

"Two lips." Sabi niya atsaka hinalikan ako sa ilong

"And last, three lips." Sabi niya atsaka hinalikan ako sa labi ng matagal

Sa sobrang tagal nun ay narinig ko nalang na bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Ay mama sita! Namitas ng sitaw! Maglock kaya kayo ng pinto!" Gulat na sigaw ni Ali

Siya na ang bumitaw at tumawa kaming dalawa.

Michael's POV
Nandito kami ngayon nila Zack sa kwarto namin. Did you remember us, readers? Kami ang mga bestfriend nila Preii.

Sa ibang eskwelahan kami nag-aaral, sa AU sila Preii at kami naman ay Harrington University. Noon na kaming nag-aaral sa AU pero nagpatransfer nalang kami dahil hindi namin kinaya noon ang pambubully na ginawa samin ng grupo nila Kevin. Araw araw kaming nabubully at napagtitripan. Isa sila sa kinakatakutan noon sa AU, kaya nung umalis na sila Rex sa AU ay doon na rin namin napag isipan na lumipat sa HU.

Kasali rin kami sa gangster, Dark Pentagon ang gang name namin. Di ko sasabihin na magaling kami pero hindi kami nawawala sa listahan ng Top 15 kada-year. Ni kami rin ay nagulat nung nalaman naming nawala bigla ang 5 Jacks, kada-year kasi may ginagawang program ang buong gangsters sa Gangster World ayon ang The Bloody Party. Ang Bloody Party na yon ay nakasanayan na naming mga gangster, sa Gangster Dome ginagawa at kailangan lahat ay dumalo. Ang ginagawa doon ay bunutan, nasa loob ng bunutan ang mga pangalan ng gang group and the two groups were lucky to match. Walang rules, walang pigil, okay lang na magpatayan, it's a bloody party. Ni hindi sila nagpakita at yon ang pinagtaka namin. Umaasa kaming magpapakita sila pero lumipas ang isang taon wala parin sila.

Matagal na kaming magkakaibigan nila Preii, hindi naman sa simula bata palang kami. Nung grade 4 kami ay doon kami nagkakilala lahat. Sa Triuppe Werylle Academy kami nag-aaral nun, isa sa magandang school sa Amerika.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon