Chapter 43: Li-Ter (Lian + Peter)

4.8K 202 9
                                    

Chapter 43: Li-Ter (Lian + Peter)
Lian's POV
Iniwan na kami nung apat na couple sa restaurant, eto naman si Peter nakatingin lang sakin, kanina pa!

"Hoy, Peter! Ano ba?! Tumigil ka nga diyan!" Sigaw ko sa kanya

Pero wa epek, at nakatingin parin sa akin.

"Ano ba Pete---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng pangunahan niya ako

"Ang ganda." Sabi niya habang nakasalumbabang nakatingin sa akin

"Ano ba! Umayos ka nga!" Sigaw ko sa kanya at tinabig yung pinagpapatungan ng baba niya kaya nauntog yung baba niya sa lamesa

"Aray!" Sigaw niya kaya napatingin yung ibang mga tao samin

"Shh, ang ingay mo!" Bulong ko sa kanya

"Ang ganda mo kasi eh." Sabi niya atsaka umayos ng upo

"Ewan ko sayo. San na tayo pupunta?" Pagtatanong ko

"Sa taong mahal ko." Sabi niya atsaka ngumiti

Gusto niya ng laro ah, sige sasakyan kita, makulit ka eh!
"Oh talaga? Saan naman yung lugar na yon?" Pagsasakay ko sa trip niya

"Sa puso mo." Sabi niya sabay kumindat

Ay langya! Tsk, kaya inirapan ko na lang siya. Tumayo naman na ako atsaka lumabas.

"Oh bat nakasunod ka?" Pagtatanong ko

"Eh kasi pupuntahan nga natin yung taong mahal ko, andiyan kasi oh." Sabi niya sabay tinuro pa yung dibdib ko

Nagulat naman ako dahil iba yung naturo niya!
"So-sorry!" Sabi niya habang tumatawa

"Walang hiya ka! Manyak! Manyak!" Sigaw ko habang pinagpapapalo siya

"Sorry na nga eh." Sabi niya atsaka pinigilan ang pagpapalo ko sa kanya at bigla akong niyakap ng mahigpit

"Pe-peter! Di ako makahinga!" Sigaw ko

Kumawala naman siya at  pinasok ako sa kotse niya.

"Hoy, saan mo ko dadalhin?" Pagtataray ko

"Sikretong malupet." Sabi niya atsaka kumindat

"Feeling pogi." Bulong ko

"Pogi talaga ako." Sabi niya atsaka ngumuso pa

Narinig niya pa yon?! Grabe!

Pinaandar na niya yung sasakyan at huminto sa hotel NAMIN?!

"Dito kami nakatirang lima." Sabi niya atsaka bumaba ng kotse

Ay oo nga pala, dito rin sila naka-in.

"Halika na." Sabi niya atsaka biglang nag-ninja moves at saktong hinawakan ng mahigpit yung kamay ko

"Peter ano ba?! Bitawan mo nga yung kamay ko!" Sigaw ko

"No." Sabi niya atsaka hinalikan pa yung kamay ko

Wala akong nagawa hanggang sa napunta kami sa elevator nang naka-holding hands.

"Oh?! Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" Sigaw ko

"Ang ganda mo." Sabi niya atsaka mabilis na hinalikan ako sa kanang pisngi

Tumingin naman ako sa kanya ng masama at bigla niya akong nginitian.

Maya maya hinalikan naman niya ako sa kaliwang pisngi.

"Ano ba?!" Sigaw ko habang pinapalo siya gamit yung kaliwang kamay ko dahil hawak hawak niya yung kanan

"Oopss, no no no." Sabi niya atsaka pinigilan ang kaliwang kamay ko

Kukunin ko na sana yung kaliwang kamay ko nang higpitan niya ang hawak doon at tulakin ako sa dulo ng elevator.

"Urgh!" Angil ko tumama kasi yung likod ko

Hawak na niya ang dalawang kamay ko atsaka ako hinalikan sa noo.

"Ano b---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng halikan niya ako sa ilong

"Ano, papalag pa?" Mapang asar na tanong niya

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Pero last favor, I love you." Sabi niya atsaka ako hinalikan sa labi

Binitawan na niya ako atsaka ngumiti ng malapad.

"Walang hiya ka!" Sigaw ko atsaka sumugod sa kanya nang bigla niya akong buhatid pang bridal style

*ting*

Bumukas na rin ang elevator at naglakad na siya habang buhat buhat ako.

"Ibaba mo ako Peter!" Sigaw ko

Binuksan na niya yung pinto at nagulat siya sa nakita niya kaya nabagsak niya ako.

"Aray!" Sigaw ko

Naka-steady parin si Peter, parang tanga. Kaya tumayo na rin ako at tinignan kung ano ang ikinagulat niya.

"Ay sorry nakakaistorbo ata kami!" Sabi ni Peter atsaka sinarado agad ang pinto

Nakita namin si Yanna at Terrence na naghahalikan.

"Haha gago!" Rinig kong sigaw ni Terrence kay Peter

"Pero nice one, Rence. Ako rin, nakapuntos na, andami nga eh." Sabi niya atsaka tinignan niya ako ng nakakaloko

Mga baliw.

(A/N: Waaaah nakakakilig! Haha! Anong mas bet niyong sweetness overload? Hahaha comment down at ipaglaban! Haha basahin ang last chapter na mai-a-update ko ngayon, bukas nalang!)

The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon