Chapter 60: He's Back!

5.2K 190 37
                                    

(A/N: Yey! Umabot na tayo sa 60! Haha, enjoy readingg!!!)

Preii's POV
Inihatid na ako ni Rex nang sabihin ni dok na pwede na akong umuwi. Bago ko pa nga lang buksan yung pinto nakita ko na sila Yanna na hindi pa natutulog.

"Preii, okay ka na ba?!" Alalang tanong nila

Nalaman ko kay Rex na kanina daw ay tinawagan niya si Yanna, hindi nalang niya pinapunta dahil andoon naman daw siya.

Bago pa man ako pumasok sa loob ng bahay ay humalik na ako sa pisngi niya.

"Salamat ah." Bulong ko sa kanya

Nakita ko namang ngumiti siya

Sumakay na siya sa kotse at pinaandar na. Pumasok naman na ako sa loob at sunod sunod silang nagtanong.

"Ansabi ni Rex?"
"Anong sinabi mong rason?"
"Nalaman na ba niya yung totoo?"
"Nagalit ba?"

"Hindi, iniba ko yung rason." Sabi ko at iniwan na sila doon

Pagod ako at gusto ko ng matulog. Pagkahiga ko sa kama ay bumalik na naman sa utak ko yung sinabi nung kaklase ni Rex. 'Atsaka si Phoebe.'

Ayokong iwan ako ni Rex, natatakot ako na baka ipagpalit nya ako. May tiwala naman ako sa kanya kaso talagang may nagpapagabag sakin.

Sa kakaisip ko, di ko na namalayang nakatulog ako.

KINABUKASAN

Pumasok na kami sa AU at nasira ang umaga ko dahil pagpasok ko sa school, ang unang tumambad sa mata ko ay kasama ni Rex si Phoebe.

Naiinis na naman ako, bat ba lagi siyang nakabuntot sa boyfriend ko? Para siyang linta!

"Mahal!" Sigaw ni Rex ng mapansing nasa school na ako

Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Phoebe sa braso niya atsaka pumunta sa akin, ayaw pa nga magpabitaw ni Phoebe kaya medyo naitulak ng kaonti ni Rex.

Nakita ko naman yung naging reaksiyon ni Phoebe, nainis kaya napairap nalang sa ere. 'Buti nga sa kanya.' kahit anong gawin mo, ako parin ang pipiliin niya kesa sayo.

Hinalikan niya ako sa pisngi atsaka inakbayan, nagulat nalang ako ng biglang nasa harap ko na si Phoebe. Nakangiti ng matamis, ang ganda ng ngipin at ng ngiti niya. Ano kayang naiisip ni Rex kapag nginingitian siya nito? Naiisip ko palang naiinis na ako eh!

"Hi! I'm Phoebe, Rex's friend." Nakangiting sabi niya at naglahad ng kamay

Baka mapahiya naman yung ganda niya sa lahat ng estudyante kung hindi ko kukuhanin diba?

"Preii." Nakangiting sabi ko rin at kinuha yung kamay niya

Nagshake hands kami, ang lambot ng kamay niya. Nahawakan na kaya ito noon ni Rex?

"Rex, let's go? Magsisimula na yung klase natin." Sabi niya kay Rex

"Ah, Preii. Mauna na kami ah? Love you." Sabi niya atsaka lumapit na kay Phoebe

"Bye, Preii." Nakangiting paalam niya atsaka naglakad na palayo na nakahawak na NAMAN sa braso nung boyfriend ko

Kung pwede ko lang pilayin yang braso niya kanina ko pa ginawa!

Nakatingin lang sakin sila Yanna, na parang sinasabing ang martir ko.

"Tara na!" Nakangiting yaya ko sa kanila

Kailangan hindi ako magpahalata na naiinis at nagseselos ako, mamromroblema lang sila. Kahit kay Rex, kailangan hindi ko rin maipakita kaya kahit paano ay nagpapanggap akong okay ang lahat.

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsWhere stories live. Discover now