Chapter 20: Guess Who?

7.5K 308 21
                                    

Chapter 20: Guess Who?

(A/N: Eto na ulit ang UD ko, happy 4,100 readers! Happy happy na tayo! Votes din kayo at comments para malaman ko kung nagugustuhan niyo. Idededicate ko to kay SimpleGreen, follow niyo siya, tinulungan niya din ako sa Korean para kila Kevin. Joyce is her name. Enjoy Readers! Labya!)

Preii's POV

"Halika na, ihahatid na namin kayo sa classroom niyo." - Kevin

"Ay, wag na Kevin. Kaya na namin, aakyat lang naman eh." Sabi ko

"Umo-o ka na Preii, bahala ka magtatampo kami niyan sa inyo." - Dims

Tumingin na lang ako kila Yanna na parang nagsasabing no choice.

"Bakit kasama ng nerds yang mga yan?" - Girl 1

"Oo nga, hindi ba sila natatakot sa kasama nila?" - Gril 2

"Baka wala pa silang alam tungkol sa kanila." - Girl 3

Napatingin naman ako kay Kevin, na taas noong naglalakad. Maya maya tumingin siya sa akin na parang nagsasabing hayaan mo sila.

Nang nasa tapat na kami ng classroom.

"Sige pala, Kevin. Papasok na kami." Sabi ko

"Sige." - Kevin

Pati sila Dims, nagbabye na kila Ali. Si Dims, nagpaalam na kay Ali. Si Zorenz, nagpaalam na kay Yanna. Si Dave, nagpaalam na kay Rose. At si Jillo, nagpaalam na kay Lian.

"Andiyan na sila!" - Girl 1

Napatingin kaming sampo doon sa limang naglalakad sa harap papunta sa amin.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Kevin

"Bakit mo naman tinatanong ang isang tulad ko na may-ari ng eskwelahang tinatapakan mo?" Tanong ni Rex

"Oh? Akala ko nagpapasikat ka lang kaya dumaan ka dito." Sabi ni Kevin ng nakangisi

Nagtitimpi naman si Rex dahil yung kamao niya nakatupi na.

"Well, bakit ka nandidito? Eh sa taas pa yung classroom mo." - Rexell

"May hinatid lang kaming kaibigan." Sabi ni Kevin

"Kaibigan? O bagong laruan?" - Rexell

Naging seryoso naman yung mukha ni Kevin at napatingin sa akin.

"Pumasok na kayo sa loob, mag-uusap lang kami." - Kevin

Pumasok naman na sa loob sila Yanna kaya sumunod na lang ako.

"Preii, sa tingin mo? Mabait ba talaga sila Kevin?" - Alessandra

"Ewan ko? Siguro naman oo." Sabi ko

"Eh bakit ganun yung rumors? Na dapat pala ay katakutan natin sila." - Rose

"Oo nga, kung dapat silang katakutan bakit pa tayo sumama sa kanila?" - Lian

"Malay niyo nagbabago yung tao diba? Wag agad tayo magjudge, mararamdaman naman natin kung masamang damo ba yung kaharap natin." - Alyanna

"Eh ano bang pakiramdam mo?" Tanong ko

"Para sa akin... mabait sila." - Alyanna

Rex's POV

Kanina pa ako naiinis dito sa lalaking to! Tapos ihahatid niya pa si Preii? Eh ano bang pake ko kung ihatid niya yon? Tsk.

"Pwede ba Rex, kung gusto mo ng gulo sabihin mo." - Kevin

"Ayoko ng gulo, kaya pwede ba? Magtransfer ka na lang sa ibang eskwelahan." Sabi ko

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon